Nagkita tayo kanina sa ospital. Grabe halos mamatay ako sa sobrang pagkaguilty, narinig ko kasi na tinatung mo yung nurse kung nakita ba nila yung diary mo. Haluuuuh! Ganun talaga siguro kaimportante sayo nito no? Oooooi... plano ko na ngang isauli sayo kaso... eh kasi naman! Nakakatakot ka talaga! Mukha kang masungit, hindi ka ngumingiti tas ang sama mo pa tumingin! Mas matangos pa nga yung nguso mo kesa sa ilong mong pango eh! Pinagbintangan mo pa nga ata si nurse Karen. Hays.... kung pwde lang sabihin sayo na nasa akin yung diary pero wala na akong planong ibalik.
Alam mo ba...ahmm... nagulat ako nung nagsalita ka. Promise! Nagstartle ako nung tinawag mo ako kanina sa hallway.(kung alam mo man ibig sabihin niyan.. kung hindi hanapin mo nalang sa dictionary! :D) Eh kasi naman! Ang laki ng boses mo! Pang lalaki! Nakaka ewan! Kaya napataas yung kilay ko nung magkausap tayo. Paano mo nagagawa yun?? I mean, kasi yung ibang mga lesbo kasi ang feminine pa din ng boses kahit mukhang tapos ikaw, hindi ka naman ganun ka-mukhang lalaki tapos pang bakulaw yung boses mo! Lol!
Ang shunga ever mo pa kasi nakalimutan mong magpagawa kay Doc Winston ng medical certificate mo! Palagay mo naman pupwdeng ako ang mag issue sayo?? Swerte mo! Edi napagalitan ako? Sungit mo pa ikaw na nga yung ulyanin! Hmp! Kaasar ka! Ipagulpi kaya kita kay Sungjae oppa ko! Che! Pangit mo! Sa pangalan ka lang cute!
9:27pm@******* ******* hospital
BINABASA MO ANG
Ang Nakapulot ng Diary ni Jae
RomanceWala lang. Kaartehan lang... Sequel po ng Misadventures of a Hopeless Romantic.. Again, no homophobics allowed!