-Chapter 11-
My own kryptonite.
[GINO'S POV]
Seryoso ako nun nang yayain ko si Bea sa condo. Ang totoo kasi, tipsy na ako at hindi ako makakapagdrive ng maayos pag malayuang biyahe na. Kung sa Parañaque pa siya uuwi, di hamak na mas malapit ang pagda-drive sa The Fort compared sa kanila na sa Goodwill Village pa.
"Go and make me a coffee. Bilisan mo ha?" Utos ko sa kanya.
"Ataters lang, Sir?! Nagmamadali?!"
"But of course, ihahatid pa kita sa inyo! Paano ka naman makaka-uwi?"
"Ano ka ba sir, kaya ko naman. Ang dami namang dumadaan na taxi dyan sa baba ng condo mo."
"No! Dis oras na ng gabi. You think pababayaan kita ng ganun-ganun lang?"
"Ang kulit talaga!" Nanggigigil na siguro 'to sa akin.
"Eh ano naman ang gagawin mo pag napatapat ka sa taxi na may modus. Grabe! Papatayin mo ako sa takot nun. At hindi ako patatahimikin ng konsensya ko pag nangyari yun."
"Fine!" Dumerecho na siya sa kusina at nagtimpla ng kape.
Naupo naman ako sa couch at napapikit. Nahihilo talaga ako.
"O! Eto na po, 'Bossing'!"
"There. Maupo ka muna, magpapahulas lang ako."
Naupo naman siya, binuksan ko ang tv para makapanood din siya habang nagka-kape ako.
Totoo nga ang sabi ni Zoey. Masarap nga siyang magtimpla. Maswerte talaga ako, errr.. yung magiging boyfriend niya pala.
Naalala ko nga pala yung flowers niya sa lamesa kanina. Sa akin kaya galing yun! Hindi ko talaga pinalagyan ng sender dahil gusto ko mag-isip muna siya kung kanino galing. That was an appreciation gift for her dahil sa pagkaka-present niya ng report kanina. Mukha namang nagustuhan ng Board kaya pumayag na kaagad sila. Ang galing niya talaga.
"Kinausap pala ako ni lola kanina, along with the group of models na magsusuot ng products para sa catalogue ng Adam's. Mukhang may pictorial next week."
"Uhmmm..."
"Kayo na lang ni Macy ang mag-accommodate sa mga models ha? Alam naman namin na magaling kayo diyan."
Hindi siya sumagot, nang tignan ko siya, ayun at tulog na pala. Pasaway! Paano ko pa kaya siya ihahatid nyan?!
Tinawagan ko na lang ang ate niya at sinabing hindi siya makakauwi. And hell, it was just too awkward. Alam kong baka kung anong iniisip ng ate niya. Bahala na, bukas ko na lang ipapaliwanag ang lahat.
Maingat ko siyang binuhat papunta sa kama ko. Tulog-mantika ngayon ang bruha! Napagod siguro talaga siya sa presentation, and worst, baka nga napuyat pa ito. At oo nga pala, mukhang nag-a-anticipate din siya sa result ng qualifying exams niya sa MBA degree nya. My poor Cutiepie. Ugggh! 'My' talaga?! Hindi naman siya sa akin ah! I hate this feeling! Hindi pwede! Hindi pwede, Gino!
"Good morning!" Masaya niyang bati sa akin. Ang aga naman magising nito? "Nakialam na nga pala ako ng ref mo. Alam ko kasing nagugutom ka na."
Tumango lang ako, ako naman yata ang napuyat this time. Pupungas-pungas akong naupo sa upuan at napahilot sa ulo.
"Gamot?"
"No. I'm okay!" Pasuplado kong sabi. Pero defense mechanism ko lang naman ito.
"Uhm... Ok..." Nakita ko namang na-offend siya.