FY-VI

27 2 0
                                    

Chapter 6

Pagsapit ng miyerkules ay agad akong bumangon at nagmamadaling nagbihis. May pasok nako ngayon, remember? MWF? Bumaba na ako at nadatnan si Prixy sa dining na nakaupo na parang may hinihintay. She's wearing a black skirt at hanging blouse and a heels.

"Luto ka na ng breakfast, lys." nakasimangot na sabi niya habang nakapatong yung baba niya sa itaas ng mesa.

Hindi na ako sumagot. Nagluto nalang ako at nagtimpla ng chocolate drink para saming dalawa.

"May transferee daw ngayon ah?" sabi niya sabay subo ng pagkain.

"Really?" walang buhay kong sagot.

"Oo. Kaya lang babae." patuloy niya.

"Kaya pala di ka excited." sabi ko.

"Oo. Kaibigan ata ni Owy yun e. Actually kaklase natin siya halos sa lahat ng subjects." and she smiled.

"Paano mo nalaman?" sabi ko sabay tingin sa kanya na ngayon ay kasalukuyang umiinon ng chocolate drink.

Nagkibit-balikat siya, "Sources."

Hindi na ako nagtanong pagkatapos nun at tinapos ko nalang ang pagkain ko. Umalis narin naman kami ng bahay agad dahil alas syete lang ng umaga ang pasok namin.

Naglakad lang kami hanggang Adamson University dahil 5 minutes lang naman ang gugugulin namin para marating iyon.

Saktong tumunog ang bell ay nakapasok nakami sa classroom namin. Bumuntong hininga ako, bute nalang at hindi ko nakita ang pagmumukha bi Limwell ngayon.

Pumasok ang una naming prof na may kasamang isang maputi, maganda at sinabi ko nabang maganda? Oo. Siya siguro yung transferee. Nakita ko ring kasabay niya lang sa pagpasok si Owy. Member siya ng varsity sa school kaya hearthrob din. Gwapo e. Dumeretso si Owy sa umupuan niya samantalang naiwan sa harap yung babae.

"Introduce yourself, miss." mataray na sabi ng prof namin.

Ngumiti lang yung babae at naglakad papunta sa harap.

"Hi. I'm Xycelle Alegre. Let's be friends!" tapos ay ngumiti siya na makikita mong hindi umabot sa kanyang mata.

Tinitigan ko lang siya at nakita ko siya nakatitig kay Owy Ronquelio. Pero etong si Owy ay busy sa pakikipag'asaran sa mga kasama niya.

"Take your seat, Miss Alegre." sabi ulit ng prof namin.

Tumango lang siya ng hindi parin iniiwas ang tingin kay Owy.

Nagsalubong ang kilay ko dahil don, is she attracted to that guy? Yun ang tanong ko pero hindi narin inisip dahil wala akong pake.

"Uyy. Dito ka nalang Xy." sabi ni Prixy na nasa tabi ko.

"Thanks." tapos ngumiti nanamn siya.

"Ako si Prixy, siya naman si Alyssa." sabay turo sakin. "Nice to meet you." aniya

"Me too." ngumiti siya samin ni Prixy.

Hindi ako nagsalita pero tinignan ko siya at tinanguan. I'm not fond of talking. Mas masayang manahimik nalang ako kase minsan rude ang mga lumalabas sa bibig ko.

Nag'lecture lang ang prof namin. Hindi ako nagbukas ng books o nag'take down notes. Nakinig lang ako. Sapat na yun.

Mabilis lumipas ang oras dahil lunch namin. Naglalakad kami papunta sa Cafeteria, kasama parin namin si Xycelle? Inaya siya ni Prixy na sumabay samin dahil wala pa daw itong kasama.

Fix YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon