Dumating na ang araw na kailangan kong bumalik, hindi man ako handa pero kailangan.
Nakatingin lang ako sa mukha mo habang patuloy ka sa pagsasalita na parang wala ako.
Hanggang sa bigla ka na lang tumingin sakin at ngumiti. Napapintlag pa ko ng ng bigla ka na lang umiyak.
Umiyak ka ng umiyak na kahit anong pag alo ko ay hindi ka tumahan. Nagulat ako ng hawakan mo ang pisngi ko, ingat na ingat na para itong mahahaling bagay na bigla na lang mababasag.
"Narito ka na naman" patuloy ka pa rin sa paghaplos ng pisngi ko.
"Hindi ko pa rin nakakalimutan ang lahat, ang lahat lahat. Kung paano mo ko pinasaya sa pagmamahal mo" ngumiti ka sa akin at tumigil saglit na para bang inaalala mo ang sinabi mo "At kung paano mo ko sinaktan sa mga kasinungalingan mo" nakangiti ka parin na lalong nagpabigat ng nararamdaman ko."Hindi na siguro ako gagaling kasi nakikita na naman kita" mahinang sambit mo pa habang masuyo mo paring hinahaplos ang pisngi ko.
Binitawan mo ko at tumingin sa nurse na malapit sayo.
"Ibalik mo na ko sa kwarto, nakikita ko na naman sya. Baka hindi na ko makalabas dito kapag pinagpatuloy ko ang pagkausap ko sa kanya"
Tinanaw ko lang ang pag alis mo, ni hindi ko magawang gumalaw dahil sa bigat ng nararamdaman ko.
"Makakabuti kung hindi ka magpapakita sa kanya. Sinasaktan nyo lang ang mga sarili nyo at para narin mapabilis ang recovery nya. Nakikioperate na sya sa mga therapy but when she start talking about what happened between you two, bumabalik sya sa dati and mas nagiging agressive sya dahil sa hallucinations. The best way for now ay ay hayaan sya, hindi naman sya papabayaan dito." matapos nun ay umalis na rin ito. Natulala na lang ako at pilit inaabsorb ang sinabi ng doctor.
Nakailang balik na ko rito ngunit mabigat pa rin ang loob ko na iwan sya pero wala na kong ibang magagawa. Pagpasok ko pa lang ng kotse ay inulan na kaagad ako ng tanong ng kapatid ko.
"So kamusta na sya? Kailan daw sya makakalabas? Makakalabas pa ba sya? Nakausap mo ba sya?"
Hindi ko sya pinansin at pinaandar na lang ang sasakyan pero patuloy parin sya sa pagdaldal
"Ano kayang feeling ni ate sa loob ng mental?"