Jessie's POV
"YEHEY! FOURTH YEAR NA TAYO!" Haaaaaay! Kahit kailan talaga ang ingay nitong kaibigan kong si Keila! Lower your voice friend, pleaseeeeeee! >_<
"Ah, oo nga e. Gustung-gusto mo na makaalis dito sa school na 'to noh?" Well, Obvious naman sa kaniya.
"Hehe! Halata na ba? Hmpf! Palibhasa ikaw may jowa ka kaya ayaw mo pa siguro mag-graduation!"
"Ngek. Hindi naman. Parang wala pa rin nga akong boyfriend 'di ba?"
"Ayyy, ganun? Bitter lang sis?"
"Gaga! Hindi. Pero may sasabihin ako sa'yo. Sekreto lang ha?" Tssssss! Ano ba 'tong balak kong sabihin?!
"Sige! Ano ba 'yon? Hmmmmm... Naku, 'wag mo sabihin na makikipag-break ka diyan sa jowa mo! Sayang girl... Napakaswerte mo na sa kaniya, plus, okay naman kayo ah? Busy nga lang siya."
Haaaaaay! Buhay nga naman! Bakit ba niya naiisip ang iniisip ko? T^T
"Hoy! Jessie! ANO?!
...'wag mong sabihin na tama ako?!!!!!"
"Ssssssshh! 'Wag ka masyado maingay Kei. Naisip ko lang..."
"Naisip mo na?"
"Naisip ko na baka hindi talaga siya."
"At sino dapat, aber?"
"Hmmm. Si Marvin?"
"ANO?! Seryoso ka? Balak mong ipagpalit si Joma sa Marvin na gangster na 'yon?" Lord, please... Sana nga matauhan ako sa mga paninigaw sa 'kin ngayon ni Keila. Ano ba kasi ang pumasok sa isip ko?! T__T
"Hindi ko alam. Bahala na!"
"Aish! Problema 'yan!" Yeah, friend! Nakakatulong ka talaga sa pangungunsensiya sa 'kin T_T
Huhuhu! Sana maayos ko na 'tong utak ko! Pati na rin yun nararamdaman ko. >.<
Keila's POV
Grabe! Adik talaga 'tong kaibigan ko! Cake na hawak tapos gusto pa magpalit ng mamon. LOL! Alam ko naman na hindi sila perfect couple ng boyfriend niya pero... hello?! Si Joma 'yun!
Ano pa ba hahanapin niya? I mean, what could she ask for?
Hindi ko talaga maintindihan.
Jessie's POV
Uwian na pero hindi pa rin ako maka-move on sa sinabi ko kay Keila kanina. Buti na lang maaga siya umuwi ngayon, hindi kami sabay. Hindi niya na ako masesermunan ulit.
Haaay.. Pero seryoso nga ba ako sa naisip ko? Ano ba talaga gusto ko? Ang labo ko naman oh! T^T
"Hi Jessie?" tingnan mo nga naman! Speaking of the devil. Este, speaking of Marvin.
"Oh, Marvin? 'di ka na naman pumasok?" Tss. Taong 'to talaga, tamad pumasok! Puro gang iniintindi.
"Hehe! Sabay tayo uwi?"
"Ahh, hindi pwede."
"Bakit naman?"
"Kasi may boyfriend na 'ko."
"Ah, talaga?"
"Oh, ano naman ibig mong sabihin sa AH, TALAGA na 'yan?" >_<
"Wala lang. Kung may boyfriend ka talaga, 'di ba dapat hindi kita maaabutan na mag-isa ngayon?"
Ouch! Actually, may point siya. As usual, hindi na naman kami sabay pag-uwi ng busy kong boyfriend.
"Tse! Nag-usap na tayo 'di ba? Sabi ko layuan mo na 'ko."
"Awww. Sakit naman nun?? Masama bang maging concern sa 'yo? Hindi ko naman kasi gagawin 'to kung lagi mong kasama 'yan boyfriend mong hilaw."
Haaaay! Tama na naman siya! Asan ba kasi si Joma?!
"So, paano? Sabay na tayo?"
"Bahala ka." Tss. Wala na akong nagawa. Mukhang hindi rin naman niya ako titigilan.
Pero in all fairness din naman sa kaniya, consistent siya sa pagpaparamdam sa 'kin kahit sinabi ko na sa kaniya na layuan ako.
Lagi pa rin siya nagtetext at umaaligid.
Iisipin ko na nga na stalker siya eh! Lagi na lang kasi nasulpot sa kung saan-saan at kung anu-ano ang ipinapadala sa 'kin. Ang tiyaga niya. Sobra.
Gail's POV
"Dear Miss Sorry,
Thank You sa sulat mo. Nakakatuwa naman! Ako pa 'yun napili mo na bigyan ng sulat. Nakaka-touch! ^^
Gusto ko lang malaman mo na hindi ka lang stranger o kung anu pa man sa 'kin. Magkaibigan tayo! Kaibigan kita :)
Salamat sa lahat ng kabaitan mo! Sana kahit pagka-graduate ko, hindi mo pa rin ako makalimutan ha?
Salamat ulit!
-Joma"
Yeah! Totoo nga 'yan, sinulatan ko siya at 'yan yun reply letter niya. Hmm, actually, hindi naman siya "intentional" na sulat. Requirement lang namin maggawa ng sulat sa isang tao para sa Values subject namin. Nagkataon lang na siya 'yun unang tao na pumasok sa isip ko that time...
Well, siya lang naman talaga 'yun iniisip ko ALL THE TIME! ^_________^V
Ewan ko ba? Pero feeling ko, lalo lumalalim 'yun pagkagusto ko sa kaniya. Lalo na ngayon, close na kami. Super ^^
Kahit inaamin ko...
At alam ko...
Hindi siya ganun para sa 'kin.
Joma's POV
4:46 PM
"Asan ka po? Sabay tayo?" - Joma
5:15 PM
"Nakauwi na 'ko. Salamat na lang." - Jessie
5:16 PM
"Ah, sige po." - Joma
5:18 PM
"Sige lang? Hindi ka man lang ba magso-sorry para dun?" - Jessie
5:20 PM
"Hindi ko naman po alam na nakauwi ka na. Kaya ako nagtext para yayain ka. Hindi ko lang alam na nakauwi ka na pala. Pero sorry po." - Joma
5:22 PM
"Joma, kaya mo bang mawala ako?" - Jessie
5:23 PM
"Hindi ko sasabihin na hindi ko kaya. Matagal na 'kong nabuhay na wala ka. Pero, mas gusto ko ng mabuhay kasama ka ngayon." - Joma
5:24 PM
"Joma, ayoko na." - Jessie
BINABASA MO ANG
A Gentleman's Story
Teen FictionNot your Superman, just an ordinary being with a big heart to love you <3