Sa panahon ngayon halos lahat ng bagay sa mundo ay umiikot sa pera, maliban na lang sa mundo na umiikot sa araw pero sabi sa napanood kong sine na hindi ko naman tinapos may isang bagay daw na hindi nabibili ang pera at yun ang PAGIBIG, Hindi yung pabahay ng gobyerno kung hindi yung nararamdaman mo sa isang taong gustong gusto mo pero kadalasan wala naman talagang pakialam sayo.
Noong July 23, 2010 mga 10:00 ng umaga pumunta ako ng palengke para bumili ng aming uulamin para sa tanghalian, Nakasalubong ako ng matangkad na tao na mukhang holdaper. Binati nya ako, Siya pala ang Ninong kong hindi ko nakakapiling tuwing birthday ko at pasko siguro dahil busy sya tuwing ganoong buwan o talagang likas lang sa kanya ang pagiging kuripot kaya dinaan na lang nya ako sa ngiti.
makalipas ang 34 seconds nakatitig pa rin sya sa akin at nakangiti habang nakalabas ang malalaki at madidilaw nyang mga ngipin, Hinihintay ko na bigyan nya ako ng kahit pamasahe lang pauwi dahil nga ilang taon nya na akong tinataguan, Pero naisip ko na Toothpaste nga parang wala pa siyang pambile e may ibibigay pa kaya siya sa akin? kaya hindi na lang ako umasa na magbabago pa ang bagay na wala na talagang pag asa dahil hindi mo na nga makukuha ang gusto mo mag mumukha ka pang gago. Kaya nag paalam na ako sa kanya at naghanap na lang ng aming uulamin.
Naglakad ako ng naglakad at nakakita nga ako ng tindahan ng mga pagkaing dagat, tumingin ako ng pwedeng ulamin at nakita nga ako ng tindera na kumare ng nanay ko "Hoy! Bili ka na ng hipon Bagong huli sariwa pa" Sabi ng matabang babae habang nakangisi sa akin. Bumili ako ng Isang kilong hipon dahil wala na talaga akong maisip na uulamin namin at ramdam ko na rin ang unti unting pagbilok ng aking tiyan at bahong baho na rin ako sa lugar na iyon kaya pagkatapos kong bumili ay mabilis na akong umuwi para maluto na ang aming uulamin.
-----
Paguwi sa bahay pinahugas sa akin ng nanay ko yung hipon na binili ko, Noong una ayaw ko talagang hugasan yon dahil bukod sa pagod na nga ako galing sa palengke ay nadidiri din akong hawakan yung hipon, pero habnag hawak ko yung plastic ay nakita ko yung medyo kakaibang hipon, maliit siya, mabaho, at parang masarap alagaan kaya ibinukod ko sya at nilagay sa hindi na ginagamit na tabo at inilagay sa ilalim ng kama ko.
Pagkatapos kong maghugas ng mga ibang hipon ay ibinigay ko na yon sa nanay ko para lutuin na nya at pumunta na ako sa aking kwarto para tingnan ang kakaibang hipon na iyon nakita ko sa mga mata ng hipon na yon ang pagkalungkot, marahil siguro dahil alam na nya na lulutuin na ang kanyang mga kaibigan at wala syang magagawa upang silay matulungan, Noong mga panahong iyon nakaramdam ng awa ang aking damdamin ramdam ko na rin na lumalakas na ang pagbilok ng aking tyan.
Nilibang ko na lang sya para naman sumaya sya kahit wala na siyang kasama at para hindi ko na rin muna maalala na gutom na gutom na talaga ako. kiniliti ko sya at nakita ko sa mga mata nya na parang nagagalak sya sa mga nangyayari, nakipag karera ako sa kanya gamit ang aking isang daliri at kahit alam kong natatanga na ako ay nag eenjoy pa rin ako sa mga nangyayari sabi nga nila hanggat masaya ka sa ginagawa mo walang mali don basta wag ka lang lalabis, Pero sabi lang nila yon hindi ko pa sure kung tunay nga.
Makalipas ang 43 minutes and 35 seconds na pakikipaglaro sa isang hipon ay tinawag na ako ng nanay ko para kumain na ng aming tanghalian. bago ko itago ang hipon na yon ay binigyan ko muna sya ng pangalan at iyon ay Haydee dahil kapangalan yon nang kaklase kong mukang hipon. Habang kumakain kame ng niluto ng nanay ko na ulam ay unti unti nanaman akong nakaramdam ng awa sa tuwing nakikita ko ang mga patay na hipon na kinakain ng mga kapatid at mga magulang ko. Habang tinititigan ko naman ang mga hipon sa plato ko ay parang hindi ko sila kayang kainin, iniisip ko na paano kung isa si Haydee sa mga hipon na kinakain namin ngayon?
