Chapter 1: Secret Room

15 2 0
                                    

(A/N: Sorry kung walang prologue, ha? Di kasi ako 'yung type ng author that writes prologues. Paki-intindi na lang po. Thanks! :D)

Chapter 1:

Players gonna play play play play play

My haters gonna hate hate hate hate hate

And I'm just gonna shake shake shake shake shake

I'll shake it off, shake it off~

Matamaan ka sanang babaita ka! :P

Bwiset naman kasi. Tell me, dahil sa pesteng UNITY na 'yan, bumaba ang ranking ko sa klase. Call me GC or anything, concerned lang talaga ako sa future ko.

"Nice one, Nicole!"

"Congrats!"

"Ang talino mo pala e! Congratulations, Astute!"

Psh. Saang banda siya matalino? Sa kalandian? Pwede rin. Gusto pa naman niyang pinapalibutan siya ng mga lalaki! Tsk.

Anong UNITY ang sinasabi ko?

Sa Class 4-A, may UNITY na tinatawag. Our motto? "We are one. Unity." Yep. Halos puro EXO-L kasi ang klase kaya 'yun ang naging motto ng klase. Pero 'yung unity? May two types.

First type ng unity ay sa relationships ng klase. Rule # 1: Ang buong klase ay isang barkada o pamilya. Malakas ang bond ng klase kaya halos magkakapatid na ang turingan namin sa isa't-isa.

Second type; sa schoolwork. Rule # 2: Copying is legal. Pwedeng kumopya. Dapat magpakopya. Bawal ang di magpakopya. Kung di ka kokopya, it's your loss. Kodigo is also allowed. Oh diba, star section pero UNITY naman sa schoolworks?

Kaya sa rankings, parang may mali. Lalo na 'yung ranking ngayong First Grading. Si Nicole, top three? E nangongopya nga 'yun sakin e! Ako naman si tanga, nagpapakopya. Kaysa ako 'yung top three, bumaba ako.

Teka lang, pakilala nga muna ako. Baka kanina pa kayo nagtataka kung sino ako. Salita lang kasi ako ng salita baka di naman nagreregister sa utak niyo.

My name is Anneliese Santiago. I'm fifteen years old, birthday's on March 13. Lucky number ba? Well, parehas lang kami ni Taylor Swift kaya I consider myself pretty lucky. XDDD

"Okay ka lang, Liese?"tanong sakin ni Ericha, bespren ko.

Dahil nga badtrip ako, lumabas 'yung pagka-Devil Woman ko. Yep, impulsive ako pag magalit. Di ko makontrol actions ko, kaya don't ever make me angry. San ko nakuha 'yung DW term? Sa TDG lang naman ni shirlengtearjerky. Basahin niyo 'yun, magandang story! TDG 2 'yung nasa WP pa, tapos published by Summit Books Pop Fiction ang TDG 1. English ver with free bookmark, Php 195.00.

"Okaaay. I get it, just... don't cry, ha? It's not worth it."she patted me on the back tapos pumunta na siya kila Leigh at Hailey.

Yeah... onga. Tama naman si Ericha. The ranking's not worth my tears. Sinasayang ko lang 'yung luha ko if iiyakan ko ang bagay na 'yun.

"Liese! Kain tayo, my treat!"speaking of the devil, here she comes.

Hindi ako naging best actress ng Performing Arts Club ng school for nothing. I faked my smile and answered her na para bang di ako galit sakanya. "No thanks, Nicole. Busog na ako e. Next time na lang."

And I swear, nakita ko siyang nag-eyeroll sakin ng patago. I know, I hate you too, miss. "Okay. Next time na lang. Congrats nga pala, top five!"

Feeling ko uminit lalo 'yung ulo ko sa taong nasa harap ko. "Same to you. Galing ha! Top three?"and umalis na siya. Bobo na lang niya if di niya na-catch 'yung message.

Crazy 4 LettersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon