Tananananan! Ang katangahan. Bow! xD
Sa wakas! College na ko, lahat ng bago. Bagong school, Bagong oras ng pag gising, Bagong paligid, bagong teachers at syempre bagong mga kaibigan at tropa. Enjoy naman eh, challenging! gala dito gala doon, kapag vacant kung san san ka madadala ng paa mo habang nag iintay ng susunod na naakatagal mong klase. Habang nag lalakad kame, my nabasa yung classmate ko na nakapost sa may pader. "Hoy! Annie, may audition oh! Try ka! papanoorin ka namin! :))" Ako naman si oo, go lang! Isa nga pala akong rakista, hindi adik ah. nagmamahal lang ng musika. "sige! mag ttry ako, pero di ko sure kung matatanggap ako ah". Audition yun sa organization ng mga nag babanda sa loob ng university. Gusto ko din naman kaya hindi ko na palalampasin. "beyb! akong mag dadala ng gitara para sayo, para hindi ka mhirapan mag byahe, may kilala ako." bida ni beyb yan! ang instant bestfriend ko. Hihi.
Lumipas ang mga araw. Ayooon! Audition na, unti unti na akong kinakabahan. feeling ako lahat ng nagdadaan na may dalang gitara, mag aaudition dun. Sa pag iimagine ko ng kung akong mangyayare mamaya. bigla nalang....
"Beyb! hindi daw madadala nung hiniraman ko yung gitara. Sorry ah :("
Hindi ko alam yung irreact ko! buong chemistry time. Nganga ko. Hindi ko kase alam kung san kukuha ng gitara, pano na yung audition? gustong gusto ko pa man din yun.
TO CUT THE LONG STORY SHORT!
Nakapag Audition nman ako, hinatid ako ng mga classmates ko, wala si beyb nun. Kase akala nya galit ako. Umiyak pa ko sa labas ng audition room nun kase akala ko talaga hindi ako makakapagtry. Mabuti nalang, may gwapong ROMASU member na lumapit sa akin at sinabing "Nag provide nman kami ng gitara don sa loob, pasok ka na. magsisimula na"
kinilig ako! pero hindi pa siya ang Epic fail na drammer ko. HAHAHA!
okey na! nakakanta na ko. sinabayan ko ng alis pagkaperform ko. Hindi nman ako ngakalat, syempre! raker nga e.
(After 2 weeks)
May nagtext. Tanggap daw ako ng ROMASU! whoa! success! Pasado ko. My meeting daw, mamaya. Eskayted naman akong dumalo at maka meet ng mga professional na musician.
Here Iam sa meeting, Kabado, wala pa kaseng kakilala. After kong mag fill up ng form at magbayad ng membership free. Humanap ako ng bakanteng upuan, De ayon! Lingon lingon baka sakaling makakita ng kakilala. Kasali din pala yung classmate ko nung elementary. Aha! my kakilala na ko. :))
Biglang may tumabi sakin, si kuya. Mukha syang bakla! hindi nman mukha, parang lang. Hihi. ako naman si usisa. Tanong tanong para kunyari my ka close na ako dun.
"Humanap na kayo ng mga kabandmates nyo, since ROMASU na kayo, pwede na kayong tumugtog sa mga gig na gagawin dito sa university" sabe ni Tomas, na aming Presidente.
"Kuya, may banda ka na ba?" Tanong ko kay Paolo. Siya na yung sinasabe ko! <3 "Sa labas meron na, pero dito wala pa. ikaw ba?"
"Wala pa nga din eh, ano bang hawak mo?"
"Drummer ako, ikaw ba?"
"Hmm. Vocalist po tska nag gigitara din. Tay nalang? hahanap ako ng iba pang kabanda" sabi ko sa kanya
"O sige ba!" Sagot niya.
"Tayo nalang ha? huwag ka ng hahana ng iba" sabe ko.
"Sige! :) " kasama ng isang malupit nyang ngiti.
Nagkahingian na ng number, hanngang matapos na yung meeting na yun. Hindi ko sa siya kinausap ulit, kase hindi nman ako interesado pa s kanya nun. hanggang sa nag katext na kami.
Hanggang sa napansin kong puro siya nalang yung laging laman ng inbox ko. Masarap pala siyang katext. Nagkakasundo kase kme sa banda. rakista nga eh! Ilang araw palang kaming magkatext pero ewan ko ba! pano ba nman kase ..
Paolo : may pick up ako sayo :D
Annie: Oh ano?
Paolo : kapag naging tayo gusto ko number natin 2 tsaka 4 :)
Annie : Bakit nman?
Paolo : para 2gether 4ever! :))
hala ka! bumabanat si kuyang drummer. Hindi ko nman ipagkakait. Kinilig ako sympre. Hanggang sa ayun! naging parang komporteble na kme sa isat'isa. Sumasabay pa nga Siya saking mag unli lage eh. Hindi ko nman alam kung bakit. Sbe niya wala naman daw siyang balak mag hanap ng magiging girlfriend. indi nman daw kase hinahanap yun eh, inintay. Nagsisimula na din akong humanga sa kanya. Nagkakasama na kming dalawa. Medyo dumadalas na. One time sinama nya ko sa Studio, Tumugtoog sola ng mag kabanda niya. Napakagaling Niya! Sobra! nako! nganga ko nung pinapanood ko siya. Napapansin ko na din yung mga oalihim nyang tingin sa aki. Hindi ko ba alam kung nag fefeeling lang ba ko pero nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin.
pag katapos nun, yung kinagabihan. Magkatext kami ..
"Ang lalim mo na Annie, ang Lalim mo na talaga"
Lagi niyang sinasabe sakin yun, hindi ko nlang pinansin. Hindi na ko makapag pigil kse na gusto ko ding malaman kung ano ba yung sinasabe niya na yun.
"Ang lalim mo na, hulog na hulog na ko sayo."
Hindi ko malaman kung ano irreply ko sa kanya!
"Galit ka ba? sorry ah. Alam ko hindi ka maniniwala kase ilang araw palang tayong magkakilala"
"Hindi, ok lang yun. Nararamdaman ko din naman na eh :))" Sabe ko.
Pagkatapos ng pag amin niya na yun, hindi nman kami nag kakailangan kapag mag kasama. Bumabanat pa nga yun eh, kahit harap harapan. Sobrang ok na! Kung magiging kame man handa na ako. Hindi ko na nga pinansin yung mga nanliligaw sa akin. kahit yung mga matatagal ng nag iintay. Kase, gusto ko na siya at parang LUMALALIM na din siya.
isang araw, magkatext kmi. Lage nman kase kming magkateks. Naging seryoso yung usapan.
Paolo : Gago ako, pasaway ako.
Annie : Huh? Bakit? Patay tayo jan! ayoko ng sakit ng ulo.
Paolo : Kung ganon, Huwag ako.
Annie : anong wag ikaw?
Paolo : Huwag ako.
Hindi ko na magets kung bakit biglang syang naging ganon. Hindi ko na siya tinitext, kase umaasa ko na sya yung gagawa ng move para maging ok kami. Naisip ko din, na kung pasaway siya magbabago siya para sa akin. Pero mali pala ko. Maling mali.
Hindi na ko makapag pigil. Mahal ko na siya. Sa pinaramdam niya sa akin nung mga nakaraang araw. Talaga nmang mamahalin ko na siya. Tinext ko siya non. aaminin ko na sana sa kanya yung nararamdaman ko. Alam kong walang magiging problema kase nga gusto din nman niya ko. Tinext ko siya.
Annie: Paolo, Iloveyo. Sorry :(
Paolo : Bakit ka nag sosorry?
Annie : Wla lang. Bati na tayo?
Hindi siya nag reply. matagal din yun ..
Annie : Ayaw mo ba skin?
Paolo : Hindi sa ayaw, pero mali eh. Kasalanan, may masasktan.
Annie : huh? my girlfriend ka??!
Paolo : OO, kaya sabe ko sayo wag ako. kase gago ako sinabe ko nman sayo yun eh
Para kong lulubog sa kinatatayuan ko nun pangako! Hindi ko malaman yung gagawin ko o sasabihin sa kanya. Nag decide ako na mag quit dun sa organization nmin para hindi ko na siya makita. gusto pa niyang makipag kaibigan sakin. parang ayaw ko na gusto ko. Mahal ko kase sya. Kahit my gf pala siya at pinaasa lang ako.
madaming nagbago, hindi na kme nag kakasama di na din nagkakatext. ako na yung umiwas, kawawa nman kse yung girlfriend niya. Wlang ka alam alam. Ganon pala ginagawa ng BF niya. Sinusubukan ko pa ding kalimutan na siya at iwasan pero hindi ko pa din mapigilan. Nag fflirt pa din sya sa akin. Hindi ko ba alam kung bakit ganoon o sadyang malandi lang siya. Hindi ko na ilalagay yung iba pang nangyare. Mga katangahan ko nalang kase yun. J)
UNANG MAINLOVE TALO! THINK BEFORE YOU CLICK IKA NGA NILA! :))