YUMI POV
"Miyata! Miyata!! Miyata!!!"
Walang tigil ang pagkalampag ko sa salamin mula sa loob nito sa pag-asang mababasag ito kahit alam kong imposible iyon.Halos mapatid na din ang litid ko sa kahihiyaw pero duda ako kung nadidinig ba nila ang boses ko o nakikita man lang.
Hindi..
Hindi ito pwede..
HINDI AKO MAAARING MAKULONG SA SALAMIN..!!
Nararamdaman ko na ang pangingilid ng luha ko..Paluhod akong napadausdos habang nakalapat ang dalawa kong kamay sa salamin habang nakadikit din ang aking mukha.
Bagama't nakalutang pa din ako ay nababalot na ako ng kadiliman.Mula dito sa itaas ay nakikita ko si Miyata at ang aming mga kasama.Bakas ang pag-aalala sa kanilang mukha..lalo na si Miyata..
Nag-aalala akong napatingin kay Miyata ng bigla na lang kumawala ang kanyang kapangyarihan..Nabalot siya ng puting liwanag.Sinubukan siyang pigilan ng mga kasama namin nung walang sabi-sabi na susugudin niya si Tata..nakikita ko ang pag-aalala nila sa pagpapadalos-dalos nito.Pinigilan siya higit ni Shugen pero tumilapon lang ito sa lakas ng pwersa ni Miyata at walang nagawa.
Hindi ako makapaniwala sa aking nakikita..napaawang ang bibig ko..
Si Miyata walang emosyon sa kanyang mga mata at tila wala na siya sa kanyang sarili.Naalala ko ang kanyang ina..ito na marahil ang ipinag-aalala niya na baka kainin ng galit si Miyata..nabalot tuloy ako ng pag-aalala sa mga oras na ito.
Sinugod niya si Tata at pinaulanan ng kapangyarihan at nung makalapit siya dito ay binigyan niya ng sunod sunod na suntok.Nakita ko na muli ay unti-unti na bumabalik siya sa kanyang sarili puno ng galit ang paraan ng pagkakatingin niya kay Tata..walang awa niya itong pinagsusuntok..di ko napigilan na mag-iwas ng tingin..nawalan na ng buhay si Tata..ang baliw na si Tata..
Nagkaroon ako ng pag-asa na baka sa pagkawala niya ay makakawala na din ako dito sa salamin katulad ng napapanuod ko sa tv..
Pero wala..
Walang nangyari na ganoon..
Tuluyan ng pumatak ang luha ko..
Paano na ako ngayon..Ano na ang mangyayari sa akin??! Patuloy lang ako sa pag-iyak..
"Yumi..Yumi.."
May tumatawag sa akin? Sina Miyata? Hindi..! Napailing ako sa sarili ko pagkatapos ay napalingon sa paligid..Wala akong nakikita kundi kadiliman napakunot tuloy ang aking noo.
May multo kaya dito??!
"Yumi..Yumi.."umulit na naman ang pag-tawag sa akin ng boses na yun..
"Sino ka?Magpakita ka..! Err..wag kang magpapakita..! Ayoko sa multo!"hindi magkaintindihan na sabi ko.
Nang lumiwanag sa loob ng salamin..naitakip ko ang braso ko sa aking mata sa pagkasilaw.Nang humupa ang liwanag ay nakita ko ang..
o_0?!
"WAAA..!! Sino ka?! Sabi ko wag kang magpakita! waaaa...!"
Isang babae na may mahabang buhok ang aking nakita at..
WALA SIYANG MUKHA!
At nagsimula siyang humakbang papalapit sa akin!
"Wag kang lalapit!..waaaa..."napasiksik tuloy ako lalo sa kinatatayuan ko.
"Sshh..hindi kita kakainin kaya wag kang matakot.."sabi nito.
Hindi ko alam kung nakangiti ba siya sa akin dahil wala naman siyang bibig pero ndidinig ko ang pagkaaliw sa kanyang boses na nauwi sa tawa..eh?
BINABASA MO ANG
Muryou1:Emperyo ng LIBRE[COMPLETE]
Phiêu lưuNakarating ka na ba sa isang lugar na libre ang lahat? Subaybayan ang magulo at mahiwagang buhay pag-ibig ng isang dalaga na napadpad sa isang lugar na tinatawag na Muryou Empire o mas kilala sa tawag na Emperyo ng Libre.. Lahat ng bagay dito ay ma...