*Indira’s P.O.V.*
Ang bigat ng paa ko nung sumakay ako sa elevator. Nanlalamig din yung kamay ko.
Nung makarating ako sa floor kung saan naroon ang morgue ng ospital naiyak na talaga ako. Sa sobrang iyak ko ang labo na ng mata ko.
“Congratulation Indira. “ Masayang bati nung nakasalubong ko dinedma ko na lang siya.
Hindi ko alam kung tnga na ba talaga ang mga tao ngayon. Namatay na nga si Mirko panay pa rin ang bati ng mga nakakasalubong ko sakin ng congratulations. Mga hayop kayo kaya ang mamatayan at batiin ko ng congrats. Matutuwa pa kaya kayo? Huhu.
Nung makarating ako sa tapat ng morgue. Hindi ko na napigilang hindi mapaluhod at magiiyak. Huhu.
“Mirko. Huhu. Bakit mo ko iniwan? Mahal na mahal kita. Mirko. “ Sigaw ko sa loob ng morgue. Putek. Alam kong I’m creating a scene here. But I don’t care. Masakit eh.
“Effort lang naman ang hinihingi ko sayo kaya hindi ko tinanggap yung proposal mo last last week eh. “ iyak na iyak kong saad.
“Kahit wag ka ng mageffort ngayon. Papakasalan pa rin kita. Kahit saang pang simbahan kahit kailangan. I don’t care. Basta gusto ko palagi ka lang nasa tabi ko. “ hopeless kong saad.
“Bibigyan kita ng isang basketball or football team na anak bumalik ka lang sakin. Mirko. Please. “ Putek ayaw ng maubos ng luha ko.
“Sino bang iniiyakan mo jan, ha? “ Yung boses na yun. Agad agad akong akong lumingon sa aking likod upang tingnan kung siya yun. Pagharap ko sa nagsalita. It was him.
“I hate you. How can you play jokes like that? “ I hug him then punch him a little. Nakita ko yung mga kaibigan naming dalawa. Lahat may mga ngisi sa kanilang mga mukha.
“I’ll, definitely won’t marry you. “ I said. Ngumisi naman siya at may pinindot sa phone niya.
‘Kahit wag ka ng mageffort ngayon. Papakasalan pa rin kita. Kahit saang pang simbahan kahit kailangan. I don’t care. Basta gusto ko palagi ka lang nasa tabi ko. ‘
‘Bibigyan kita ng isang basketball or football team na anak bumalik ka lang sakin. Mirko. Please. ‘
Nung narinig ko yun nahiya ako bigla. Bwisit naman eh.