CHAPTER 4 (Revelation)

52 0 0
                                    

Gail's POV

December na. Christmas Party to be exact. May party din yun mga teachers namin sa hapon kaya half-day lang yun sa 'min students. Katatapos lang ng party ng section namin. Okay naman, as usual, picture frame na naman ang natanggap ko sa napakafamous na exchange gifts. #Vadterp

Pero may mas babadtrip pa ba sa idea na matatapos na ang last day of school for this year pero hindi ko pa rin nakikita si Joma? #SuperVadterp

Kaya heto ako ngayon, nakaupo sa may pinto ng room namin. Daig pa ang itsura ng na-bankrupt na negosyante. Haaaay! (-_#)

Ayon sa mapagkakatiwalaang source ko, hindi pala ugali ng asawa kong si Joma ang umattend ng Christmas Party. Haay naku, minsan talaga ang weird ng mahal ko! Hahaha! Pero parang nakita ko si Jessie kanina, hindi rin ba sila magkikita? Hmmm.

"Hi Joma, himala! Ito ang first time mong umattend ng Christmas Party ah! Anong meron?" nagulat ako dahil paglingon ko sa may hagdan ay nandun si "mahal ko" Hehehe! Kilig moments!Kausap niya si ate Apple.

"Ah, oo, kailangan e. Susunduin ko sana si Jessie." Agad naman sumagot si Joma habang nagkakamot sa ulo. Grabe! Bakit kasi ang gwapo niya? At lalo siyang nagiging cute 'pag nangiti siya. Hmpf! Swerte talaga ni Jessie sa kanya oh! PERFECT na e! At anong sabi niya? Susundo siya? Sa itsura niyang yun, susundo lang siya? Sobra naman gwapo ng tiga-sundo na yun! WTF?! Imba! XD

Joma's POV

Mukhang madami ang nagtataka kung bakit nandito ako sa school ngayon. Nasanay sila na hindi ako na-attend ng mga ganito kaso iba ngayon e, nandito si Jessie at since, dito lang naman kami sa school nagkikita, ito ang last time ngayong taon para magkasama kami. Kailangan ko pa bumawi sa mga atraso ko sa girlfriend ko. Mahirap na! baka mauntog! Hehe!

"Kuya Joma pa-picture!" todo kaway pa si Mark habang papalapit sa 'kin. Batang 'to talaga! Binata na hindi pa rin kumikilos binata! Tss. At ano daw??? Picture? Kami? Bading ba 'to? Hahaha!

"Sige! Walang problema ^_^" ngumiti na lang ako kahit medyo awkward yun sitwasyon dahil nakatingin na sa 'min yun mga kaklase niya. Ano ba yan!

"Hindi. Hindi ako! Itong si Gail Monique, siya magpapa-picture sa 'yo!" sabay hatak niya patayo kay Gail na ngayon ko lang napansin na nasa may pinto pala ng room nila. Basta na lang itinulak papunta sa direksyon ko. Hindi ko ma-gets?

"Ahh, ganun ba? Sige! No problem!" Sabagay, mas okay naman makipagpicture kasama si Gail kesa si Mark. Hehe! Ayoko ng issue ^____^V

Gail's POV

Whew! Akalain mong napagtripan ako ni Mark kanina! Hatakin ba ako at ipagduldulan kay Joma. Nakakahiya tuloy! Pero deep inside, sobrang thankful ako sa kaniya dahil YEHEY! May picture na ako kasama si Joma ko! Hehehe! Bawing-bawi sa lungkot ko kanina. Kilig! *_*

Joma's POV

Unti-unti ng nauubos ang mga estudyante sa school pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin nakikita si Jessie. Galing ako sa room nila kanina at ang sabi sa 'kin, lumabas lang daw saglit. Hindi naman siya nagtetext sa 'kin, saan kaya siya nagpunta? Ah, oo nga pala, hindi rin ako nagtext sa kaniya na papasok ako. Gusto ko sana siya i-surprise.

Sa hindi inaasahan pagkakataon ay nagbanta ang ulan na papatak anuman sandali ngayon. Instinct ko siyempre na mas hanapin ang girlfriend ko dahil nararamdaman kong wala siyang dalang payong sa araw na 'to.

Actually, wala rin naman akong dalang payong, pero gumawa talaga ako ng paraan makapanghiram sa kaklase ko at sinimulan na ulit hanapin si Jessie.

Ilang beses na akong pabalik-balik sa room niya pero wala pa rin siya. Sinubukan ko na rin tingnan siya sa may gate ng school, pero wala rin. Pumunta ako sa covered court namin dahil may nakapagsabi na dumaan siya dun kanina. Wala akong nadatnan dun kundi yun mga varsity players namin, may sariling Christmas party. Asan na ba siya?? Nag-aalala na 'ko ng sobra!

A Gentleman's StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon