CHAPTER 8 "SELOS?"

3.9K 155 0
                                    

MARK'S POV

Naghahanda na ang grupo para sa darating na laban namin sa ibang school kaya nagpapractice na kami dahil nakasalalay samin ang pangalan ng school at bukas nadin pala yon, Habang nag-aayos ako ng gamit ay lumapit sakin si Tyrone.

"Tol pwede kabang makausap?" -Tyrone

"Oo naman, Tungkol ba saan?"

"Tungkol kay Dex" -Tyrone

Kay Dex? ano naman kayang sasabihin nya tungkol sa bestfriend ko? haha mukhang natarayan na naman to ni Dex kaya magsusumbong sakin.

"Anong tungkol sa kanya?"

"Pwede bang kausapin mo naman yung Bestfriend mo na kung pwede ba kaming mag-usap?" -Tyrone

Hala bakit kaya nya gustong kausapin si Dex? Wag nyang sabihin sakin na popormahan nya ang Bestfriend ko? nako nako dadaan muna sya sakin bago Nya mapa OO si Dex.

"Bakit may gusto kaba sa Bestfriend ko?"

dirediretso kong tanong sa kanya at mukhang nagulat sya.

"Ha? ano wala, may gusto lang ako sabihin sa kanya" -Tyrone

"Buti naman wala, Kasi si Dex hindi mahilig sa gwapo yon at mababa ang taste nya pagdating sa lalaki at kung magkakagusto ka sa kanya wag na sa iba nalang dahil masyado kang gwapo para sa kanya"

Sinabi kolang yon para layuan na nya si Dex baka kasi pinagtitripan lang sya nitong si  Tyrone at ayokong mapunta lang si Dex sa mga loko lokong lalaki dahil ayaw ko syang masaktan Gusto kolang ang the Best para sa Bestfriend ko .

"Wag kang mag-alala wala naman akong gusto sa  Bestfriend mo, Gusto kolang talaga sya makausap. Ano matutulungan mo ba ako?" -Tyrone

"Good, Sige sige tutulungan kita ichachat ko muna si Dex Pag pumayag sya ichachat nalang din kita"

"Sige sige, Salamat ulit" -Tyrone

Mukha namang wala talaga syang gusto kay Dex, Ayos kong ganon mukhang hindi kasi si Bagay haha. Bilang Bestfriend nya dapat kilatisin kodin ng maigi kung sino ang mga lalaking aaligid kay Dex.


DEX'S POV

Magkasama kami ngayon ni Miles dahil pupuntahan namin ang bahay nila Ryan dahil nag-aalala lang kasi kami sa kanya kahit paano naman ay naging kaibigan din namin sya. Ilang araw nadin kasi syang hindi pumapasok at walang paramdam samin, Hindi rin sya naka open sa Facebook kaya hindi namin talaga alam kung ano ang balita sa kanya hanggaang sa nagdesisyon na kamkng dalawa ni Miles na hanapin sya.

"Be sigurado kaba na dito sya nakatira?"

"Oo ito yung nakalagay sa Facebook nya at parehas lang sa address na nakalagay sa form nya na hiningi ko sa Adviser natin" -miles

Grabe kasi yung daan papunta kala Ryan ang putek at maraming tao nakakatakot tinginan palang makapanayo balahibo na.
Naglakad lakad pa kami ng konti at nagtanong tanong sa mga ilang taong nadadaanan namin hanggang sa makarating nga kami sa tapat ng bahay ni Ryan Nagkahiyaan pa kaming dalawa kung sino ang kakatok pero bandang huli ako nalang at sya nadaw ang magtatanong.
Pagkatok ko sa pintuan ay agad naman itong bumukas at bumungad samin ang isang babae na mas matanda samin.

"Sino po sila?" tanong ng babae

"Ah magandang umaga po, Nandyan po ba si Ryan? mga classmates nya po kasi kami" -miles

"Ganon ba? Sige pasok kayo tatawagin kolang ang kapatid ko"

Ah! ate nya pala haha akala ko nanay haha, Pero ang bait ng ate nya ha? Mayamaya ay lumabas si Ryan at nagulat pa ng makita kami.

KUNG AKO NALANG SANA (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon