Angel of Time

78 3 0
                                    

Angel of Time

A/N: Mejo fantasy po ang story na to. Inspired by a korean movie starring my male character and a story entitled She Died by ate denny.

Hope yah like it!

*****

"Kasalanan ko ang lahat. Tama sila. Ako ang dahilan ng lahat. Pero wag ka mag-alala babe. Magkakasama na ulit tayo"

Haaays. Siya ba ang misyon ko? Baliw na babae? Magpapakamatay dahil namatay yung boyfriend niya. Aish!

Tumingin ako sa langit. "Bossing naman. Wala bang mas maayos na misyon? Ang korni ng isang to"

Pagmamaktol ko sa boss ko sa langit. Kaso biglang kumulog. Hehe. "Joke lang boss. Opo gagawin na"

Nilapitan ko yung babaeng nasa may edge ng cliff.

"Miss anong oras na?" nagulat naman siya nang bigla akong magtanong sa kanya. Tapos biglang naging galit yung itsura niya.

"Di ko alam at wala akong paki" tapos humarap ulit siya sa bangin. Sheesh!

"Eh ayan oh. May relo ka. Anong oras na?" pangungulit ko sa kanya.

"Ang kulit mo eh noh? Di mo ba nakikitang magpapakamatay ako tapos nagtatanong ka sakin ng oras?!" arghh! Grabe siya makasigaw. Nakakabasag eardrums.

"Yeoowchh! Wag ka namang sumigaw. Masisira eardrums ko eh" tapos ginalaw galaw ko yung tenga ko.

"Pwede ba umalis ka na. Ginugulo mo ko eh" mataray niyang sabi. Hmmmm, on second thought, mukhang challenging nga toh. Hehe.

"Sayang naman yung ganda mo kung tatalon ka lang dyan"

"Wala kang paki. Wala na kong halaga sa mundong ito. Galit sila sakin. Wala akong kwenta" at muli nanaman siyang humagulgol. Ayy grabeeee.

Napailing-iling na lang ako sa nakikita ko nang walang ano-ano'y biglang tumalon yung babae. O_O Whoah! Buti na lang naabutan ko siya at nahawakan sa kamay. Mabigat siya ah.

"Baliw ka ba talaga at tumalon ka?" wew! buti na lang alert ako.

"Bitawan mo nga ako. I wanna die!" nagpupumiglas pa siya at----

"Miiiissss!" wala na akong nagawa. Tumalon na din ako.

*whoossh*

"Ahhh!!!----Teka...m-may pakpak ka?" gulat na tanong niya sakin. Haish!

"Obviously yes (^_^)" nakangiting sagot ko sa kanya.

"Y-you're-----" ayun hinimatay na siya. Wew!

*****

"Miss...*poke*...Miiiisss! Gising na!" ang hirap naman gisingin nito.

Habang ginigising ko siya napatitig ako sa mukha niya. Hmmmm, maganda nga siya. Pink lips, long eyelashes, may pagka-chinita, average hairlength na kulut-kulot at maputi. Habang tinititigan ko siy ay unti-unting lumalapit yung mukha ko ng di namamalayan.

O_O Nagulat kami pareho ng bigla siyang dumilat. Dali dali naman akong lumayo sa kanya. Whoooh!

"A-anong ginagawa mo?" nahihiyang tanong niya. Ang cute niya rin pala mag-blush. Mas maamo ang mukha niya ngayon kesa kaninang galit siya.

"Wala. Tinitignan ko lang kung may sugat ka" tumayo na ako dahil baka sabihin pa nito manyak ako.

"S-salamat" mahinang sabi niya.

"Para saan?" kunwari wala akong alam. Haha

"Wala yon. Trabaho ko yun. Alam mo, hindi naman dahil nawala ang boyfriend mo kelangan mo nang sumunod. Tingin mo ba magugustuhan yan ng boyfriend mo? Isang beses lang nabubuhay ang tao kaya dapat pahalagahan ito ng tama. Binigay ito ng Diyos kapalit ng sarili niyang buhay" whooh! Ang haba nun ahh. Pero iyon naman ang totoo.

Angel of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon