My 11:11 Wish

68 2 0
                                    

11:10 pm.

Yan ang nakalagay sa orasan ko. Isang minuto na lang, 11:11 pm na. Ako nga pala si Jeyra. Isang simpleng babae na naniniwala sa 11:11 wish.

Ginagawa ko ito dahil may wish ako. Wish ko, sana mahalin na rin ako ni Kevin.

11:11 pm.

Nagmamadali akong nagwish habang di pa 11:12 pm. Pinikit ko ang mata ko at sabay sabing:

"SANA MAHALIN NA RIN NIYA AKO"

Yan ang laging winiwish ko. Dinilat ko ang aking mata, at ngumiti.

KINABUKASAN.

Papunta na ako sa school. Late na kasi ako sa first class ko. Halos hinihingal na ako kakatakbo. Nakuu. ~ Patay ako neto.

Nasa hallway nako ng aking eskwelahan ng may bumangga sakin. Napaupo ako dahil sa lakas ng impact.

???: Jeyra, ayos ka lang ba?

Napatingin ako sa taas. Nagulat ako na ang nakabangga sakin ay si...

KEVIN.

Jeyra: Uhh, oo. Ayos lang ako.

Tumayo nako. Inalalayan niya pa nga ako na tumayo at tinulungan na magpagpag.

Kevin: Sorry ah. Late na kasi ako sa first class ko eh. Kaya nagmamadali na din ako.

Jeyra: A-ah. Okay lang. Parehas lang tayong late. *smile* Lagot na nga ako neto. Terror pa man din.

Ang saya ko. Kinakausap ako ni Kevin ulit.

Kevin: Haha. Wag na lang tayo pumunta sa first class natin, tutal late na rin lang tayo. Baka mapagalitan pa tayo. Tara, punta tayo sa canteen.

GOSH! Niyaya niya ako sa canteen!

Jeyra: Uhh. Anong gagawin natin doon?

Kevin: Alam ko, di ka pa nagalmusal?

Jeyra: H-hindi pa nga.

Kevin: My treat. Kain tayo. Di rin ako nakakain ng almusal eh.

Jeyra: Uhh, sige.

*DUG-DUG-DUG*

Hinawakan niya yung kamay ko. At hinila ako papunta sa canteen. Gosh! Sana di na matapos ang araw na ito.

Nang makarating na kami sa canteen, pinaupo niya na ako at tinanong ang gusto ko. Nahihiya ako pero, nagpupumilit siya na libre nga niya. So, no choice. Chuchoosy pa ba ako?

Kevin: Jeyra oh. Nainip ka ba?

Binigay niya sakin yung pagkain na gusto ko.

Jeyra: Hindi ah. Bat naman ako maiinip? Tsaka tayo lang kaya yung tao dito.

Kevin: Haha. Oo nga noh. Pasensya ka na. Di ko kasi ugali na magpahintay ng isang babae eh.

Hinihintay kaya kita na mahalin mo rin ako. Gusto ko sanang sabihin sakanya kaso natatakot ako.

Jeyra: Ah. *smile*

Kumain na lang kami ng tahimik. Nang matapos kami, may mga tinatanong siya sakin.

Kevin: Bakit ka nga pala nalate?

Sasabihin ko ba na lagi kong hinihintay tuwing gabi ang oras na 11:11? Wag na lang. Tapos sasabihin ko na nagwiwish ako kapag pumapatak na ang ganung oras?

My 11:11 wishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon