Friends

21 2 0
                                    

Hi ako nga pala si Patrice Reveroz pero you can call me Pat, may crush ako pero malayo siya eh. Ni hindi ko nga alam pangalan niya, or kung san siya nakatira dito sa probinsya namin. Palagi ko siyang nakikita tuwing bakasyon, dito sila nagbabakasyon ng pinsan niya eh.

Pero ako, syempre si dakilang stalker, lagi ko siya sinusundan kung san man siya pumunta. Sa isip ko, 'ang gwapo gwapo niya!!' alam mo yun prend, matangkad, maputi, chinito, pantay ang ngipin, matangos ang ilong san ka pa? full package na!! sana nga palagi na lang siyang nandito.

Tuwing gabi, laging may liga dito sa probinsya namin. Syempre ako, nood nood baka may makitang gwapo. Pero yun nga, may nakita ako, ANG TANGKAD NIYA BES!! alam mo yun?! kapag nangiti siya? like arghh parang matutunaw ka na lang sa titig niya waaaa!! and i'm like 'omg! natutunaw ako sa bawat tingin ko sa kanya, coz para siyang apoy na nagliliyab tas ako yung yelo na sobrang natutunaw!

Gusto ko siya makilala, u know that feeling? nung mga nakaraang araw, kapag nakikita ko siya sa plasa namin dito sa probinsya, nagpapapansin ako sa kanya diko alam kung napapansin niya ako, pero sana dalangin ko kay Papa Jesus na mapasakin siya omooo! naiisip ko pa lang kinikilig nako juskoporudeee!

One time, nagkaroon ng Youth Encounter para sa PYC ang simbahang katoliko dito sa probinsya namin. Eto, kasama ko yung mga kaibigan ko sila Jamie at Ronnie. Palagi ko silang kasama sa lahat. So eto na nga yon, magsisimula na, actually nagsimula na pala, may dumating na late comer pero di ko yun napansin agad, NAKITA KO YUNG CRUSH KO NA PALAGI KONG SINUSUNDAN SA PLASA NAMIN TUWING MAY LIGA!! and i was like nagpipigil kilig?!! omyghaaad di ko maimagine na nandito siya sa Youth Encounter na to!! Sobrang saya koooo lam niyo yun? waaaa!!

Then eto na nga guysss!! Nagpakilala siya kasi diba nga late siya e nakapagpakilala na kami nung una. So yun, nalaman ko na Emman yung pangalan niya, syempre ako nilista ko agad pangalan niya abaaaa ako pa ba? papatalo sa ganyan? expert ako dyan!! skl HAHA

Nagsimula na yung camp, ang saya saya lalo na't kasama siya!! and then eto may sinabi yung speaker namin "Brothers and Sisters pwede niyo nang yakapin ang isa't isa, No malice because it's all about God." tas ayun, unang hinanap ko ay SIYA, syempre para makapoints agad akooo hihihi.
And then, niyakap niya ako omygollygolly!! I.Cant.Breath. sa kiligggg waaaa!! then sumunod ang exchanges ng ILOVEYOU'S syempre ako, unang una yung crush ko pagkakita ko sa kanya, sabay sabi ng "ILOVEYOU" no malice pa non coz it's all about God. Maraming nangyari nung YE. Umiyak, nagtawanan, basta masaya at napakamemorable, dahil nung sinulatan ko siya, sinulatan din niya ako pabalik!!❤❤ u know dat feeling?! like i'm in a cloud 9 sa sobrang kilig! Basta napakamemorable nung panahong yun and I thank God for bringing him
in that youth encounter, to know more and to know him.

And nung malapit nang matapos yung camp na yon, medyo naging close na kami, sino ba namang hindi makakaclose agad e napakadaldal ko? hahaha. At ang GALING NIYANG MAGGITARA BES!! nakakainlove talaga lalo na pag sa harapan mo siya tumugtog para ka niyang hinaharana opsss.

Natapos na ang youth encounter parang mas lalo pa kaming naging close kahit na may iba siyang crush </3 ang saket nun!! heartbroken nako huhu.

"Hoy, chay kilala mo ba yung crush ko? Yung maikli yung buhok?" Sabi ni Emman.

"Ah! Oo, si Riena yon ('∧ω∧`*) yiieee yun pala crush mo! ikaw haaa hahaha" Sabi ko. Pero deep inside nalulungkot ako, nasasaktan ako huhuhu. Yung pinipilit mong ngumiti para di niya mahalata na nasasaktan ka.

Pagkalipas ng ilang linggo, nakauwi na si Emman sa kanila, i mean sa tunay nilang lugar sa Cabuyao. Kahit nakakalungkot kelangan tanggapin. At alam ko naman na palagi siyang babalik dito.

Lumipas ang dalawang buwang bakasyon, ayun pasukan na ulit gawa dito, gawa doon, sagot dito, sagot doon. Paulit ulit lang yung routine ko sa pag aaral. Pero palagi kong kachat si Emman sa facebook, nagkakamustahan nagkekwentuhan. One time may sinabi siya sakin.

"Kilala mo ba si Marzia? Yung naka youth encounter din natin? Crush ko siya. Di ko nasabi sayo dahil ang kilala mong crush ko ay si Reina." Sabi ni Emman.

"Ah, oo dati ko siyang kaklase nung elementary. Yiieee ikaw ha! Tulungan na ba kita mapalapit sa kanya?" Sabi ko. SYETE ANG SAKIT OMYYYY </3 huhuhu.

A/N: This is a work of non-fiction. This is my own experience. So please enjoy and have some fun reading it. This is my first time to write a story of my own experience. Thankyou!

Dating The Man Who I MetWhere stories live. Discover now