CHAPTER 1: Announcement Sa Lahat Ng Beki!

479 15 29
                                    

==========================================================

All characters appearing in this work are fictitious. Any resemblance to real persons, living or dead, is purely coincidental. All Rights Reserved. Chenaciousley

==========================================================

CHAPTER 1: Announcement Sa Lahat Ng Beki!

Bansang Confuderation. Sa bansang ito naninirahan ang mga Beking Confused. Halos lahat ng nakatira dito ay walang asawa. Pero kahit na ganuon ay may karapatan pa rin silang mag-adopt ng Baby Beki. Iyon ang nasa batas ng UNB o ng United Nation of Bekineisha. Ang Supreme Law na sinusunod sa buong planeta ng Bekilandia.

Ilang araw rin ang lumipas ng maging under attack ang bansang ito. Pero sa kabutihang palad ay pansamantalang natigil ang Nelestrum attacks. Mas lalong pinagtibay ang seguridad ng buong bansa. Maraming i-dineploy na mga Beki Police and Beki Military sa paligid.

Nagkaruon ng curfew. Ang mga Beki ay allowed na lamang hanggang 9pm outside. After ng oras na iyon ay kailangan nasa bahay na sila, kung hindi, huhulihin sila.

Sadyang likas namang masusunurin ang mga Beki dahil wala pa namang nahuhuli dahil sa curfew. Patuloy ang pagronda ng mga pwersa ng kapulisan at militar sa buong bansa. Pinipilit panatilihin ang kapayapaan sa abot ng makakaya.

Naputol naman ang communication sa tatlong bansa—Confuderation, Ladiland at Pamin Republic. Hanggang ngayon, wala pa ring balita kung ano na ba ang nangyari sa dalawang bansa na iyon.

Ang last lang nilang nakalap na balita ay natigil na ang massive fire na sumunog sa maraming kabahayan at building sa Ladiland, dulot ng mga pag-atake ng mga fighter jet plane ng mga Nelestrum. Kung marami mang nasawi na Ladlad, hindi pa nila natutukoy ngayon.

Sa kabilang banda naman, patuloy na pinuprotektahan ang remains ng Ancient Beki Tree na matatagpuan pala sa UNB International Laboratory na nasa bansang Pamin Republic. Nang malaman ni Major General (na nakalimutan ko bigyan ng pangalan nung Bekilandia 1) na iyon pala ang tunay na pakay ng mga Nelestrum ay siya na mismo ang nagpunta sa bansang iyon upang magbantay sa laboratoryo.

Hanggang ngayon ay wala pa ring balita kay Major General. (na nakalimutan ko bigyan ng pangalan nung Bekilandia 1)

So for now, nagtalaga muna sila ng bagong Major General upang ito ang magbigay ng mga commands sa lahat ng mga pulis at army. Ang pangalan niya ay Major General Taragis.

Sa ngayon ay nagbibigay ng speech si Major General Taragis sa entablado. Halina’t maki-usyoso!

“Mga minamahal kong Beki citizens, nalulugod po ako na napili akong Major General bilang panghalili dun sa dati niyo. Sa ngayon po ay hindi pa rin namin alam ang whereabouts ng naunang Major General sa akin. Hindi pa rin po namin siya naku-contact hanggang ngayon sa Pamin Republic. Kung nasaan man siya naroroon ngayon, sana ay ligtas siya...”

“...at kung sakaling hindi niya kinaya ang mga atake ng Nelestrum, kung nasaan man ang Beki Soul niya, may it rest in peace...”

Nanunuod at nakikinig ng speech ang halos lahat ng mamamayan ng Confuderation. Pati ang mga TV networks ay ito ang pinapalabas sa kanilang mga channel ngayon. Parang SONA ang dating. Meron din itong live streaming sa internet.

Kasama sa mga nanunuod at nakikinig ay sina Andrew, Veron, Alyssa, Byron, Stanley, at Dan. (Whew. Daming character!) at ang limang Ancient Beki.

Nagkatinginan si Alyssa at Andrew nung sinabi ni Major General Taragis na baka patay na yung Major General na hindi ko nabigyan ng pangalan.

Bekilandia 2: Return Of The BekisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon