STMTIM Chapter 1

473 7 0
                                    

Maine POV
"Sister alis na po ako." Pagpapaalam ko kina Sr. Lanie nang maihatid na nila ako sa labas ng bahay ampunan. Humarap ako sakanila.
"Maine iha, mag-ingat ka."
"Oo naman po sister." Nagmano muna ako kina Sr. Lanie, Ann, Sarah at Wendy.
"Kawaan ka ng diyos." Ngumiti lang ako at bumaling sa mga bata.
"Oh kayo, magpapakabait kayo ok?"
"OPO ATE!" Sabay nilang sabi. Napangiti ako at napangiti na rin sila. Kumaway ako sakanila bago tuluyang lumabas ng bahay ampunan. Magmula ng mamatay sina mama at papa ay sila na ang itinuring ko ng bagong pamilya. Kaya eto ako kumakayod ng maigi para sakanila. Hay, Lord gabayan mo po ako at bigyan pa ng lakas. Amen.
"MAINEEEEEE." Nasapo ang dibdib ko dahil sa gulat. Muntik na akong atakihin sa puso at buti wala akong sakit sa puso dahil kung meron at namatay ako mumultuhin ko talaga itong babaitang to.
"ANAK KA NAMAN NG NANAY MO OH! BAKIT BA ANG HILIG MONG MANGGULAT HAH?!" Sigaw ko rin sakanya. Buti na lang wala na sina sister at yung mga bata. At buti na lang konti lang ang dumadaang sasakyan at tao dahil kundi pinagtitiginan na kami dito at iisiping baliw.
"Hehehe peace bes." ^_^V . Naparoll eyes na lang ako.
"Bakit ba kasi ang hilig mong manigaw? Hah Annie? Bakit?
"Wola lang. Trip ko lang." Binatukan ko naman siya ng malakas.
"Aray hah. Masakit." Sabi niya sabay himas sa parteng binatukan ko.
"Bagay lang sayo yan. Ang lakas kasi ng trip mo." Nagsimula na kaming maglakad.
"Oo na. Titigil na."
"Ay dapat lang dahil baka sa susunod na sumigaw ka pa sira na eardrums ko." Nakataas kilay kong sabi.
"Grabe siya." Ikinawit niya yung kamay niya sa braso ko.
"Dalian mo. Ayaw kong mapagalitan." Masungit pa naman yung boss namin. Mukhang halimaw kung magalit. Katakot.

A/N:
Morning guys. Comments naman kayo dyan lalo na dun sa mga silent reader para ganahan pa hehehe

Single Turn Married Turn Instant MommyWhere stories live. Discover now