Kaya sinabi ko na lang sa nanay ko na parang ayaw ko ng hipon ngayon at pinagprito nya ako ng isang itlog para yun na lang daw yung ulamin ko. Pero pag tingin ko sa mga sahog ay wala na pala kaming asin at patis tapos nailagay ko na yung itlog sa kawali, naluto ang itlog na walang nakalagay kahit kapiranggot man lamang na asin. Iniulam ko pa rin ito, habang kumakain ay sukang suka na ako sa pagkain ko ng itlog na walang kalasa lasa. Pero tiniis ko pa rin yon sa ngalan ng hipon.
Pagkatapos kong kumain ay agad agad kong pinuntahan sa Haydee at naglaro ulit kami, napakasaya talaga ng nararamdaman ko tuwing naglalaro kami ng hipong iyon. kaya araw araw tuwing umuuwi ako galing school ay mabilis akong nagbibihis at nilalaro ulit ang hipon kong si haydee, Pero sa pagdaan din nang mga araw ay parang unti unti na syang nanghihina, marahil ay dahil hindi ko nga naman sya pinapakain at nanlalambot na ito, ipinag tanong ko sa kaklase kong mukhang hipon kung ano bang pagkain ng isang hipon pero hindi nya alam at nag joke pa sya na bakit inaalam mo pa yung pagkain ng hipon e yung hipon nga yung kinakain natin sabay tawa sa sarili nyang linya, Noong mga panahong iyon gusto ko syang duraan.
-----
July 28, 2010 habang nasa school ako naalala ko na naiwan ko palang bukas yung pinto ng kwarto ko kung saan nakalagay si Haydee, Alalang alala ako dahil baka makita iyon ng kapatid o magulang ko at mapagkamalan nilang basura at pagkatapos ay itapon nila. E paano yun hanggang 5:00 pa yung klase namin e 11:00 pa lang ng umaga? Noong mga panahong iyon hindi ko na alam ang aking gagawin at inis na inis na rin ako sa sarili ko.
At lumipas nga ang ilang oras at labasan na namin, Madali akong sumakay sa tricycle na kalawangin na at parang hindi na magtatagal at mawawarak na para tingnan ang kalagayan ni haydee at pag pasok ko sa kwarto ay nakita ko ang naka tumbang tabo, dahan dahan akong lumapit dito habang bumubulong na sana ayos lang si haydee, Pero pag kita ko sa tabo ay wala na itong laman at wala na rin si Haydee. Tinanong ko agad sa Nanay ko kung nasan yung laman ng tabo at sabi nya hindi nya daw alam pero nakita daw nya kanina yung kapatid ko na pumasok sa kwarto ko at may dalang hipon at ipinakain daw sa pusa namin.
Hinanap ko yung kapatid ko at tinanong ko siya. sabi nya oo daw pinakain nya daw dun sa pusa namin, Noong narinig ko yon tumulo ang luha ko, ibinunton ko ang sisi sa kapatid ko dahil ayoko ng dahilan para magalit ako kay LORD. Pinahiran ko ng kulangot ang kapatid ko para kahit sa munting paraan ay maramdaman nya ang kahalagahan ni haydee na ipinakain nya lamang sa pusa namin.
Ilang araw din akong nagluksa sa pagkawala ng alaga kong si Haydee. Hindi ako pumasok ng isang araw at nagkulong ako sa kwarto habang nakahiga at nagtatanggal ng muta. naging masakit para sa akin ang pag tanggap na wala na talaga si Haydee pero ganoon talaga ang buhay, Inisip ko na lang na Minsan may nawawala talaga na mahalaga dahil may papalit na mas maganda.
Namatay si Haydee na hindi ko man lamang nasasabi sa kanya kung gaano sya kahalaga sa akin, Pero syempre hindi ko naman talaga gagawin yon kasi hindi naman nag sasalita ang hipon pero kahit ganoon kung nasaan man sya ngayon ang ala ala nya sa isip ko ay parang Promo sa isang network UNLIMITED. (Bukas Expire na)
------
Salamat sa Pagbasa sa walang katorya toryang istorya :D