TCLOAF 1

57 3 1
                                    

THIS COMPLICATED LOVE OF A FANGIRL

Written By: YesIveSeenThisGirl

Copyright© 2014 YesIveSeenThisGirl

All rights reserved. No part of this story may be reproduced and/ or used in any form or by any graphic, electronic or mechanical means without permission in writing from the Author.

(I dont Edit this one so please bare with the typos and grammar errors)

Have you experience the life of a fangirl?

Yung feeling na sobra sobrang effort at pagpapansin ang binigay mo sa kanya?

Yung picture pa lang nya ang nakikita mo sobra na ang Good Vibes mo?

Yung pinagpupuyatan mo sya every night kaka stalk sa social sites nya?

Yung Inspirasyon mo sya sa lahat ng bagay na gagawin mo?

Yung nakikipag gyera kapa sa mga haters para lang maipagtanggol ang Idol mo?

Yung Broken hearted ka kapag  may ibang girl na nalink sa kanya?

Haaaayyy, Ang complicated nga naman ang buhay ng isang fangirl

Pero aminin nyo, sa pagfafangirl nyong yan natuto kayong mangarap at umasa, Diba?

Kung complicated ang fangirl life nyo, Naku! Mas pa sa mas complicated yung sakin kasi.....

Introduction/ TCLOAF 1

Sino bang hindi makaka kilala sa Famous Boyband na "FOREVER"?

At ang Leader nilang si TRISTAN PARK? na mahal na mahal ko? Omaaayyy Pag naririnig ko palang or nasasabi pangalan ni Tristan Loves ko ayyy nakuu Waaahh! Oh my Tristan Oh my Loves ♥

Ayy teka, Di pa nga pala ako nakapag pakilala

I am Charm Lorraine Chua, Ang No. 0 na nagmamahal kay Tristan Park for 5 years! Im his Super and Ultimate fangirl simula pa ng 14 years old ako.

At nandito ako ngayon sa MOA pipila sa ticket ng concert nila. 3:00 am palang at  close pa yung mall of asia nandito na kami. Yes ang ibang mga fans na pipila para sa ticket! Litche lang! Inagahan ko na nga ang pagpunta dito para mauna ako sa pila eh amdami naman pala namin. 7:30 Am, Nagbukas na ang Magaling na mall.. Waaah inaantok na ako! Pero kaya mo yan Charm! For Tristan my loves! ♥ ♥

Kumain na ako ng breakfast dito.. syempre pumipila parin ako baka maunahan pa! Hanggang sa nag lunch na ako... Ano ba naman ito? bat parang feel ko hindi ako umuusog? Parang kanina lang ako dito sa tinatayuan ko ah? Di man lang nag movd forward ganun? Aishh! Patience Charm! Para ito kay Tristan My loves ko <3

At ng ika 142 na ako sa linya biglang sumigaw yung babae sa table kung saan ka bibili ng ticket

"Sold out na po lahat yung ticket! Sorry.. Hindi na po kami pwede mag bigay ng tickets. Pasensya na po.."

0_____0

"WHAAAT?" -Malakas na sigaw ko sa kanya baka mali lang yung pagkarinig ko.

"The tickets for the FOREVER'S BIG CONCERT is Sold out maam. Sorry I hope you understand.." WHAATTT? AS IN... OMAYGAAD! WHAT THE HELL?

"Miss are you serious? Gosh! Boung araw mo akong pinatayo at pina intay dito tapos ubos na yung ticket? As in hindi ako makakapunta sa concert ni Tristan my loves kooo? WAAAAAHHHHHH! Hindi pwede yun miss!"

"Pasensya na po talaga maam. Naubosan na po talaga tayo ng Ticket."

"Eh miss wala bang kahit backstage lang? or kahit siksikan okay lang! Missssss di po pwedeng di ako pupunta... ikamamatay ko po iyoonnn! Please na miss sge naa!" At yung mga kasamahan kong naubusan din ng ticket sumunod din sa eksena.

This Complicated Love Of A FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon