💍Trouble 20: Uncontrollable💍

1.3K 71 19
                                    

HATING BAKLA
(SHERIDAN)
Huling Kabanata









"SAKLOLO!" Ang sigaw ni Rolanda nang pakaladkad na hinila ng armadong lalaki palabas sa taxi. Si Sheridan ay nauna nang hablutin at mabilis na naisakay sa van.

"Ano ba! Bitiwan mo ako! Help! Kinikidnap kami!" patuloy na pagpalag ng bakla. Naroong pumasag ang mga paa at hatawin ng mga kalmot ang kumakaladkad na lalaki.

"Tumahimik ka!"

"Patahimikin mo, gago!" mando ng isa pang lalaki.

"Mga walanghiya kayo---agh!" Pero napadaing at napahandusay si Rolanda. Nawalan ng ulirat matapos ang paghampas ng puluhan ng baril sa kanang-noo.

"Rolan! Anong ginawa n'yo sa kapatid ko? Anong nangyari sa kanya? Mga hayup kayo!" Pahisteryang tili ni Sheridan sa loob ng van. May piring na panyo at nakagapos ang mga kamay sa likod. Narinig niya ang daing at biglang pananahimik ni Rolanda.


At naramdaman niyang may sumakay sa tabi niya. Nagulat pa siya nang pahapay na napasandal sa kanya ang katawan niyon. At nang umandar na ang van ay bahagyang nang kumiskis sa kanya ang balat nito, kinabahan na siya. Lalo na nang maamoy niya ang pamilyar na pabango.

"R-Rolanda?" usal niya sa nanginginig na tono. "M-Mga hayup kayo! Anong ginawa n'yo sa kanya! Pakawalan n'yo kami! Tulong!" Sigaw niya sa labis na pagkataranta. Nilukob na ng takot ang kanyang puso.

"Pinatay na namin ang kasama mo! Kaya't tumahimik ka kung ayaw mong matulad sa kanya!" pagalit na sagot at banta ng lalaki na nasa passenger seat. Pagkuwa'y bumaling sa driver. "Bilisan mo ang pagmamaneho, Usman! Marami ang nakakita sa atin! Pusang gala! Baka sumabit pa tayo nito!"

"Ano ba'ng kasalanan namin sa inyo? K-Kung pera ay wala kaming maibibigay sa inyo! Pakawalan n'yo na kami! Parang awa n'yo na!" patuloy na pagmamakaawa ni Sheridan. Kabadong-kabado na siya sa lagay ng kapatid at tiyak na kapahamakan sa kamay ng masasamang-loob na 'to.

"Naririndi na ako sa bunganga mo bakla!" at matalim ang mga matang bumaling sa kasamahan sa likod ni Sheridan. "Patahimikin mo nga ang bading na 'yan!"

"Yes, boss!" Malumanay na sabi at ngumisi. Bago ang pagpisil sa batok ni Sheridan.

At sa mabilis na pagmamaneho ng driver, bigla nitong kinabig pakanan ang manibela. Saktong nainguso ang sasakyan sa one way road. Makitid at naglalakihan ang butas ng sementadong daan. Ang paligid ay naglalakihang puno at nagtatayugang niyog. Bahagyang malakas ang hanging nagmumula sa dulo ng kasukalan.

"Bilisan mo, Usman! Naririnig ko na ang wangwang ng mga pulis!" nagagahol na mando ng lalaki sa passenger seat.

"Relaks, Kalbo, narito na tayo!" At huminto ang van sa mismong hangganan ng sementadong daan. Sa bungad ay ang karagatang kumikinang sa papalubog na araw.

"Tara! Tara! Bilisan n'yo! Ibaba na ang mga 'yan!"

At nagmamadaling kumilos ang mga ito. Ilang saglit pa'y nasa tabing-dagat na sila.

"Ang sabi ni Boss Rigor ay narito na ang bowrider na sinasabi niya pagdating natin, bakit wala pa rin?" Kinakabahan na ang isang lalaki. Panay ang lingon-likod sa pinanggalingan.

"Hayun! Parating pa lang ang mga kupal!" at itinuro ng isa ang paparating at mabibilis na sasakyang pandagat. "Pero, paalala lang. Ako ang kukuha ng bayad sabi ni Boss." Mayabang na dagdag.

Bakla 2: Hating Bakla : SHERIDAN (GayRomance) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon