Chapter 16

47 0 0
                                    

Chapter 16
Ghost revealed. Elementary School Branch.

"PU-PUPUNTA pa ba tayo?" nanginginig na tanong sa akin ni Ospe. Hawak namin ang mga panlinis na gagamitin namin. Papunta na kami ngayon sa Science Prep Room na kailangan namin linisin. Nasa amin na din ang susi para sa room. Ayun nga lang, pare-pareho na kaming natatakot na pumunta dahil na din sa rumor na may multo nga daw sa prep room.

"Grabe naman, Ospe. Kalalaki mong tao, takot ka?" sabi ni Sav dito. Pero halata mo din naman ang takot sa higpit ng pagkakapit nito kay Chia sa braso nito.

"Sige nga, Sav. Pag nakita mo, sapakin mo agad." hamon nito kay Sav. Pinaikutan naman nito ang mga mata nito.

"As if naman na masasapak ko. Multo nga sila, di ba?" sikmat nito kay Ospe.

"Wag na nga kayo magtalo." sita ni Alois dito.

"Oo nga." segunda naman ni Chia.

"Pero kailangan pa ba talaga natin na gawin ngayon? Hindi ba pwedeng bukas na lang? Magagabi na din ohh." pilit pa ni Ospe. Tumingin kami sa Wachwil namin. Four-thirty na din pala ng hapon. Hapon na at mamaya lang ay lulubog na ang araw.

"Pag nagsimula tayo, at least konti na lang bukas. Kailangan na natin matapos ito dahil na din sa malapit na ang school fest ng elementary." sagot ko sa kanila. Ako man ay natatakot na. Pero mahuhuli kasi kami pag di pa namin ginawa ito. Ang sabi kasi sa amin ni Ikaru-sensei, pag hindi namin natapos ang nakasulat sa mga gagawin namin, madadagdagan ang mga gagawin namin. Hahaba ang duration ng punishment namin.

"Simulan na natin tapos kung anong hindi natin magawa, bukas na lang natin ituloy." matapang na sabi naman ni Pharger. Nagtinginan kami dito.

"Hindi ko alam kung dapat bang protektahan si Phar dahil sa boses niyo o proprotektahan tayo ni Phar dahil sa katawan niya." komento ko. Sumimangot naman si Phar.

"Tara na nga." aya ko sa kanila. Naglakad pa kami papunta sa prep room. Nang marating namin ang prep, sabay-sabay pa kaming lumunok. Tumingin ako sa kanilang lahat habang hawak ang susi. "R-ready?" tanong ko. Nagsitanguan naman sila. Pinihit ko naman ang susi at pumasok na. Kinapa ko naman ang gilid at binuksan ang ilaw. Nag-ilaw ang buong lugar. Puno ito ng mga cabinets na may mga flasks, mga chemicals, charts. May mga human anatomies. May mga lababo din at ibang mga gamit na kailangan para sa subject na science.

"Ohh guys, alam niyo na saan banda kayo, ha?" sabi ko sa kanila. Nagsimula na kaming kumilos. Abala sina Chia at Alois sa paglilinis sa mga cabinets. Sina Ospe at Sav naman ang nagwawalis. Kahit si Sav ang nagbubuhat sa mga cabinets at si Ospe naman ang nagwawalis at nagmomop. Si Pharger naman ang bahala sa paglilinis ng mga bintana dahil na din na siya ang pinakamatangkad sa amin. Ako naman ang bahala sa pag-oorranized ng mga nagkalat na gamit.

"Woah." biglang sabi ni Alois. Saglit naman kaming napatigil at napatingin dito. 

"Bakit, Alois?" tanong ni Sav dito habang buhat ang aparador na puno ng mga tools na ginagamit sa pag-eexperiment.

"Wala lang. Nagulat lang ako. Pinatong ko kasi yung flask na may chemicals dito sa gilid ko. Nagtaka lang ako bakit nandito na ulit sa loob." sabi nito at nagkibit balikat lang. Tinuloy naman nito ang paglilinis habang kami naman ay napuno na ng tension. Pero nagbalik kami sa paglilinis na parang walang nangyari.

"Hala!" biglang sabi ni Pharger. Mabilis na tumingin kaming lahat dito. 

"Ohh ano na naman?" tanong ni Ospe. Nakita ko na hinihimas-himas nito ang mga braso. 

"Kasi di ba, nilinis ko na itong parte. Kaso, may dumi na naman. Saka may..."

"May ano?" nanginginig na tanong ni Sav. Dahan-dahan na binaba nito ang parador na tinaas nito.

Wielders Academy. (The Other Side)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon