Rerimda ( short story )

147 9 1
  • Dedicated kay Chriztine Naej Aguillar Bernalte
                                    

Dedicated to christine :* ang unang bumoto sa story na to... salamat ng marame sayo!! napakasaya ko na dun sa vote mo ^^ :D

@anjgiana21 thanks sa picture nasa taas :D :D siya gumawa niyaan :D <3

—————————————————————————————————————————————————————————-

.. " Bakit Ko ipagsisiksikan ang sarili ko sa taong ayaw sakin.."

" B-bakit?" halos lumabas na ang uhog niya kakaiyak habang tinatanong sakin ang salitang bakit.

" O-ok naman tayo dito ah." Sabi niya habang pumapagitna sa bawat singhot niya sa bawat salitang binibitawan niya. naiiyak na rin ako kaya yinakap ko na siya.

" A-ayoko D-din n-naman u-u-umalis E-eh. k-kaso si M-mama, waaahh" Halos magwala na ako sa kakangawa dahil ayoko talaga umalis, di ko na masabi ng tuluyan sa kanya ang dahilan dahil inuunahan ako ng pag-iyak ko, nauubo na rin ako kakaiyak.

" Anak. tara na aalis na tayo." lumapit sakin si mama at hinimas ang likod ko .. umupo siya para mapantayan ako at hinawakan sa magkabilang balikat. yinakap ko bigla si mama at dun umiyak ng umiyak. paulit-ulit akong nagsasabi na ayoko umalis , dahil gusto ko dito pero si mama hinihimas lang ang likod ko at pilit na pinapatahan niya ko.

" Shhhh... tahan na baby. hindi kasi talaga pwede tayo tumira dito dahil malayo sa trabahuan ni papa"

" P-Paano si Kyo??" Tumayo naman si mama at lumapit kay kyo, pinatahan niya muna ito at kinausap, tumahan na rin si kyo at lumapit sakin.

" Magkikita pa tayo , wag ka mag-alala" ngumiti siya sakin at tinaas niya ang maliit na nakakuyom niyang kamay at nilawit niya yung hinliliit niya. Nagtataka naman akong tinignan yon habang nagpupunas ng luha ko.

" Sabi ni tita, pag daw nag ganto tayo, ibig sabihin siguradong sigurado ang bibitawan nating pangako. at tutuparin talaga yon." kinuha niya yung isang kamay ko at kinapit ang hinlilit ko sa hinlilit niya.

" Ayan. Sigurado na ang pangako ko sayo." pagkangiti niya sakin ,napangiti na rin ako

"Promise?" paninigurado ko.

" Promise."

nakaramdam ako ng gaan sa loob ko nang marinig ko ang mga katagang yun sa kanya.

Magkikita pa ulit kami.

Balang araw.

———————————————————————————————-


November 25, 2014


Rerimda (fin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon