CHAPTER THIRTEEN

1K 37 16
                                    

" ANG BUNSO NG MGA CALVIN "
SA PANUNULAT NI SHERYL FEE

CHAPTER THIRTEEN - ROOT OF ORIGIN

Hindi madali para sa isang tulad ni Lewis ang lahat. Siya ang general manager ng kumpanya nila, nag-aaral pa siya para maging mambabatas, ang obligation pa sa kanilang abuela. Mahirap man para sa biyente-otso anyos na binatang si Lewis Roy pero dahil ibinubulong ng damdamin niya ang tumulong ay walang naging mahirap para sa kanya. He did his own investigation secretly kaya laking  gulat ng mga kapamilya niya ng nagpaalam siya.

"What? Are you out of your mind Lewis Roy?" Mataas ang boses na tanong ni Chass dahil sa gulat ng ipinaalam niya dito ang balak.

Base on his own experiences way back then on his early age, kamuntikan na siyang mawala sa mundong ibabaw dahil sa kagustuhang makatulong sa probinsiyang pinagmulan nila. Hindi lang din siya ang napahamak ng panahong iyun kundi lahat ng taong nakapalibot sa kanya, according to his family na-strocked ang kanilang abuelo even  he was fall from his wheelchair, ang mga tauhan ng Camp Villamor na tumulong sa kanya upang mailigtas mula sa mga kamay ng ganid sa kapangyarihan. And now  his youngest brother wants to do also?

"No kuya I'm not." Tipid namang sagot ni Lewis.

"Then why Lewis Roy? Why you wants to stay there in the province? If you'll  go there to have your vacation okey go ahead but if you will be staying there for good no it can not be Lewis." Pagtutol pa rin ni Victor Chass sa kapatid.

"Kuya hindi mo kasi ako nauunawaan eh. Yes I want to stay there dahil gusto kong mahanap at makilala ang pinagmulan natin. Okey sabihin na nating napakagulo ang probinsiya ng Abra pero hindi mo ba alam na doon tayo nagmula? Okey let's say we are legally American because our late grandfather was adopted by Mr and Mrs Calvin pero baka nakakalimutan mo kuya na fully blooded Filipino si  grandpa Roy at si grandma Sheryl. And besides may gusto lang akong tulungan at bigyan  ng hustisiya kaya gusto kong pupunta doon." Matatag pa ring tugon ni Lewis.

Buong akala nila'y sila lang ang nandoon kaya nagulat sila ng nagsalita ang kambal ni Chass.

"Bunso alam naman naming ikaw ang nakamana sa talino at lahat ng abilidad ni grandpa Roy pero kami na ang nakikiusap sa iyo na huwag mo ng ituloy ang balak mo. We don't know what's going on pero baka iyan ang ikapapahamak mo. Tama ang kuya Chass mo, way back then ganyan na ganyan din siya. All he want is to help the people there in the province, yes we have a relatives there dahil doon naman talaga nagmula si grandpa pero hindi mo ba alam na halos isumpa niya ang lugar na iyun dahil  ilang  buhay na mula sa pamilya ang nawala sa lugar na iyun? Kamuntikan pang doon magwakas ang bukas ng kuya Chass mo kaya naman bunso kami na ang nakikiusap na huwag  mo ng ituloy iyan. Wala na ang mga magulang natin, wala na si grandpa pati ba naman ikaw isasangkalan mo ang iyong buhay sa walang kasiguraduhang kaligtasan doon?" Mahabang pahayag ni Charles Rhayne o mas tamang sabihin na pakiusap nito.

Pero para kay Lewis, buo na ang kalooban niyang magbabalik sa probinsiya hindi para sa sariling kapakanan pero babalik siya para gawin ang nararapat. He doesn't care about the money dahil sobra-sobra na ang pera mayroon siya but his conscience is chasing him every time na nag-aalangan siya, saka bago naman siya nagsabi sa mga ito'y buo na ang kalooban niya. He is ready to face the consequences that his decision may cause.

"The land locked of the country will have a change my dear brothers. They will leave according to their own will, without a fear. I'm not a God who will give that to them but I am an instrument of Him to give them the justice that they wanted. Yes you heard me right hindi ko ito ginagawa para sa pansarili kong kapakanan but I'm doing this dahil iyun ang ibinubulong ng damdamin ko, ng isipan ko. Maybe it's nonsense to all of you pero grandpa Roy will always be in my side to help me and you know what I mean. Lagi siya sa panaginip ko kasama ng mga taong humihingi ng mga taong humihingi ng hustisiya. I know it's  unbelievable pero just support me my dear brothers." Pahayag ng binata.

ANG BUNSO NG MGA CALVIN BY SHERYL FEE( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon