Chapter 38

73 5 0
                                    

"I love you Cassi...And God knows how it kills me to walk away still madly in love with you."

Ang mga salitang iyon ang huli kong narinig bago niya inangkin ang labi ko. Mabilis mang nakuha ng banayad niyang halik ang aking katinuan, hinding hindi ko makakalimutan kung paanong binuo ng pait, sakit at lungkot ang mga salitang iyon.

Kasabay ng paglalim ng halik niya.... Ay ang paglukob sa akin ng dilim. Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari. Pakiramdam ko ay kahit anong gawin ko'y tinatalo ako ng pagtulog.

Hanggang sa unti unti ay nakayanan ko nang maimulat ang mga mata. Kung paanong nakahiga ako sa sobrang dilim na lugar ay hindi ko alam kung paanong nangyari. Parang tinambol ang puso ko nang kaba nang wala akong makita sa dilim ng paligid. Itim lahat at naging dahilan ito para mahirapan ako sa paghinga. Bumangon ako at luminga linga subalit wala akong makita.

"A-angelo?..." Pagtawag ko. Ilang ulit na umalingawngaw ang boses ko. "Angelo?" Pag uulit ko. Binalot ng takot ang dibdib ko nang hindi makatanggap ng kahit na anong sagot maliban sa paulit ulit na umaalingawngaw na sariling boses. Itinukod kong mabuti ang kamay at pinilit tumayo.

"Angelo asan ka? Asan ako?" Wala akong narinig. Mas lalo akong binalot ng kaba at takot. Para akong sinasakal ng dilim. Wala akong makita. Asan na siya?

"Angelo!" Nangilid ang luha ko't unti unting natataranta. "Angelo asan ka!" Wala akong narinig. Tuluyan na akong nabahala. Nilukob ako ng di maawat na takot nang kahit anong gawin kong paghahanap ay hindi ko siya makita. Para akong nakulong sa hindi ko alam kung anong lugar. Purong dilim. "Angelo!"

Nahulog ang mga luha sa mga mata ko. Tuluyan na akong tinalo ng takot. Napahikbi ako ng ilang ulit na tawagin siya'y hindi ko parin siya makita. Niyapos ko ang sarili habang hinayaan itong magtangis. Hindi ako tumitigil sa pagtawag sa kanya at para akong nauupos na kandila nang maalala yung mga pagkakataong hinayaan niya akong mapahamak. Pakiramdam ko'y mauulit na naman ito. Nagsisisi ako kung paanong hindi ko ito tinanong sa kanya. Alam kong may dahilan at nagpakaduwag na naman ako kanina. Kanina..... Anong nangyayari Angelo?

"Angelo! Ano ba! Nasaan ka na?!" Umupo ako at sa takot at niyakap ang mga tuhod. Natatakot na ako Angelo.... Pakiusap...

Ilang sandali pa ay halos manginig ang katawan ko nang biglang umalingawngaw ang nakakakilabot na tawa. Nahigit ko ang hininga ko at parang naparalisa nang mas lalo itong lumakas.

Nanginig ang bibig ko at hindi na ako makahinga ng maayos sa kabog ng dibdib. Ipinikit ko ang mga mata at itinakip ang parehong kamay sa magkabilang tenga.

Napakalakas. Nakakabingi. Nakakakilabot dahil sa paraan nito ng pagtawa. Parang demonyo.

Binabangungot ba ako? Kinagat ko ang bibig ngunit dama ko ang sakit. Tumutulo na ngayon maging ang pawis ko sa noo. Diniinan ko ang pagtakip sa tenga nang lumakas ang malademonyong tawa. Ilang sandali pa ay nawala ito. Natatakot akong gumalaw. Unti unti ay nanginginig na niluwangan ko ang kamay mula sa tenga. Idinilat ko ang mga mata at natatakot na inilibot sa paligid ang paningin.

Tahimik na. Ngunit nanatili ang dilim. Nanatili din ang takot sa akin. Nanlabo ang mata ko dahil sa muling pagbadya ng luha.

Ano bang nangyayari? Nasaan ako?

"Gusto mong malaman?"

Napahigop ako ng hangin upang humanda sa pagsigaw. Ang nakakakilabot na bulong na ramdam ko sa tenga ko ay halos patayin ako sa sindak. Inataki ako nang kilabot nang lingunin ko ito at makita ang pinang galingan ng boses.

Isang matanda na maitim ang mga mata ang nakangiti sa harap ko. Nanginig ang katawan ko lalo. Pinilit kong umatras sa takot at upang makalayo. Ang bibig ko ay dinig kong nagsasagupa sa nginig. Ang mga luha ko na lamang ang nagiging tinig ng aking mga salita.

He's A Ghost (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon