Earthquake drill!! Earthquake drill! Earthquake drill!!
Bakit sila nagpapaEarthquake drill, eh imposibleng magkaroon ng lindol dito sa lugar namin! Promise! Pag lumindol dito hahalikan ko si Alex!
"Ang init init!" yan ang sinisigaw ng lahat ng estudyante dito na nagsisiksikan ng dahil sa bwiset na earthquake drill.
Natapos na ang earthquake drill pero mukha kaming nakipag giyerahan sa gitna ng disyerto..
Pawisan,pawisan at pawisan! amoy Arabo at Indiano ang mga tao! Hinayaan na muna kami ni ma'am na magpalit ng damit.
Matapos magpalit, diretcho kami sa canteen. Siksikan ulit.
Ang mga tao dito, kala mo isang taong di nakainom ng tubig.
Nang makabili ako ng inumin, diretso na sa classroom.
Habang naglalakad ako pabalik sa classrooom, nakasalubong ko pa si Alex. Ang long time crush ko simula grade 1.
Hindi naman sa pagiging Stalker.. Pero Sinusundan ko sya kung saan sya mag-aaral simula nang maging crush ko sya.
Yung feeling na, tinignan at nginitian ka ng crush mo..
SHEMZZ!! HEAVEN!! I kennat wait the earthquake. Joke lang, ng slight. Half meant yan.
///
may groupings ngayon para sa Recitation bukas.
Singing by pair at bunutan.
Siyempre nangangarap ako na si Alex. Pero sadyang walang pakisama ang buhay, hindi kami mag kapartner, Ang partner ko ay si.. marco. Ang kaibigan ni Alex...
Hinde! joke lang! si Alex ang nabunot ko! eeehhh!!
"Anong kakantahin natin"-tanong ko kay Alex
"I'm yours" sabi ni Alex.
napatulala naman ako.
A-anu daw?!
"h-ha?" -ako
'Yung kakantahin natin, I'm yours" -Alex
"Ah ok" -ako
That feeling! akala ko sabi nya 'akin sya' ... Enebeyen!
Uwwian na at hindi naman ako gala. Kaya umuwi na ako agad sa bahay.
<Next Day>
Maaga akong nagising dahil excited ako. Kakanta kami ni Alex!!! ilang taon ko na syang crush at ilang taon na kaming magka-klase pero ngayon lang kami magiging magka-partner.
Nagbunutan kami kung sino ang mauunang kakatanta at pag sinuswerte ka nga naman. Pang-una kami. Pumunta kami sa harap ng buong klase at kumanta. biniyayaan ako ng magandang boses kaya okay lang saakin na kumanta(Chos~). Si Alex naggigitara habang ako, kumakanta. Sa kalagitnaan ng pagkanta ko napatingin ako kay Alex. Dun sa chorus part..nagulat ako nang tumingin sya sa akin at ngumiti
Natapos kami sa performance namin habang inaalala ko yung ngiti nya.
Pinapunta ni ma'am lahat ng tapos na sa likod para daw hindi masyadong magulo.
nang bigla akong nakaramdam ng parang gumagalaw ang sahig. Pero di ko pinansin.Akala ko tyan ko lang, kasi di ako nag-almusal.
pero nanlaki ang mata ko nang biglang yumanig ang buong classroom.
Tilian doon, takbohan dito, at sigawan doon and maririnig mo.
Nagkaroon na ng biyak ang sahig,kisame at pader.
Mamamatay na ba ako?! Ito na ba ang magiging libangan ko?
Nagsimula na akong magpanic tulad ng ibang estudyante.
Lumabas ako ng classroom. Napaka raming taong nag-uunahan sa paglabas! Walang kwentang Earthquake drill!
Nang makita ko si alex. Hinablot ko ang braso nya at bigla ko syang hinalikan sa labi.
Kung mamamatay ako ngayon mas mabuting mahalikan ko na si Alex.Ayokong mamatay nang wala man lang akong nasasabi sakanya tungkol sa nararamdaman ko. Pero dahil sa lindol na into mukhang Hindi ko na ata magagawa iyon.
Pero biglang huminto na paunti-unti ang pagyanig.
Don't tell me--!!!
at huminto na nga...
SIYETES!!! Nakakahiya!
Dahan-dahan kong dinilat ang mata ko at umakto na parang nagtataka.
"Alex?!.. sorry! akala ko yung crush ko!" Sabi ko at tumalikod na bago pa mapahiya...
Pero napahinto ako nang sumigaw sya..
"Ako yung crush mo di ba?!" -Alex
Dahan-dahan akong humarap sakanya.
"I like you too..." sabi nya ng nakangiti..."Crush din kita!"
________
Wassup?! This is the first One-Shot story na pinost ko. Pero hindi ako ang totoong nagsulat ng Story na ito. ©To Jazmine L. Nagandahan lang ako kaya. I asked her permission. At yun! pumayag sya. Ayaw niyang i-post eh Kaya ako nalang.
So Yun! I hope You Like It.
Don't Forget to Vote and Comment.
[×ShizAGirl×]
BINABASA MO ANG
Epic Na Earthquake! (One-Shot)
Teen FictionA Short story about 'Earthquake' and 'Earthquakedrill' We all know kung gaano kahirap mag eartquakedrill. And Believe me. Naranasan ko na iyon. /Note: Wag mag panic kapag lumindol. Baka makahalik ng inosenteng tao/ _______ ©Jazmine L. [×ShizAGirl×]