The Four Bad Boys And Me

138K 6.4K 22.5K
                                    

LONG DISTANCE relationship.

Akala ko madali lang 'tong pinasok namin pero anak ng pusa naman, ang hirap pala. Nakakabaliw pa nga minsan, ay hindi, madalas pala.

Praning, ayan na nga ang tawag sa 'kin ng mga mokong kong kaibigan.

Masisisi ba nila ako? Biruin mo, milya-milya ang layo sa 'yo ng taong mahal mo. Kapag gusto mo siyang yakapin, hindi mo magawa. Tapos hindi mo pa alam baka mamaya may kung sino-sinong lalaki ang umaaligid sa kanya. Ang dami kong naiisip tapos dadagdagan pa ng usad pagong niyang pag re-reply.

"Hoy babaeng mahilig sa aso at sa cookies and cream na ice cream, ilang oras na akong naghihintay sa mga text mo pero mamumuti na lang ata ang mata ko kakahintay!"

Ano ba kasing ginagawa niya at hindi man lang niya ako maisipang kamustahin?

Sa pagkakaalala ko, boyfriend niya pa rin ako.

"So ano, display na lang ba ako sa kanya? Para lang masabi na may pogi at macho siyang boyfriend dito sa Pinas?"

Sumakit bigla ang ulo ko. At ang salarin ay walang iba kung hindi ang womanizer kong kaibigan. Kung batuhin niya ako ng bote akala mo ang laki ng kasalanan ko sa kanya.

"Anong problema mo, Troy?"

Tumawa pa talaga siya nang malakas. Kung ibang tao lang siya, kanina ko pa siya nabugbog. Sa mga ganitong sitwasyon, maiksi ang pasensya ko. Nawawala ang prinsipyo ko na, patience is the attitude.

"Wala ako sa mood, Troy, kaya pwede ba umayos ka d'yan!"

"Ang clingy mo kasi pare, hindi ka lang ma-replayan ng ilang oras nag aalburoto ka na d'yan? Daig mo pa 'yong babaeng naka whisper with wings, eh. Pwede ba kumalma ka."

Inhale, exhale.

Pucha! Hindi ko kayang daanin 'to sa malalim na paghinga. Naiinis na talaga ako.

Mabuti pa ipaalam ko sa kanya ang galit ko at baka magawa na niyang mag-text sa'kin.

To: Candice My Love
Alam mo, sige, h'wag ka ng mag-reply sa akin. Magpakasaya ka kung ano man 'yan ginagawa mo ngayon d'yan sa Korea. Siguro todo fangirl ka na naman sa mga oppa d'yan. Subukan lang nilang landiin ka, OOPPAKAN ko sila! K, bye.

"Anong problema mo, JD?" Halata ata sa mukha ko na badtrip ako kaya kahit kakadating pa lang ni Marky sa tambayan namin ay nahalata na niya agad na bad mood ako. Tumabi siya sa akin at maya-maya ay ngumisi siya. "Dahil ba sa IG story ni Shawn? Wala naman sigurong malisya 'yon."

"Anong IG story?"

Binuksan ko agad ang instagram ko para makita ang sinasabi ni Marky. Bigla akong nanginig sa galit sa nakita ko. Gusto ko na nga sanang ibato kay Troy ang cellphone ko pero pinigilan ako ni Marky.

"Pagkatapos niyang hindi mag-reply sa akin ng isang oras, ito 'yong makikita ko? Magkasama sila ng Shawn na 'yon sa isang coffee shop! Aba, sumosobra na talaga siya!"

Parehong nagtawanan 'yong dalawang mokong. Ano bang nakakatawa? Hindi ba nila nakikita na seryoso ako!

"Jeydon, easy ka lang. Kita naman na gumagawa sila ng project. Mag re-reply din si Candice mamaya. H'wag kang clingy masyado," sambit ni Marky. Isa pa siyang nagsasabi na clingy ako.

Clingy na pala ngayon ang magmahal nang sobra?

Mali ba 'yon?

Mali bang mahalin ko ng higit pa sa buhay ko si Candice?

"Psh, bahala siya, mag-enjoy siya kasama si Shawn! Kapag tumawag siya sa akin, who you siya!"

Nilapag ko sa mesa ang phone ko at nanuod na lang ng TV.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 19, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Four Bad Boys And MeWhere stories live. Discover now