Gail's POV
Ilang linggo na 'tong number ni Joma sa phonebook ko pero hindi ko pa rin siya sinusubukan i-text. Kaso ngayong gabi, nate-tempt na 'ko. Hmmm. Come to think of it, mukha naman kilala na niya ako. Sa tuwing magkakasalubong kami, ngumingiti siya sa 'kin. Well, atleast, now, sigurado ako na ako talaga yun nginingitian niya.
Hindi kagaya nun mga unang beses na parang lumalagpas lang sa ibang tao yun ngiting yun kaya feeling ko nginingitian niya ako. Hahaha! Ang paranoid ko talaga!
Sige, tonight is the night!
Magte-text na 'ko. AJA! ^_^
7:46 PM
"Good evening po." - Gail
8:33 PM
"Hu u?" - Joma
~Hehe! Nakalimutan ko nga pala ilagay ang pangalan ko. Siomai ^____^V
8:35 PM
"Ahm, si Gail Monique po ito." - Gail
8:44 PM
"Ah, Gail Monique?" - Joma
~Ay! Somai ulit! Hindi nga pala niya alam ang pangalan ko kasi never ko naman sinabi sa kaniya or nabanggit nun mga times na nagkausap kami. Teka, paano ko ba ipapakilala ang sarili ko sa kanya para matandaan niya ako? Bobo ko naman oh! Bakit ba kasi hindi muna ako naggawa ng plano ng mga sasabihin ko sa kaniya para hindi ganito. T_T *Epic Fail*
8:50 PM
"Ahm, yun babaeng nakatapon sa 'yo ng softdrinks? Yun nadapa at nasugatan sa daan?" - Gail
~Sana maalala niya ako. Sana. *praying* Medyo matagal yun interval ng replies niya, feeling ko tuloy hindi niya talaga ako kilala. Huhuhu!
8:59 PM
"Ahh! Si Miss Sorry? Ikaw pala 'yan!" - Joma
~Yes! Naalala niya pala ako! YEHEY! Masaya na ang anak ni Inay! ^____^
~Pero teka? Ano daw???? Miss Sorry???
9:01 PM
"Hehe! Bakit po Miss Sorry?" - Gail
9:03 PM
"Kasi 'di ba, sorry ka ng sorry sa tuwing magkikita tayo kaya binigyan kita ng codename, 'di ko rin kasi alam pangalan mo." - Joma
~Wow ha! Infairness, bumibilis siya magreply, improving :D
~Tsaka wow naman! May sarili pala siyang tawag sa 'kin. Sweet *_*
9:05 PM
"Ahh, hehe! Sorry po! Ay! Hahaha! Sorry na naman nasabi ko. Bwahaha! Musta po?" - Gail
~Nice Gail, getting better huh! ^^
9:07 PM
"Okay naman, ikaw?" - Joma
9:08 PM
"Okay lang po. Okay lang po ba na magtext ako sa 'yo? I mean, baka nakakaistorbo po ako?" - Gail
~Siyempre nakakaistorbo ka Gail, ano bang oras na? Dapat nga hindi mo siya tinetext e dahil hindi naman kayo close. FAIL!
9:10 PM
"Hindi naman. Nagpapaantok na lang naman ako." - Joma
~Sana hindi ka muna antukin, pagkakataon ko na kasi 'to! Ang tagal ko pa naman hinintay 'to.
Joma's POV
8: 30 PM na pala. Sa wakas, natapos ko na din ang portfolio ko para sa contest na sasalihan ko. Kanina pa tumutunog ang cellphone ko, asan na ba yun? Palibhasa hindi nakapagload ngayon si Jessie dahil nasira yun cellphone niya at nakikitext na lang muna siya kaya hindi ko na rin masyado binibisita ang cellphone kong yun.
BINABASA MO ANG
A Gentleman's Story
Roman pour AdolescentsNot your Superman, just an ordinary being with a big heart to love you <3