Chapter 49

4.1K 49 2
                                    

"Huwag mo nang masyadong isipin ang nangyari kanina

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Huwag mo nang masyadong isipin ang nangyari kanina. Ibinilin ko na sa mga guard na huwag siyang hayaan na makapasok dito sa Village, kaya wala ka nang dapat na ipag-alala," sabi ni Raymart kay Francine habang nakaupo sila sa kama sa kuwarto nito.

Kalmado na ito at hindi na umiiyak, ngunit bakas pa rin sa kanyang mukha ang kalungkutan.

Nang magdala nang tubig ang maid ay pinainom niya muna ito. "O, uminom ka muna." Sumunod naman ito sa kanya. "Wala kang ibang dapat na gawin ngayon, kundi magpahinga. Don't worry, araw-araw naman kitang bibisitahin dito."

Dahan-dahang tumingin sa kanya si Francine at pilit na ngumiti. "Salamat, Raymart. Ang laki na nang naitulong mo sa 'kin. Wala man lang akong magawa para sa 'yo at puro problema na lang ang ibinibigay ko. You don't have to do this."

"No, gusto ko itong ginagawa ko." Ngumiti rin si Raymart sa kanya. "Hindi ba't sinabi ko naman sa 'yo na hindi kita pababayaan? Magkaibigan tayo, Francine. Wala kang dapat na ipag-alala dahil gusto ko rin naman na nakikita at nakakausap ka araw-araw. Kahit kailan, hindi ka naging problema sa 'kin."

Pagkuwa'y may kinuha si Raymart sa kanyang backpack. "Siya nga pala, may nakalimutan ako. May ibibigay ako sa 'yo." May ipinakita siyang maliit na brown box at binuksan niya iyon. Nakita ni Francine ang isang gray na smart watch. Napansin kasi ni Raymart na nasira ang relo nito nang maglakad ito sa ulanan. "I noticed na sira na 'yong wrist watch mo kaya ibinili kita ng bago."

Nakaramdam ng hiya si Francine. "Ah, Raymart. Hindi mo naman kailangang gawin ito."

"Huwag mong tatanggihan ito, ah. Magagalit ako sa 'yo kapag hindi mo ito tinanggap." Hindi na sumagot si Francine at hinayaan na lamang niya na isuot sa kanya ni Raymart ang relo. "Saan mo ba naman kasi nabili iyong luma mong relo at mukhang hindi waterproof? Sa tyangge ba? Iyong three for twenty pesos?" biro nya.

Bahagyang napatawa si Francine. "Sira ka talaga. Binili ko iyon sa mall."

Natawa rin siya. "Tignan mo, dahil sa relong ito ay napatawa kita. Alam mo bang ilang araw ko nang hindi nakikita 'yang smiling face mo?" Pinisil niya ang kaliwang pisngi nito. "Nawawala tuloy ang kagandahan mo kasi palagi kang nakasimangot."

"Salamat, Raymart ah. Hindi ka na dapat nag-abala pa," nakangiting sabi ni Francine. Kahit papaano ay panandaliang nawala ang lungkot niya sa dibdib.

Pagkuwa'y naaalala ni Francine ang mga pinagsasabi niya kay Miggy. Muntik niya nang nakalimutan na nagsinungaling nga pala siya at nag-imbento ng kuwento tungkol sa relasyon nila ni Raymart.

Bigla siyang nakaramdam ng pagkakonsensya. "Siya nga pala, gusto ko nga palang humingi ng tawad sa 'yo."

"Para saan?"

"Tungkol sa mga pinagsasabi ko kay Miggy. Pasensya ka na kung dinamay pa kita." Bahagya siyang napayuko. "Hindi ko naman gusto na sabihin iyon, Raymart. Nadala lang ako sa nangyari kanina."

"Wala 'yon. Tapos na 'yon. Naiintindihan ko naman kung bakit mo nasabi 'yon."

Hinawakan niya ang pisngi ni Francine at iniharap ang mukha nito sa kanya. Pagkatapos ay tumingin siya nang diretso sa mga mata nito.

"Pero sana nga ay naging totoo na lang iyon. Sana nga ay totoong ako na ang bagong nagpapatibok sa puso mo...," seryoso niyang pagkakasabi. Bumilis ang tibok ng puso ni Francine habang nakatingin sa kanya. "...dahil kung nangyari 'yon, hindi kita pakakawalan. Hindi kita hahayaan na masaktan pa ng lalaking iyon," dugtong ni Raymart.

Hindi nakasagot si Francine sa sinabi niya. Kapwa sila nagkatitigan sa isa't-isa habang nararamdaman ang sarili nilang tibok ng puso.

Kahit masakit, alam na ni Raymart sa kanyang sarili na hindi siya magkakaroon ng pag-asa kay Francine.

Si Miggy pa rin ang mahal nito. Hindi gano'n kadaling magmahal nang iba lalo na't napakatagal nang nagmamahalan ang dalawa. Magiging posible lamang iyon kung magkakaroon ito ng feelings para sa kanya.

Pagkuwa'y tumayo na si Raymart at huminga muna nang malalim bago magsalita, "O sya, magpapaalam na muna ako sa 'yo ah. May pupuntahan pa kasi akong kliyente."

"Ah, s-sige."

Then, nahiyang napakamot siya sa batok. "Iyong relo, parati mong isusuot 'yan ah. Mayroon din kasi ako nyan. Tignan mo, oh." Ipinakita niya ang suot na black smart watch. "Friendship smart watch natin 'yan, so don't lose it."

"Oo, parati kong isusuot ito. Maraming salamat, Raymart."

Pagkuwa'y tuluyan na itong umalis at nagpahinga na si Francine sa kanyang kuwarto.


*****

Sinful Heaven [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon