Joma's POV
Never mind if I find someone like you.
I wish nothing but the best for you, too.
Don't forget me, I beg.
I remember you said,
Sometimes it lasts in love but sometimes it hurts instead.
Sometimes it lasts in love but sometimes it hurts instead...
"Nice one Joma! Ang galing mo talaga bro, kaya dami naiinlove sa'yo e. Multi-talented ka masyado."
Tsk! Nang-aasar ba 'tong si Gab?! Kaka-break ko nga lang e, 'yun ba 'yun maraming naiinlove?!
Wala kaming klase sa isang subject, sakto, may dala akong gitara para sa choir practice namin mamayang hapon. Nakatambay kami dito sa may veranda ng building namin. Naisipan ko lang tumugtog. Baka sakaling gagaan ang pakiramdam ko.
Gumaan naman ang pakiramdam ko, pero wala pa rin nagbabago. Break na kami. Tinatanggap ko na lang unti-unti.
Habang abala ako sa pag-iisip, biglang dumating sina Apple at Sabrina sa classroom. Mukhang galing sila sa canteen. Itong mga babaeng 'to kain ng kain tapos magrereklamo na hindi maepektuhan ng diet! Labo! >_<
"Mr. President, kamusta?" ngiting-ngiti si Apple.
"Hindi ka namin matanong nitong mga nakaraan, ayaw namin mawala sa timing e! Pero kamusta ka na after the break-up?" Naks! So, ito ba ang tamang timing girls? :/
"Okay lang."
"Bro, 'yun totoo?" tsk! Kanina ka pa Gab ha? Namumuro ka na!
"Ayos lang."
"Hindi mo ba itatanong kung bakit namin alam?" Well, kanina ko pa nga sana gusto itanong 'yan.
"Bakit?" hehehe! Ako na uto-uto ^^
"Lagi ng magkasama sina Marvin at Jessie. Na-curious kami kaya ayun! Pinagana namin ang tsismis powers namin." Imagine niyo na lang kung paano sabihin ng isang babae 'yan ganyan lines, ganyan-ganyan 'yun pagkakasabi ni Apple.
"Ahhh." Nakaka-speechless.
"Luka-luka ang babaeng 'yon! Ibe-break ka para sa isang gangster! Nako! Matagal na namin ayaw sa kaniya para sa'yo, hindi lang kami umiimik kasi mahal mo." Naks! Much appreciated ko Sab.
"Look guys, alam kong worried kayo sa 'kin. But you see, busy akong tao, I think magiging okay ako basta ituloy ko lang ang mga ginagawa ko. Hindi ko naman masyado na naiisip 'pag nandito sa school na marami akong ginagawa. Pero salamat." Tumayo na 'ko para bumaba sa canteen, saktong pagtaas ko ng mukha ko, nandun si...
Gail's POV
"Gail..."
Ako: 0_O
"Gulat na gulat ka yata?" aish! Nakita kita, kinakausap mo 'ko, kahit sino magugulat babe! HAHAHA!
"Ahh, hindi naman. Ano kasi... inutusan ako ng teacher ko na dalhin 'to dito." Iniabot ko ang hawak kong Manila papers.
"Pakibigay naman daw dun sa monitor niyo."
"Ah, okay. Teka, 'wag ka muna aalis." Kinuha ni Joma ang mga dala ko at agad ipinasok sa room nila. Tapos dali-dali siyang bumalik sa 'kin.
"Nag-recess ka na?"
"Ha?"
"Sabi ko, nag-recess ka na ba? Tara? Sabayan mo 'ko." Hindi na ako nakapalag dahil hinawakan niya na agad ang kamay ko at hinila ako pababa sa hagdan. Ito ang unang beses na hinawakan niya ang mga kamay ko... 'yun parang holding hands. *_*
BINABASA MO ANG
A Gentleman's Story
Teen FictionNot your Superman, just an ordinary being with a big heart to love you <3