Joma's POV
FIRST Sunday ng January, ibigsabihin, bukas, Monday na. Pasukan na ulit. At hanggang ngayon, hindi pa rin kami nakakapag-usap ni Jessie. Syempre malungkot ang Christmas at New Year ko, alam kong may kulang. 'Di bale, pasukan na naman, panahon na rin para makapag-usap kami.
Sa ngayon, magsisimba muna ako.
Tss. Ang daming tao sa loob ng simbahan. Palibhasa, first Sunday tapos mag-three kings pa. Wala tuloy maupuan, traffic kasi papunta dito. Hahanap na lang ako ng pwede mapwestuhan sa gilid, kahit tumayo na lang ako, nandito na rin naman ako e.
Sa sobrang sikip sa loob ng simbahan, hindi ako makadaan sa dami ng tao para pumunta sa gilid. Isa na lang ang option ko, ang lumabas at saka ako pupunta sa gilid. Palabas na ako.
Jessie's POV
Haay. Namimiss ko na si Joma. Wala pa rin akong lakas ng loob para itext siya o kamustahin. Bukas, pasukan na. Sana makapag-usap na kami. Tamang-tama, Sunday ngayon, pupunta ako sa simbahan para humiling kay God ng lakas ng loob.
Medyo traffic. Late ako. Nagmamadali na ako kaya pagbaba ko sa tricycle ay saka ko pa ibinalik ang wallet ko sa bag. Pero...
"Aww!" medyo malakas yun pagkakabanggaan namin, masakit sa braso e >.<
"Jessie?" teka, pamilyar yun boses. Tama, alam ko kung kaninong boses yun! Paglingon ko...
"Jo---" Hindi ko maituloy ang sasabihin ko. Parang biglang tumigil yun oras, tapos nakaramdam na ako ng kaba.
"Belated Merry Christmas at Happy New Year Jessie." Ah, teka? Bakit siya nakangiti? I mean, dapat galit siya sa 'kin 'di ba? (?_?)
"Sa'yo din Joma. Ahm, Tapos ka na magsimba?" Hindi ko alam kung paano ako makikipag-usap sa kaniya.
"Hindi pa, sikip sa loob. Dito lang ako dumaan para pumunta sa gilid, sabay na tayo." Kinuha niya ang dala kong plastic bag. Galing kasi akong Department Store bago pumunta sa simbahan. Gaya pa rin ng dati, ang gentleman niya. *Proud Girlfriend*
Joma's POV
Unexpected na si Jessie pa talaga ang makikita ko sa mga oras na 'to. Destiny? Siguro. Halata na nagulat din siya makita ako dito pero nginitian ko na lang siya. Ayoko naman isipin niya pa na galit ako sa kaniya, gusto kong makausap siya. Ito na yun pagkakataon na yun.
Magkasama kaming nagsimba. Pagkatapos ng misa, niyaya ko muna siya kumain. FIRST DATE? Mukha nga. Ito pa lang ang unang pagkakataon na sabay kami kakain at nagkita sa labas ng school. Aksidente pa.
Tss. Ang palpak ko talaga. Ewan ko na lang kung hindi pa 'to maging unforgettable. Napapailing na lang ako sa sarili ko. :/
Kumain kami ng tahimik kami pareho. Walang makapagsalita. Nakakailang ang katahimikan. Magkatabi kami, pero parang ang layo namin sa isa't-isa. Pagkatapos kumain, tinanong ko siya kung gusto na niya umuwi. Hindi niya sinagot ang tanong ko.
"Joma, sorry." Hinawakan ni Jessie ang kamay ko. Hindi ko na rin napigilan ang sarili ko para gantihan ang pagkakahawak niya. FIRST HOLDING HANDS.
"Sorry kung hindi ko agad nasabi sa 'yo na may pagkakataon na nagkikita kami ni Marvin. Pero maniwala ka, wala kaming relasyon." Magkahawak pa rin kami ng kamay. Pinapakiramdaman ang mga tibok ng puso namin.
"Naniniwala ako sa 'yo. Sorry kung umalis ako nun araw na yun ng hindi ka kasama. Nasaktan kasi ako sa nakita ko. Hindi ko kinaya. Masakit sa mata. Masakit sa puso." Sa wakas, may nasabi rin ako.
"Namiss kita. Hindi mo lang alam kung gaano kita iniisip araw-araw. Natakot ako na kausapin ka, alam kong nasaktan kita. Sorry." Hindi ko maipaliwanag kung bakit bigla na lang nawala ang bigat sa pakiramdam ko.
"Mahal kita Jessie." Isa lang ang alam ko, mahal ko ang babaeng hawak ko ngayon.
FIRST LOVE.
BINABASA MO ANG
A Gentleman's Story
Teen FictionNot your Superman, just an ordinary being with a big heart to love you <3