Para Sayo

256 1 0
                                    

Isa,dalawa,tatlo
Nagbibilang ako para sa'yo
Nagsisinungaling ako para sa'yo
Nanakit ako kahit ayaw ko
Para lang sa'yo

Lahat to para sa'yo

Eh ikaw May ginagawa ka ba para sakin?
Yung gawain na Hindi nakakasakit ng aking damdamin. Kahit isa man lang, May nagawa ka na ba para sa akin?

Oo, madami akong ginagawa para sayo kahit ayaw ko dahil ako Ay totoo.
Totoo bilang kaibigan mo.

Iba siguro ang pagtingin mo sa akin sa iyong mundo. Siguro sa iyong mundo Ay walang tayo at Ang meron lang Ay ikaw At ako.

Para lang sa'yo

Nasasaktan na ako...
Kahit hindi ko na kaya tinitiis ko
Dahil lahat ito Ay para sa'yo

Para sa aking minamahal, magkaibigan man lang Ang isip mo, para lang sa'yo magiging tapat ako, hanggang mamatay man tayo.

Eto na , last na to, kasi hindi ko na talaga kaya maging tapat at totoo
Sa taong kagaya mo
Na hindi marunong magpasalamat sa taong kagaya ko

Na titiisin ka hanggang dulo.
Sorry pero ang pasensya ko Ay namumuo.
Para din to sa'yo, sana matuto kang magpasalamat sa mga bagay o tao na ibinigay sa'yo.

Salamat, kahit wala kang ginawa para sa akin, masaya pa rin ako dahil ikaw Ay napasaya ko.

Para sa'yo lahat ito.

TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon