At bumukas na ang pinto ng simbahan.
Maluha luha akong pinagmamasdan ka habang unti unting naglalakad.
Napakaganda mong pagmasdan sa wedding gown na ilang beses nating pinag-isipan ang design, ang mga bulaklak na pinili mong hawakan na kung tutuusin ay syang mga paborito ko naman, ang mga ngiting nakapagpapatunaw ng puso kong walang tigil sa pagkabog habang hinihintay kita makarating sa aking harapan.
Hindi ko mapigilang balikan ang mga alaala ng nakaraan, kung paano tayo nagkakilala, naging magkaibigan, kung paanong ipinakilala kita sa aking pamilya, nagkamabutihan at makalipas ang ang mga taon hetobna ang ang patutunguhan.
Sa aking pag-iisip hindi ko na namalayan ang pagdating mo, ang saya sayong mga mata ay hindi mapapantayan.
Tumigil ka sa mismong harapan ko at pinunasan ang mga luhang hindi ko na namalayan ang pag-agos.
"Bes thank you. Finally ikakasal na ko" masaya mo kong niyakap.
"Welcome bes, congratulations" masaya kong tugon at muli kitang pinagmasdan na maglakad patungo sa altar, patungo sa kuya ko.