Page 1: Conscience over Love
"Ang ganda mo Niz!" sabi ni Ro na kabarkada ko. Pinaikot niya yung upuan ko para makaharap ako sa malaking salamin.
Wow. Ako ba talaga yan?
"Look what make up can do!" sabi nung tiga-make up ko habang tinitingnan ko yung mukha ko ng maigi sa salamin. Kung makasalita to parang ampanget ko na talaga. Psh, bish please. Maganda ako, hindi lang naman kasi ako sanay sa mga make-up make-up na yan.
"Di ko makilala sarili ko..." yun nalang ang nasabi ko.
"Ofcourse! Dapat ikaw ang pinakamaganda sa pinakaespesyal na araw mo."
Napatigil ako sa sinabi ni Ro. Oo nga pala, ngayon ang "espesyal" na araw ko pero.. bakit hindi ako masaya? Bakit parang iba yung nararamdaman ko?
"Here comes the bride... All dressed in white.." pa kanta-kanta pa yung baklang tigamake-up ko while doing some finishing touches. "All done!"
Suot ko na ang wedding gown ko pero feeling ko, hindi ako bagay sumuot nun. Ewan, hindi ko alam kung ano ang nangyayari. Ikakasal ako kay Vince. Ikakasal ako sa taong 5 years kong naging boyfriend. Ikakasal ako sa taong mahal ko.
Teka, mahal ko nga ba si Vince?
Kung ang pagmamahal ay sinusukat sa tagal ng relasyon, well yes, mahal ko si Vince. Kung ang pagmamahal naman ay masusukat sa kaligayahan na nararamdaman ko, hindi ko na alam. Noon,kung sigurado akong mahal ko si Vince, ngayon hindi na.
"Oh! Bakit parang nakabusangot yang mukha mo?" napansin siguro ako ni Ro na wala ako sa sarili ko.
"Wedding jitters.." sagot ko at pinilit ang tawa ko. Pero alam kong hindi wedding jitters nararamdaman ko eh.
"Mag-aayos na muna ako ha? Mga 30 minutes aalis na tayo patungong simbahan." sabi ni Ro sabay alis sa kwarto. Kasabay din ng pag-alis ni Ro ang pilit kong ngiting ginuhit sa mukha ko.
Bakit ganito? Parang gusto kong magback-out?
Cold feet? Hindi naman siguro.
"Niz.." nagulat ako sa malamig na boses na narinig ko. Nilingon ko kung san nanggaling yung boses at nakita ko ang malakapre sa tangkad na lalaki. Si Kris.
"B-bakit?" tanong ko. Wala nang nilabas na salita si Kris sa bibig niya. Sa halip ay hinila ang kamay ko. Napakaseryoso ng mukha ni Kris.
Nagpahila nalang din ako.
Nararamdaman ng malamig kong kamay ang mainit na kamay ni Kris. Parang gusto ng puso ko na tumalon-talon sa tuwa. Na parang gusto din ng puso ko ang paghawak ng kamay niya sa kamay ko. I find comfort in Kris' warm hand.
Napunta kami sa isang room na walang tao at sinara ang pinto. Tinitigan niya muna ako bago hinalikan.
Yung halik na yun, yun lang naman ang nakakawala ng kaba ko. Yun lang naman ang kailangan ko para mabuhay ako araw-araw. Si Kris lang ang kailangan ko.
Madali lang nya akong hinalikan at tinitigan niya ulit ako. Yung uri ng mga titig na magpaparamdam sayo na ikaw ang pinakaimportante sa buhay niya. He cupped my face at dinkit ang mga forehead namin. Damang-dama ko ang kalungkutang nararamdaman niya.
And then, Kris let out a sigh. He walked towards the piano. (Di ko napansin kanina na may piano pala), sat on the chair and played it. At first, hindi ko alam kung anong kanta ang piniplay niya until he sang..
"..but if you believe that you belong with him promise me you won't let anyone hurt you.."
Kris..
BINABASA MO ANG
The Best Man's Wedding [Kris FF]
Fanfiction"But is that reason valid enough to end up sacrificing my own happiness? Choosing Vince over Kris? Choosing my conscience over love?"