"Ate Dalen, Punta ka dito sa hospital. Hinahanap ka na naman ni mama." Bungad sa akin ni Taj pagkasagot ko ng telepono dito sa sala.
"Ok."
Naglalakad na ako papasok ng hospital. Pagkapasok na pagkapasok ko palang nahilo agad ako sa mga nakikita ko. Mga hindi magkaundagagang mga nurse/doktor at mga taong lumalaban para sa kanilang mga buhay.
Dumiretso ako sa nurse station at sinambit ang pangalang "Analisa Tolentino" na agad naman niyang nakuha.
Hinawakan ko ang doorknob at natulala sa pinto.
"Ba't ba ako pumunta dito" Nasabi ko nalang sa sarili ko. Bahala na.
Pagkapasok ko pa lang, naririnig ko na ang mga tunog ng machine. Lumingon ako sa sofa at nakita ang kapatid kong tulala.
"Buti naman at pumunta ka." Malamig nitong sambit.
Nakatayo lang ako sa likod ng pinto at nakatitig sa nakaratay sa kama.
"Gabi gabi siyang umiiyak at hinahanap ka." Nilingon niya ako at ngumisi. Nakatitig lang kami sa isa't isa. Sya puno ng lungkot. Ako, hindi ko alam.
"Wala ka ba talagang awa? Ate? Wala talaga? Hihintayin na lang ba nating mamatay yang babaeng yan?" Tinuro niya ang babaeng nakahiga sa kama at walang malay.
"Ikaw? Ba't nandito ka?" Tanong ko sakanya at tinignan niya ako ng matalim. Napatayo sya at nagngingitngit na sa galit.
"Tangina Ate! Nanay pa din natin yan! Ano ka ba?!!"
"Wala kang alam, bunso. Wala.Kang.Alam"
Napaupo na lang sya at napahawak sa ulo. Narinig ko siyang ngumisi. Inangat niya ang ulo niya at namumula na ang mga mata niya.
"Bakit ba kasi ayaw mong sabihin sakin ate? Bakit ganyan ka? Wala kong alam! Tangina wala akong alam! Nasasaktan ako pag nakikita ko yung mukha mo! Baki akong makitang emosyon!? Pero kapatid kita kaya nararamdaman ko ang pagkasuklam mo. Saan ate? Kanino? Ano? Bakit?"
Nilapitan ko sya at niyakap. Wala syang ginawa at tahimik lang na umiyak. Sorry. Hindi pwede at ayokong sabihin sayo.
"I-enjoy mo nalang ang buhay mo. Sa bago mong pamilya. Babalikan kita pag nahanap ko na si Tonton." Sambit ko pagkalayo ko sakanya.
Taj's Point of View.
Sino si Tonton? Ba't kinilabutan ako sa sinabi ni Ate? Napahinga na lang ako ng malalim at natulala. Di ko talaga kilala ang kapatid ko pero ramdam kong mahal niya ako pero ang pinagtataka ko ay wala syang pakialam sa halaga ng nanay namin. Alam ko at ramdam ko.
Sino ba talaga si Ate?
--
(Narration)
May isang lalaking tulala at nakatitig lang sa basong may lamang alak at pinaglalaruan ang yelo. Habang nagmumuni nakarinig ang lalaki ng hiyawan, hindi nya man lingunin kilala nya na kung sino ito. Mga kaibigan nya.
Isa isang lumapit sa kanya ang mga ito at tinapik sya sa balikat ngunit hindi nya na ito pinansin at tinungga lang ang laman ng alak na nawalan na ng lasa dahil sa yelong natunaw. Sa kabilang banda, sanay na rin ang mga grupo ng lalaki sa kaibigan nilang yelo. Sanay na sanay. Dahil matagal na itong ganun at magaling parin naman ito makisama kahit nasobrahan sa pagkatahimik.
"Deep shit! More slut more fun! Hahahahaha" Sigaw ni Daniel.
Lahat sila ay nagtawanan at nagsimulang maging wild. Samantala, sa kabilang table ay umiinom mag-isa si Taj. Napapalingon sya sa grupo ng mga lalaki na maiingay. Napailing nalang sya. Gusto nya mag-enjoy katulad ng mga estrangherong yun pero laging pumapasok sa isip nya ang kanyang kapatid na tatlong taon nya nang kilala pero misteryo parin para sa kanya ang ugali at pagkatao nito.
"Hayy. Tama tama" Tumango-tango pa ang binata.
Umorder pa ito ng maraming alak at kinuha ang telepeno upang tumawag sa mga kaibigan. Pagtapos ng tawag ay napahinga nalang sya ng malalim at hinintay ang mga kaibigan.
- -
Dalen's Point of View.
Tumingala ako sa building na nasa harap ko. Ito na ata ang sinasabi ni Ate Lala na nabasa nya sa dyaryo na naghahanap nang isang tauhan para sa financial department. Pumasok ako sa loob at hinarangan ako ng isang gwardya. Nginisian nya ako at sinabing bawal daw ako pumasok sa loob.
Tinignan ko lang sya.
"Miss. Bawal ka sa loob. Di ka naman empleyado. At wala kang Visitor's ID."
"Mag-aaplay ako." Nilapit ko sa mukha nya ang dyaryo na nagpapatunay na kinakailangan nila ng empleyado.
Tumawa sya at sinabing may nakakuha na daw ng pwesto na yun. Tumango na lang ako at paalis na sana ng nakita ko pang sumaludo yung gwardyo sa likod ko. Di ko na pinansin at dirediretsyo lang.
Umuwi na ko sa bahay-ampunan na kinalakihan ko at nagtaka ng makitang wala masyadong naglalaro sa hardin, hapon na at marami silang mga bata kapag ganitong oras.
"Oh? Kamusta? Natanggap ka?" Napalingon ako sa gilid ko at nakita si Ate Lala na nagsasampay ng mga kumot.
Lumapit ako sa kanya at nagmano. "Meron na po silang nakuha para dun sa pwesto."
"Ay naku sayang naman. Osya pumasok ka na sa loob at kumain. Andun ang mga bata at nagsisiya, may dumating kasing panauhin at nagpahanda para sa mga bata. Bagong sponsor natin."
Tumango nalang ako at pumasok na sa loob. Napatingin sakin ang mga tao sa loob at ang ibang bata ay hinila ako paupo sa isang upuan.
Nanonood lang ako dun ng may lumapit sakin na bata at umiiyak. Napalingon ako sa kanya at napangiti ng sandali.
"Ate...s-saan k-ka galing? a-ayaw ko dito!"
Iyak lang sya ng iyak. Binuhat ko sya at inupo sa kandungan ko. "Wag ka na umiyak." Pinunasan ko lang ang luha nya at hinagod ang likod.
"A-ayo..ko dito! Ang daming m-monsters!" Iyak parin sya ng iyak kaya nilabas ko muna sya, pumunta kami sa likod ng bahay at hinagod hagod ang likod nya hanggang sa nakatulog na lang sya.
Papasok na ko ng may narinig akong nag-uusap. Hindi ko na dapat papansinin kaso "Just fuck it! You know i don't like kids! Why are you...? Fuck it! I don't care! Iurong mo ang..."
--
(Narration)
"Just fuck it! You know i don't like kids! Why are you...?" Hindi na natapos ang sasabihin ng artista ng magsalita sa kabilang linya ang kanyang manager.
"Richmon Pineda! Don't you get it? Gagawa gawa ka ng issue tapos di mo paninidigan? Eto na nga lang magtatakip sa pagiging careless mo eh!"
"Fuck it! I don't care! Iurong mo ang..."
"Wag kang magmura, nasa bahay ampunan ka at madaming bata, baka marinig ka at gayahin nila ang kadumihan ng salitang yan."
Napalingon ang lalaki sa nagsalita, kinilabutan sya sa tingin nito. Ano ba 'to? Inaantok?
"Ehem. Anong kailangan mo, miss?"
"Wala kong kailangan." Walang emosyon nitong sambit. Kinilabutan nanaman sya! Ano ba naman 'tong epekto nang babaeng to sa kin.
Nagtitigan lang silang dalawa hanggang sa umilag nalang ang lalaki sa sobrang pagka-ilang.
Katahimikan.
"Wag ka magpanggap. Ang kailangan namin ay yung mga taong handang tumulong. Wag mong gamitin ang pangalan ng bahay-ampunan na to o ang mga bata para masabing mabait ka kahit ang totoo hindi naman."
Marahas na napalingon ang lalaki sa babae at tumawa ito ng malakas.
"Ano bang sinasabi mo? Naawa ako sa mga bata kaya ako tumutulong." Sabi ng lalaki ng hindi nakatingin sa mga mata ng babae.
Katahimikan ulit.
Bigla na lang umalis ang babae at napahinga sya ng maluwag. Tinawagan nya ang kanyang manager at "Fuck you." saka nya ibinaba ang tawag.
BINABASA MO ANG
A Thick Walls In Between.
RomantizmMagdalena Tolentino. She's cold but warm at a same time. She's living a life full of pride. That's why her heart and mind never allow her to forgive and forget something or someone in her past. Would you like to know her?