First Kiss With Bae

9 0 0
                                    

Anne's POV

Today is February 6. Asdfghjklqejthisuh.

EM SE EKSEYTED!

1st anniversary na namin ni Carl my bae. ♥.♥

Isa pa sa kinae-excite ko ay BAKA mamaya na maganap yung pinakahihintay kong first kiss namin. Ehmegeshhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!! ♥ ♥ ♥ ♥ ♥

Hindi naman sa malandi ako kaya gusto kong magkiss nakami, its just that his lips are so makapal and red. Hindi ko mapigilan ang sarili kong halikan sya minsan pero hindi ko naman sya nahahalikan kasi ang galing nyang umiwas. Asar -.-

One time nga he was drinking milk tapos may natirang milk sa upper lip nya. I tried to control myself but I failed. Linapit ko yung mukha ko sakanya tapos hahalikan kona sana sya kaso bigla nyang binuga yung mabahong hininga nya sa magandang mukha ko. Asar talaga! >.<

Nung isang araw naman he was biting his lower lip tapos hindi ko nanaman nakontrol yung sarili ko kaya bigla kong hinila yung mukha nya tapos hahalikan kona sana sya kaso tinulak nya ako. 

Tapos nung isang araw nakatunganga sya, kinalabit ko sya tapos pagharap nya hahalikan ko sana sya kaso naiurong nya agad yung mukha nya. Sayang! >.<

Ang pinaka grabeng nagawa ko ay yung tumakbo ako papunta sakanya tapos kunwari natisod ako kaya natumba kami kaso nga lang kesa magkiss kami, nag-untugan lang yung noo namin. Nabukulan pa tuloy kami dahil sa kaharutan ko. Mygash.

Ang dami-dami kong ginawa para mahalikan sya pero hindi ako nagtagumpay. How sad naman. :(

--

So kumain lang kami sa labas tapos nag-arcade at ngayon naman ay nasa playground kami ng 10 ng gabi. There's something strange about him the whole date. I think he's nervous or excited. 

Nakatunganga lang kami dito sa swing. Wala man nagsasalita. Ugggghhhh boring. Hindi ito ang ine-expect kong celebration para sa 1st anniversary namin. Badtrip. -.-

"Ahhh late na pala. Sige uwi nako. Wala na rin naman tayong gagawin pa diba?" sabi ko

"H-huh? Uuwi ka na? Sandali lang may sasabihin pa ako sayo" 

"Ano yon?"

"Remember those times when you tried to kiss me?"

"Uhhhmmmm... yes" actually kinuwento ko pa nga lang kanina sa mga readers yung mga yun eh.

"Well the truth is gusto rin kitang halikan sa mga panahong yon. Alam mo ba kung gaano kahirap magpigil? Lalake ako Anne. Iba yung takbo ng utak namin. Everytime na sinusubukan mo akong halikan sobrang nahihirapan ako sa pagpigil sa sarili kong halikan ka din. Everytime I look at your lips i'm always having the urge to kiss you. Gustong-gusto talaga kitang halikan pero hindi ko magawa dahil nirerespeto kita. And I also want our first kiss to be special hindi yung biglaan lang. I want to-----" I shut him up with a kiss

*CHU*

"Ang daldal mo" I said after our kiss. Akala ko matutuwa sya pero kumunot yung noo nya.

"Why did you do that?!" he said. Galit ata sya.

"Bakit?! Sabi mo gusto mo akong halikan diba? Anong kinagagalit mo?!" 

"Ang sabi ko 'gusto KITANG halikan' hindi 'gusto kong halikan mo ako'. Psh. Panira ka naman ng plano eh! Di mo man ako pinatapos sa sasabihin ko!"

"Plano? Anong plano?"

"Wala! Ewan ko sayo! Uwi na nga tayo!" sabi nya tapos nagwalk out sya. Wow ha sya na nga tong hinalikan sya pa tong nagalit.

Ang kapal ng mukha nya. Pasalamat sya mahal ko sya.

"Hoy! San ka pupunta?!" sigaw ko habang sinusundan ko sya

"Uuwi nako. Nasira na yung gabi ko eh. Uwi kana rin. Mag-ingat ka. Labyu." 

"Hoy! Harapin mo nga ako!"

"Ano?!" sabi nya pagkaharap nya sakin.

"Osige kunwari hindi nangyari yung kanina. Kunwari wala pa tayong first kiss. Kunwari hindi ko nasira yung gabi mo."

"Huh? Di ko gets."

"Bobo mo. Bat ba kita naging boyfriend? Ang ibig kong sabihin kalimutan mo nang hinalikan kita kaya halikan mo na ako ngayon"

"Psh. Ayoko nga. Wala na ako sa mood."

"Ahhh ganon? Osige break na tay----HMMMMMM!"

Now he's the one who shut me up with a kiss.

"Ang daldal mo" he said while smiling

"Pshh gaya-gaya ng linya. Walang originality. Halikan kita dyan eh!"

"Bat di mo gawin? Di naman kita pipigilan."

"Ayoko na bukas nalang."

"Ayy ganon? Osige paggising mo bukas labi ko agad ang matitikman mo"

"Nuxxx. Kahit mabaho yung hininga ko hahalikan mo parin ako?"

"Kailan ba bumango yang hininga mo?"

"Suntukan nalang ohh?"

"Hahaha joke lang. Kung mabaho yung hininga mo hindi muna ako magsisipilyo para its a tie."

"Tumigil ka na nga. Kinikilig na ako eh."

"Ako din naman eh" nuxx kinikilig pala ang mga lalake

"I love you bae" I said before I kiss him

"I love you more" he said between our kiss.

***

This story is dedicated to ZEUS. Ayan na oh. Wag mo na nyan akong kukulitin. Labyu. :*

PS: Sorry for the wrong grammar. Maganda lang ako hindi matalino.

MalagungDili :*

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 12, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

First Kiss With BaeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon