Chapter 46 - Heartache

115 0 0
                                    


Kaye's POV

I want to be with him even though its risky. Gusto kong sumugal kahit na sa huli ay siguradong masasaktan ako. Knowing that he's suffering from darn disease which can't cure by anybody. Gusto kong ilayo sya sa lugar na nagpapaalala sa kanya ng pagiging mafia. Kailangan nya nang baguhin ang sarili nya ayokong mamatay sya sa pakikipaglaban its fucking painful for me.

Nililipad ang nakalugay kong hanggang balikat na buhok habang nakadungaw sa balkonahe. Samo't saring emosyon ang nararamdaman ko ngayon, pain, guilt, somehow happiness and deep sadness. Sinasampal na sakin ng katotohanan na di na sya magtatagal pero eto ako mapilit, pinagsisisiksikan ang sarili. Matindi na ang pagmamahal ko sa kanya at natatakot ako sa mga pwedeng mangyari sa mga susunod pang araw.

Nasa gitna ako ng pag iisip ng maramdaman ang matitipunong bisig na yumakap sa bewang ko mula sa likod ibinaon nya ang baba nya sa balikat ko.

" Mukhang malalim iniisip ng mahal ko ah? Ano kaya iyon?"

Nakaramdam agad ako ng kiliti sa katawan, kakaiba talaga ang epekto nito sakin. Hinawakan ko ang kamay nya at hinimas himas iyon bago bumuntong hininga.

" I can give you my heart, babe" wala sa sarili kong sabi.

" Ofcourse I own your heart." he said without hesitation. Hindi nya naintindihan ang ibig kong sabihin.

" Literally" Mahina kong sagot.

" What?!"

Napapikit ako ng marinig ko ang boses nyang malakas at galit. Kumalas sya sakin at pinihit ako paharap sa kanya.

" Tell me you're joking" seryoso nyang sabi na naghihintay ng sagot ko.

" You know I can risk everything for you" sagot ko habang nakatitig sa kanya

" I know, but you don't have to. Its my job to protect you." he said sincerely.

" Akala ko matatanggap ko, akala ko malakas na ko para harapin ang araw na yun, h-hindi pala" tuloy tuloy na ang agos ng luha ko. Tinakpan ko ng kamay ko ang mukha ko, halos hinahabol ko ang paghinga ko sa bawat paghikbi.

Naramdaman ko nalang na tinanggal nya ang kamay sa mukha ko at lumapat ang malambot nyang labi habang hapit hapit ang bewang ko.

" I will not hesitate to live in my second life, lagi mo akong kasama mahal ko. Lagi kitang gagabayan at kung bibigyan ako ng huling kahiligan iyon ay makasama ka at hayaang mahalin ka." he said between his kisses.

" You're always pointing out second life babe, Hindi yun totoo please don't leave me" humahagugol kong sabi bago sya niyakap.

Napansin kong nahihirapan siyang huminga parang may pinipigilan na kung ano. Napangiwi sya habang sapo ang kanyang dibdib agad kong isinakbit ang kanyang isang braso sa aking balikat at hinawakan sya sa bewang.

" Please relax, inhale exhale" yun ang nasabi ko at pinaupo sya sa pinakamalapit na sofa.

" M-my nebulizer." he said between his ragged breathing.

Agad kong kinuha ang bag nya na naglalaman ng mga gamot at nebulizer. Isinaksak ko ang nebulizer at binigay sa kanya. Nagtungo ako sa kusina at kumuha ng isang basong tubig.

" Ayos kana? May masakit pa sayo? Inom ka kaya ng gamot mo?" balisa kong tanong sa kanya.

" I have this feeling that I'm in near death." yumuko sya at di nakatakas sakin ang luhang pumatak sa mga mata nya.

" Am I too bad para parusahan nya ko ng ganto? Gusto ko pang mabuhay, Gusto pa kitang makasama. But I'm not demanding to him, to prolong my life. Because I'm a devil." lumuluha nyang sambit.

Parang tinutusok yung puso sa mga sinasabi nya. Hindi ko sya kayang makitang ganito, hindi sya masama. Ginagawa nya lang yun para protektahan ang mga mahal nya sa buhay. Hindi sya tunay na masama.

Niyakap ko sya at hinagod ang likod. Hinalikan ko ang ulo at pinunasan ang luha bumasa ng pisngi nya. Tanggap ko na mahal, tanggap ko nang hanggang dito nalang tayo mas gugustuhin ko pang kunin ka nya kaysa nahihirapan ka lang na kasama ako.

"Stop crying babe, its not healthy for your heart. Ssh stop crying I'm here." pagpapatahan ko sa kanya.

Kinagat nya ang pang ibabang labi at itinabi ang nebulizer bago diretsong tumingin sa mga mata ko. He holds my hands before he speak.

" Wag kang maghahanap ng iba, sana ako parin hanggang sa dulo. Sana ako parin kahit wala na ko dito. Am I too selfish if I wish your love will remain until forever.

Tumango ako at hinaplos ang pisngi nya. " There's no forever babe. Lifetime yeah, You're my first and definitely my last and true love."

" Thanks for everything, I love you so much Kaye" he leaned and kiss me gently.

" Sleep love. You need to rest okay?" I said.

Humiga sya sa kama at tumingin sakin. Ang gwapo nya parin, malungkot akong tumingin sa kanya. Namayat man sya ay ganun parin ang awra ng mukha nya. Too cold outside but sweet as his lips inside. I chuckle lightly, pinilig ko ang ulo sa mga kabalbalang naiisip.

Tinapik nya ang space sa tabi nya. " Come on lay beside me" he said.

Tumango ako at agad tumabi sa kanya. Tumagilid sya ng hinga at hinapit ako palapit sa kanya.

" You're so beautiful, Kaye" sabi nya habang hinahawi ang ilang hibla ng buhok na tumatabing sa mukha ko.

Parang may mga paru paro sa tyan ko at mabilis na pagpintig ng puso. Naramdaman ko rin uminit ang pisngi ko kaya nag iba ako ng direksyon ng tingin.

" My baby is blushing, so gorgeous" he said at agad akong hinalikan sa labi.

Dahilan para mapatingin ako sa kanya. Kumikislap ang mata nya. That's desire, aba may sakit na't lahat hahataw pa sa kama.

" Wag mo na ituloy yang binabalak mo, matulog kana" may diin kong sabi.

Natatawa syang nakatitig sakin. " My disease can't be the hindrance from wanting you" he said

" Teka kailan pala tayo uuwi sa pilipinas?" pag iiba ko. Baka saan pa patungo ang usapan na yun

" There's no need." sagot nya habang nakatitig sakin. Enebe beke malusaw na ako nyan.

" Hah? Ano yun? Dito nalang tayo?" tanong ko.

" Mas maganda ang ospital dito, mas gusto ni dad dito ako operahan." tumihaya sya at nakatingin sa kisame.

" Operahan?" pagtatanong ko pero nangingilid na ang luha ko.

" Yeah, I'll risk my last chance"

Kinagat ko ang pang ibaba kong labi para pigilan kumawala ang hikbi na gustong lumabas sakin. Another heartache, hindi ko na alam kung kakayanin ko pa ba ang mga susunod na mangyayari? Sumasakit na ang puso ko sa mga pinagdadaanan nya.

---

ѕcнool мaғιa || STRAY KIDS FANFICTION ( Completed )Where stories live. Discover now