MEET HER

200 8 5
                                    

KEÑA CROWSLEA's POV

" WAAAAAAAA!!!! MAMAAAAAAA!!! " sigaw nang dalawang mataray with matching yakapan sa isa't isa habang nagsisiksik sa isang gilid ng pader.

T____T

" Shit!!! " Nagulat na binatang papalabas ng silid sabay takbo pabalik pagkakita saakin.

T___T

" OH MY GOSH!!!! " gulat na sigaw ng babaeng kasalubong ko sabay takip nang dala niyang files sa kanyang mukha at umiwas sa daan.

T_____T

"F*CK SH*T!!!! " react nang isang lalaki pababa ng hagdan sabay talikod.

T_____T

" POR DIOS POR SANTO!!!!" Sabi ng kasalubong kong teacher sabay sign of the cross at umiwas din sa daan.

T_____T

" WAAAAA!!!! MAMAWWWWW!!!!  tili nang bading sabay cross nang kanyang daliri at tinutok saakin ng makabanggaan ko siya ng lumiko ako ng daan.

T_____T

Tsk...Makamamaw naman tong baklang to akala mo kung sino. Eh, mas mukha pa siyang mamaw sakin eh. Kafal ng fez niyang baku-baku.

Ganito ang daily greeting saakin nang mga nakakasalubong ko dito sa entrance ng MileStone Arch University (MSAU-pronounce as MI-SAU) o sa simula pagkalabas nang bahay.

Ni minsan hindi pa ako nakakaranas na may mag-greet sakin nang 'Goodmorning','Hi','Hello' at 'Goodbye'. Puro nalang " Mamaw", " Asawang", Sadako, " Ik-ik" at kung anu-ano pang ka-halimawan ang tinatawag nila saakin.

Mapabata o matanda ganoon ang reaksyon nila sa tuwing lalabas na ako nang bahay upang pumasok sa eskwela, magsimba o mamalengke man.Pati nga mga hayop hindi nagpapahuli -.-").

Walang lumalapit o tumatabi saakin pag ako'y sumasakay ng jeep o pumipila. Kulang na nga lang i-ban ako sa pagpasok sa mga establishment sa sobrang takot nila.

Simula noong elementary hanggang high school naranasan ko na ang iba't ibang uri ng pangbubully na ng mga klasemate ko. Noon iniiyakan ko ang mga panlalait nila saakin. Nagkukulong lang ako sa loob nang bahay at takot lumabas hanggang dumating ang araw wala na akong mailabas na luha. Kaya nasanay na ako sa paulit-ulit nilang reaksyon. Inshort Immune na ako.

Hindi ko naranasang mag-enjoy sa aking kabataan dahil na din sa mga panlalait at pang-bubully nila saakin.

Halos nasa bahay lang ako pagkagaling sa eskwela. Gawaing bahay, pagbabasa nang mga libro ang panunuod nang anime ang libangan ko.Kaya ang result namuti akong masyado na lalong kinatakutan.

Mala-pang-anime nga siguro ang buhay ko kasi kakaiba ako.

Kakaiba in a sence of physical weirdness appearance. Kulot,sabog,magulo, mahaba at makapal ang itim na itim kong buhok. Yun ang kinaibahan ko na unang mapapansin saakin. Hindi ako mahilig magsuklay dahil wala rin pag-asa ang pagbabanat sa kulot kong buhok. It always end up na bungi-bungi na ang suklay paghinuhugot ko.

Nag-try din akong pumunta sa salon para mag-pastraight ng buhok at lakas loob na pumasok but worst hindi pa man ako nakakapasok sa bungad nang pinto pinagsasaraduhan na ako nang mga parlorista baklush. Ang mean nila eh may pambayad naman ako.

Kahit mga herbal ginamit ko na kaso imbis na magstraight mas lalo lang nangapal at nangitim ang buhok ko kaya heto I'm gaining this treatment.

At dahil immune na ako sakanila at wapacare sa mga lintik na panlalait nila! Chin up, chest out, stomach in at pa-rampa  nalang akong naglalakad.

WHEN THE NIGHTMARE AND SCARECROW AND MEETSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon