Chapter 12

3.9K 59 0
                                    

last day of exam

Wala namang nagbago, halos lahat ng estudyante ay nagrereview, samantalang yung iba natutulog o kaya busy sa phone or nakikipagdaldalan.

Hindi ako mapakali dahil wala pa si Jaysel. Five minutes na lang before magtime, ang aga-aga niyang pumapasok. Well, except nung first&second day ng pasukan. Tinext ko na siya pero hindi pa rin nagrereply, dumating na ang Instructor namin pero wala pa rin siya.

Kinakabahan ako, baka kung na paano na siya.

Pero makalipas ang sampung minuto dumating din siya. Yeah! Super late siya.

Nakasimangot lang naman itong, umupo sa tabi ko,  hindi man lang naghi o ngumiti. Seryoso lang siyang nagsasagot sa test.

Siya ang pinakaunang natapos sa exam namin.

Bumalik ito sa upuan niya para kunin yung gamit niya. Tumingin ito sakin, saka ngumiti at binulungan ako hintayin na lang daw niya ako sa labas.

Sa narinig kong iyon, binilisan ko na ang pagsagot baka mainip yun at iwan ako.

Paglabas ko nagulat ako dahil dalawa pala silang naghihintay sa akin. Nasa Right side ng pintuan si Jaysel samantalang si Blake naman nasa left side ng pintuan.

Sabay silang napatingin sakin at niyayang magmerienda hindi ko naman alam kong saan ako sasama. Buti na lang tapos na rin si Vic sa exam niya may kasama na ako. Magdadahilan na sana ako na may pupuntahan pa kaming dalawa ni Vic pero biglang siyabg nagsalita. K! Wala na.

Hi Blake! Long time no see. Anong ginagawa mo dito? Hinihintay mo ba ako? Ang sweet mo naman. Biro ni Vic sa kanya. Tumawa lang naman ito.

Samantalang si Jaysel, tahimik lang nakasimangot nanaman. Saktong dumaan si Ma'am Fernandez, tumigil ito samin dahil kinausap siya ni Jaysel. Tignan mo 'tong monster na to, kani-kanina lang nakasimangot siya samantalang ngayong kausap niya si Ma'am wagas kong ngumiti. Asar!

Hindi nagtagal nagpaalam na si Jaysel samin kasama niya si Ma'am. Inirapan ko lang naman siya. Nakakainis kasi kanina ako yung niyaya niya gusto ko sanang sumama sa kanya pero ayoko namang sa pangalawang pagkakataon tanggihan ko ulit si Blake. Kasalanan lahat ni Vic eh, kung hindi lang siya nagdadaldal kanina, natakasan na namin yung dalawa. Tsaka hindi ko nasa nasaksihan yung pag ngiti ni Jaysel dahil kay Ma'am.

No choice, kaming tatlo nila Vic at Blake ang magkakasama ngayon. Nagkwekwentuhan lang naman yung dalawa nakikinig lang naman ako, kahit hindi.

Yung utak ko kasi ngayon si Jaysel lang ang iniisip. Tinext ko siya pero hindi nanaman nagrereply. Tss! Nag-eenjoy siya sa kasama niya.

Hoy Sammy! Kanina ka pa kinakausap ni Blake. Ano bang nangyayare sayo? Yang itsura mo hindi maipinta. Sabi ni Vic.

Pasensya ka na Blake medyo marami lang akong iniisip  ngayon. Ano nga ba ulit yung sinasabi mo?  Sabi ko sa kanya

Gusto sana kitang yayaing magdinner tomorrow Sam. Okay lang ba?

Ahm.. Sige Blake.. Basta text mo na lang ako bukas ah. So let's go.. May exam pa kami ni Vic eh. Thank you ulit Blake.

Humiwalay na sa amin si Blake dahil wala na itong exam. Uuwi na siguro siya. Tinignan ko yung phone ko aba nagreply din siya, super late nga lang.

Siya: bakit miss?
Ako: wala. asan ka?
Siya: bakit pupuntahan mo ako?
Ako: umayos ka nga! asan ka nga kasi?
Siya: condo

Hindi na ako nagreply, wala na akong masabi eh. Alangan namang tanungin ko siya kung magkasama sila ni Ma'am. Ang kapal naman na ng mukha ko. Baka kung ano pang isipin nun.

Nagreview na lang kami ni Vic.

Malapit na ako sa apartment ng mapansin ko ang pamilyar na kotseng nakaparada sa harap ng apartment namin.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

Anong ginagawa niya dito?

--

Pasensya na po short update lang ngayon.

Next update POV naman po ni Jaysel.

Goodnight!

~aseven










The Bad Girl's First Love(Lesbian Romance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon