Jazrille's POV
Nandito ako ngayon sa office ni Ate Vanah dahil may nagpatawag sakin pero pag nung pumunta ako dito, wala sya.
Naghintay pa ko ng konting oras dahil baka mamaya dumating yung kakausap sakin. Habang naghihintay ako, nagtext sakin si Ivan.
From: MY BABY (sya po nagpangalan nyan sa sarili nya)
Hoy baby kong mahal. Sama ka muna kila Rae later ha! I will not fetch you because I will do some important things! Text me if you're home. Magiingat ka. I love you!
Ano naman kaya gagawin nito? Mapagtripan nga.
To: MY BABY
Hoy ka din baby kong mahal. Where are you going? Mas importante pa ba yan sakin at hindi mo ako isasabay pauwi?
After kong maisend, may biglang pumasok sa office ni Ate Vanah.
At hindi ko inaasahan na nandito sya?
"It's good to see you Ms. Ramos" Oh wth! Bakit sya nandito?
"G-good morning po." bati ko. kahit naman sobrang bwiset ako sa Lolo nya, may galang parin ako sa kanya.
"So, Im here because I want to talk to you. Alam kong alam mo na ayaw ko sayo pero bakit mo ipinagpipilitan ang sarili mo?!" Pagalit nyang sabi sakin. Inaasahan ko na ang mga sasabihin nya. Napaghandaan ko na ang oras na to pero bakit parang ang sakit parin sakin? Masakit na marinig na ayaw sayo ng pamilya ng taong gusto at mahal mo.
"Sir, alam ko din pong alam nyo na ginagawa ko ang lahat para maiwasan ang apo nyo pero bakit hindi nyo maintindihan na sya lang ang gusto ko at bakit pinipigilan nyo ako?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko na sumagot sa kanya pero nandun parin yung respeto ko sa kanya.
"Sinabi ko na sayo diba? Ayoko sayo. Ayoko sa buong pagkatao mo. Hindi mo ba naintindihan yun? Sayang ang ganda at ang talino mo kung hindi mo nagagamit Ms. Ramos." Naiinis na ako pero kailangan ko ng mahabang temper ngayon. Nagiinit na ang ulo ko pero kailangan kong palamigin ito. Ayokong may masabing hindi dapat.
"Ano po ba ang problema nyo sa pamilya namin?" Sana. Sana naman sagutin nya diba. Hindi yung mukha kaming tanga sa kakaisip kung bakit ayaw nya sakin, saamin ni Chiny.
"Hindi mo dapat malaman. At wala akong balak ipalam sayo hangga't hindi mo naihaharap ang Lolo mo sakin." Wth? May sapak ba sa ulo to? Hinahanap nya ang Lolo ko e matagal na kaming walang connections dun!
"Yan naman po ang hirap sa inyo. Nagagalit kayo sakin at sa pamilya namin tapos ayaw nyong sabihin ang problema nyo saamin? Yung totoo po, may sakit po ba kayo sa utak? May pinsan po akong doctor baka gusto nyong magpatingin? Nagagalit kayo samin tapos ayaw mong sabihin ang problema? Naglolokohan po ba tayo dito? Paano natin maayos ang ayaw nyo samin kung ayaw nyong magsalita?!" Sa sobrang inis ko, nakasagot ako ng hindi tama. Alam kong mali pero hindi ko na mababawi. Nadadala na ako ng galit at ng inis ko.
"Isa kang bastos na bata! Kaya hindi kita magustuhan dahil kakaiba ka! Ang bastos mong sumagot sa matatanda. Hindi ka marunong gumalang!" Aba. At sya pa ang magagalit sakin ngayon.
"Pakitanong po sa sarili nyo kung dapat kayong igalang sa ugali nyo. Kung dapat ba kayong igalang sa mga pinaggagagawa nyo saamin ng apo nyo. Masaya po kami ni Ivan sa isa't isa pero bakit hindi nyo matanggap yun?"
"Wala ka ng magagawa. Kahit ano pa ang sabihin mo sakin, hindi kita matatanggap. Ikakasal na sya iba at wala ng makakapagpabago sa desisyon ko. Binibigyan kita ng tatlong linggo para iwan ang apo ko at kung hindi, sisimulan ko ng pabagsakin ang pamilya mo."

BINABASA MO ANG
My Contract Basketball Player Boyfriend (Arcadia Series #1)
Ficção AdolescenteIvan Ramirez, a basketball player, is living the life while he is making his way up through his college basketball career. Until a brokenhearted girl landed on his way who was trying to forget her past love. Start: Dec. 4, 2013 End: September 6, 2014