OMG! napaka AMAZING nitong araw nato! di ako makapaniwala!
habang nasa byahe nanaman ako pauwi, may nakasakay ako Fashionistang lalake, (mas nauna ako sumakay pero same place) medyo napansin ko sya sa suot nyang damit (maong na long sleeve) at sapatos (parang barko na balat kulay light na brown) saka naka sumbrero, eh after nun nagmuni muni nako habang nasa byahe, nagwoworry ulit dahil medyo malakas ang ulan, natanong ko si Lord "uulan pa po kaya pagbaba ko sa jeep?" diko naipagpray na tumigil ang ulan kasi nagtitiwala naman ako na di Nya ako pababayaan, PAGKATAPOS ng pagmumuni napansin ko parehas kami nagpara (yung hinihilang string) edi ayun, syempre umuulan parin, tapos ... tumigil ako saglit sa MCDO (kanto namin) papasundo sana ako sa nanay ko kaso wala na pala akong load kaya sinugod ko nalang yung ulan, sa paglalakad ko "walking in the rain" ang peg, nagulat ako may lumapit saken at sinabing "ate payong oh.." OMG! pagtingin ko si MAONG BOY! hahahaha! diko alam pero ang awkward na nung naglalakad na kami habang hawak nya yung payong nya, feeling ko nasa sagala ako, meron onting conversation, sabi ko "san po ba way nyo?" tinuro lang nya yung kamay nya ng diretso, tinanong din nya ko parehas ng tanong ko, tapos malapit na kami sa lilikuan ko biglang inabot saken ang payong nya, at sinabing "pagpasensyahan mo na yang payong ah.." nagpasalamat ako after non. tapos parang nakakaguilty kasi sya nagpaulan at ako naman ang may payong, pero ang AMAZING don eh GOD IS GOOD! ALL THE TIME! kilabot ang inabot ko ngayong araw grabe. may nagtiyaga kaya nagbasa neto hahahaha pasensya na. diko din makalimutan mukha nya at nanghinayang di ko natanong ang kanyang pangalan. pero salamat ulit! wag nyo nako tanungin kung gwapo sya pero para saken hahaha PM nalang! yeeee! ❤
BINABASA MO ANG
AMAZING MOMENT!
Short StoryKUNG AKO KINILIG, TIYAK NA MARARAMDAMAN MO DIN KUNG ANO ANG NARAMDAMAN KO :-)