CHAPTER ONE
"Lights! Camera! Action!!" pumailanlang ang boses ng pinakamagandang aspiring director ng Philippine School of Films and Arts na si Samantha Irish Dizon o mas kilalang Sid.
Sinisimulan na niya ang stage play na ilalahok sa year end competition ng mga students doon. Ito ang ikaapat at pinakahuling stage play na ididirek nya sa unibersidad.
"Break time muna" biglang pagpasok ni Ruth, bestfriend at tumatayong production designer ng kanilang grupo.
Napilitan tuloy sumigaw ng CUT si Sid nang mapansin niyang bumaling na nga ang attention ng mga actors sa dumating.
"Ruth, ano ka ba? Ilang ulit ko bang dapat sabihin na hindi mo dapat kinukuha ang momentum ng mga actors" baling ni Sid.
"Friend, easy ka lang, marami pang time. Pagod at gutom na ang mga actors. They need a break, pati ikaw." sabi ni Ruth habang hinahanda na ang mga dalang pagkain. "Carried away ka na naman, praning ka na talgang matalo si Vince this year.
"Alam mo naman pala, suportahan mo na lang ako."
"Bruha, eh ano pa bang ginagawa ko? I'm here with you, Saka hindi ka ba ginaganahan sa amoy ng luto ng mommy ko?" pabiro pang sabi nito.
"Hay naku, ikaw talaga, alam mong alam ni Tita Doris ang timpla ng sikmura namin. Okay guys, break muna tayo" at nagsalu salo na ang kanilang grupo.
Aminado sya na parang praning na nga siyang matalo ang pinakamagaling at classmate niyang si Vincent Villarin. For the past three years, lagi na lang siyang second best director nito. This time, siya naman ang aangat. She needs to give all she got for this could be her last chance.
---------------------
"I have an important anouncement" bungad ni Mrs. Castro, professor nila sa theater play act at tumatayong parang adviser nila. "Year-end competition will take place not only among students of PSFA dahil kasali ang ibang schools of arts. Tayo ang nakaassign for stage play. Tough competition ito kaya makikialam ang mga professors. SInce this is an honor section, marami dito ang magiging participants. We don't have enough time to hold an auditon kaya pipiliin kayo based sa past perofrmance niyo. By tomorrow, ilalabas na alng list of participants. I'll leave you now para mapagmeeting-an ito." yun lang at lumabas na ang professor.
"How sad! SO madi-dissolve na ang grupo natin?" si Ruth ang unang nag-react.
"Magiging participant pa kaya ako? Syempre hindi na ako magiging director". mahinang sabi ni Sid saby sulyap sa gawi ni Vince.
BINABASA MO ANG
You Compete Me, You Complete Me
RomanceSid's passion is directing and she wants it to be her profession, but she seems to be only next to Vincent Villarin. That's why she is so determined to defeat him and prove that she can also be the best. But how can she compete a person who is not...