Chapter 11

4.3K 89 7
                                    

CHA's PoV (Charlene)

'Hmmm. Ang bango.' Bulalas ko. Nagluluto kasi ako ng mauulam namin ni Rain. Opps. Don't get me wrong, ginagawa ko to para payagan niya akong papuntahin dito si Nanami para makapagjamming kaming magkapatid. Hehehe.

Nagtanong kasi ako kay manang kung ano bang paboritong ulam ni Rain, pero ang sabi niya kahit ano daw kaya pinagluto ko nalang siya ng gulay, more like chapsuey. Hehe. wala kasi akong maisip na iba kaya heto nalang. Nagleave ako ngayon para lang ipagluto siya ng ulam niya. Maya-maya lang ay pupunta na akong hotel, dahil nandun siya. Nagleave lang ako hindi na siya nagpunta ng office kaya sa hotel siya nagpunta.

Sana pagpunta ko dun hindi siya busy, Kailangan kong maglambing. Hehe. Sana tumalab. ^___^

And now we're starting over again,

it's not the easiest thing to do

I'm feeling inside again,

'cause every time I look at you

Hmmmm..... Hmmmmm....

Sabay ang paghuhumming ko habang inaamoy ang niluto ko. Sabi kasi nila kapag good mood ka magiging masarap din ang luto mo kaya heto good mood ako. La.. la...la...la...

"Aba, mukhang masarap ang niluluto mo hija ah." komento ni Manang, ngumiti ako sa kanya sabay abot ng kutsara na may sabay.

"Syempre naman po manang, masarap po talaga 'to. Tikman niyo po." Kinuha niya ang inabot ko saka tinikman ang ginawa ko. Ngumiti siya sa akin kaya mas napangiti pa ako. "Masarap di ba manang?"

Nag-approved siya sa akin... "Syempre naman hija. Buti nalang talaga at isang katulad mo ang napangasawa ni Rener, masayahin naman yang batang yan kaso simula nong nagkasakit ang mommy niya at simula nong iniwan siya ng ex girlfriend niya dun na siya nagsimulang nag-iba. ewan ko ba diyan sa batang yan... ashjsgadjsfjusdsd! " Natahimik ako sa sinabi ni manang, parang may biglang bumulong sa akin na kailangan ko ibalik ang dating si Raineer, na kailangan kong mapasaya siya ulit.

Buo na ang loob ko, susubukan ko nang tuluyang papasukin si Rain sa buhay ko. Simula nong nagkausap kami ni Jhaz ay gumaan ang loob ko at parang nabunutan ako ng napakaraming tinik sa dibdib ko.

**********

"Hi Miss Charlene." bati sa akin ng guard. Kilala ako dahil ako ang nagpupunta dito ng mga new employee ng mga Salvador. Tinungo ko ang front office para itanong kung nasaan si Raineer.

"Hi Ma'am Chloe, pwedeng matanong kung nasaan si Mr. Salvador?"

"Hello Ma'am, nasa penthouse po siya."

"huh? Anong ginagawa niya dun?" tanong ko pero nagkibit balikat nalang siya. As usual pupuntahan ko nalang siya sa taas.bago pa tuluyang magsara ang elevator ay may nakita akong pamilyar na mukha. 'Anong ginagawa niya dito?' sabi ko sa isip ko.

Pagkarating ko ng penthouse naghehesitate ako kung magdodoorbell ba ako or hindi. Bakit ganito ang nafefeel ko, parang kinakabahan ako! Huminga ako ng malalim saka pinundot ang doorbell, pinindot ko ng pinindot pero walang sumasagot or nagbubukas man lang ng pinto.

"baka naman wala siya dito." usap ko sa sarili ko. Chineck ko ang oras, malapit ng mag-alas dose. Nagugutom na rin ako pero ayoko pang kumain, kailangan kasabay ko si Rain. Tatawagan ko sana siya ang kaso naiwan ko ang phone ko sa bahay. Wrong timing naman, badtrip!

Nag-indian seat ako sa tabi ng pinto ng condo ni Rain at nilapag ang dala kong paper bag. Ang tagal naman ni Rain. huhu. Nagugutom na ako!

*kock

*knock

Katok ko sa pinto pero wala pa rin. Hm. Baka may pinuntahan lang siya, hintayin ko nalang dito siguro naman babalik din siya agad.

Rain's PoV

Umuwi ako ng bahay para makapgpahinga at parang na rin makapagrefresh. "D-mned!" sabay suntok ko sa pader. Sh*t! Matapos niya akong iwan ngayon babalik siya. Hell her. She's a d-mned hell.

Napahawak ako sa ulo ko dahil sumasakit na naman. Kung hindi dahil sa kanya hindi sasakit ang ulo ko ngayon.

Matapos kong makapagbihis ay bumaba ako, siguro natutulog si Charlene ngayon. Kadalasan kasi dito siya nanunuod sa baba ng TV, ayaw daw kasi niya sa kwarto niya kasi makakatulog daw siya.

"Oh Rener, nandito ka na pala. Kasama mo na ba si Chacha?" I made a frown sa sinabi ni Manang. "Hindi bat nagkita kayo sa hotel? Dinalhan ka nga niya ng tanghalian niyong dalawa e."

"She went there manang?"

"Oo. Excited pa nga siya pumunta don..." Walang sabi-sabi akong tumakbo papunta sa kotse ko saka mabilis na pinaandar ito. Tanghalian daw? Sh*t anong oras na ba? "5:53 pm." Kaninang tanghali pa siya nandoon, bat di man lang niya ako tinawagan? I can't contact her number.

**********

"Where is she?" I asked the front office girl.

"Po?"

"Charlene... Where is Charlene? D-mnit! ANSWER ME!!"

"S-Sir nasa p-penthouse niyo po."

Pinagpipindot ko ang elevetor, wala akong pakialam kung pagtinginan na ako ng mga guess. Hindi ako nakatiis tinungo ko na ang hagdan paakyat ng penthouse. Ano bang naisip niya at nagpunta pa siya dito?

Hingal na hingal akong nakarating sa taas. Hindi pa man ako nakalapit alam kong sya na yun, nakahinga ako ng maluwag ng makompirma kong siya nga. Napangiti ako at natanggal agad ang pagod ko ng makita ko siya. Kahit wala siyang ginagawa pinapagaan niya ang pakiramdam ko.

"Charlene" mahinang tawag ko sa kanya at saka umupo sa tapat niya. Mukhang nakatulog siya ng kakahintay sa akin. Binuksan ko ang pinto ng condo at dahan dahan siyang binuhat saka ipinahiga sa kama ko. "Im sorry." bulong ko sa kanya kahit hindi naman niya ako naririnig dahil sa himbing ng tulog niya.

Inilabas ko ang tupperware na nasa loob ng paperbag at binuksan ito. Ito siguro yung sinasabi ni manang ng niluto ni Charlene. Kumuha ako ng kutsara at sinimulang kainin ito.

"Hmm. Not bad." I mumbled. After kong ubusin ang ulam ay binalikan ko si charlene sa kwarto. Tulog pa siya. Tumawag ako kay chef para magluto ng uulamin mamaya ni Charlene pagkagising niya.

Bago ko pa makalimutan tinanggal ko na lahat ng pictures at kung anu-ano pa na iniwan ni Bianca dito sa condo. Nagpatawag ako ng housekeeper para malinisan lahat ng kalat at dumi dito. Napakaaliwalas tignan nitong condo nong tinanggal na lahat. Simula ngayon ay papalitan ko lahat ng laman nitong penthouse at ang ilalagay ko dito ay kung anung gusto ni Charlene or if she want we can renovate this para mas gumanda pa.

I called Cejay to come over here to help me do the plan of renovating these penthouse. I know he can help me alot. Ayaw pa nga sana niyang pumunta dito because he has a date pero syempre tinakot ko siya, kaya wala siyang nagawa.

"Grabe ka naman tol, nandun na ko e. Nandun na kami ng date ko saka ka eentra. Walastik naman! Nakakabitin tuloy." bungad sa akin ni Cejay.

"Can you shut the fvck up Cejay? Charlene is sleeping baka marinig ka niya."

"WHAT? Nandito si Miss Charlene?" gulat na tanong niya saka ako nginitian ng nakakaloko. "May ginawa kayo ano? Pinagod mo siya ano?" -_-"

"Fvck! Shut up! Wala kaming ginawa. We didn't do anything. Nakatulog lang siya sa kakahintay sa akin, YUN LANG YUN..." Tumango nalang siya. Huminto siya sa paglalakad at inilibot ang tingin niya sa condo.

"WOW tol. Nasan na lahat ng mga gamit mo dito?"

"I throw all of them!" walang ganang sagot ko saka tinungo ang kitchen."

"So what's the plan?" tanong niya. mukhang nagets na niya ang sinabi ko. I explained to him that I am planning to renovate this penthouse and he approved it. He told me that he has a sample works for the new design of these. Well done! I need to confirm it first to Charlene.

Im Inlove With My Sister's HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon