Chapter 11

41 3 0
                                    

Aurhors note: Since chapter 11 na, ilalagay ko yung Point of View ni Venus para malaman natin ang panig nya.

---------------------------------------------------------

Nasa klase ako ngayon ng 1st period kung saan kaklase ko si Mark na bago kong bestfriend. Oo bago, ewan ko ba pero kailangan ko ng bagong bestfriend ngayon. Hindi ko nga alam kung anong biglang pumasok sa utak ko pero nagising nalang ako isang araw na tinopak ako, ayaw ko muna pansinin sa Akachhi for no particular reason. I just felt like ignoring him, hindi lang sa kanya, pati din dun sa iba kong kaibigan. Kung kakausapin lang ako ni Akacchi, siguradong magagalit sya sakin. Kasi wala akong matinong maidadahilan kung bakit ko sya iniiwasan. Kaya nga hindi ko sya kinakausap eh.

Nakaupo ako ngayon sa arm chair ko nang lumingon ako sa likod ko at may napansin bigla. Nanlaki ang aking mata sa aking nakita. Isa itong sticky note na may nakasulat na 'HI VENUS:-)' naka-caps lock talaga sya at may smiley pa sa huli. Buti na lang hindi ito masyadong pinansin nung mga kaklase ko. Tumingin lang sila sakin na may hindi maintindihan na face expression, at mukhang nagtatanong ng "what's that?"

Hindi ko naman agad tinanggal yung note kasi nakakahiya.

Tinatanong ko naman yung iba kung sino yung naglagay note at ang sagot lang nila, "ewan, pagdating namin nandyan na yan eh." Baka naman ibang Venus yung tinutukoy nya. Paglabas namin ng room, kunwari hindi ko nakita yung note. Baka kasi jandun lang sya paglabas. Hindi ko naman sya nakita kasi madami ang nag-aabang para sa susunod na klase. Ayoko na nga alamin kung sino yun. Para kasing ang pangit tingnan kung ako pa ang mag-eefort para malaman kung sino yun.

Sunod na meeting ng parehon klase ay may nakita nanaman akong note at iba na ang nakasulat at dun na nakalagay sa likod ng nasa unahan ko. Ibig sabihin, ako talaga ang tinutukoy nya. 'Venus kumusta ka na?' "Siguro kakilala ko 'to!"

Nacu-curious na ako kung sino talaga yun. Ipinakuha ko yung note kay Mark pagkatapos ng klase. Balak kong pag-aralan yung penmanship, baka mahulaan ko ng ako lang mag-isa.

"Venus ha, curiosity kills a cat," sabi ni Mark sabay tawa.

"Gusto ko lang malaman kung sino yun," sagot ko sa kanya.

"Curiosity yun di ba," pang aasar nya.

"Ngek, hindi naman ako pusa," tapos nagtawanan kami.

"Sasamahan kita kung gusto mong malaman kung sino yun," tapos binigay nya na sakin yung note.

Kasama ko ngayon sina bebe Den sa batibot at tinitingnan kung pamilyar yung pagkakasulat ng note. Hinihingi ko na nga ang opinyon nila para malaman ko na kung sino talaga. Baka naman kaklase ko lang sya kanina hindi ko lang agad naisip.

"Ang curious mo naman bebe," sabi sakin ni bebe Den.

"Gusto ko nga makilala kung sino yun," sagot ko sa sinabi nya.

"Hindi mo ba alam na curiosity kills a cat?" dagdg nya pa.

"Tulad ng sinabi ko kay Mark, hindi naman ako pusa tsaka hindi naman ako mamamatay kung gusto kong malaman," paliwanag ko.

Tapos bumalik na ako sa aking ginagawa. Hindi ko talaga mahulaan kung kaninong sulat ito. Ayaw nyang malaman ko kung sino. Pero hindi ako titigil hanggat hindi ko nalalaman yung naglalagay ng note pag umaga.

Tinawagan ko si Mark para humingi ng tulong. Kasi nag-offer na din naman sya ng tulong eh. Mukha kasing hindi ko sya mahuhuli ng mag-isa.

Nagiisip ako ng plano kung paano ko gagawin ang aking binabalak. Bigla namang dumating si Mark na aking tinawagan para magpatulong.

"Akala ko hinulaan mo yung penmanship," agad nyang sabi sa akin.

"Hindi ko nga mahulaan."

"Sige tutulungan kita gusto ko din malaman eh."

"May plano ka ba?"

"Ikaw dapat ang mag-isip dahil ikaw ang nanghuhuli," sabi nya.

Kaya nag-isip ako ng plano. Alam ko na, papasok nalang ako ng maaga tapos hindi agad ako papasok.

Kaya naman yun ang ginawa ko. Pumasok ako ng maaga at hindi agad pumasok. Pero wala pang pumapasok pagkatapos ng 30 minutes. Kaya naman pumasok na ako agad. Nakita ko yung note na iba parin ang nakasulat. Ibig sabihin, hinihintay nya na matapos yung klase sa gabi at saka ipopost yung sticky note.

Gustong malaman kung sino yun. Kasi naaapreciate ko yung effort nya na hintayin ang klase sa 8:00 ng gabi. Gusto ko syang makilala at mapasalamatan.

Kaya naman pupunta ako dun ng gabi, iintayin yung klase at saka babantayan kung sino ang papasok. At yun nga ang ginawa ko kahit 7:00 ng gabi ay tapos na ang klase ko. Nakita ko naman si Akacchi na nag-aantay din. Inaabangan nyang matapos yung klase ni Mark. Nakakainip talaga maghintay ng isang oras, kaya naman umupo ako dun sa may hagdan kung saan madilim at wala akong kasama. At pumatak na nga ang 8:00. Naglabasan na yung mga tao sa room pero wala parin pumapasok. Nagtago ako sa mas madilim kung saan walang makakakita sakin pero makikita ko parin pag may papasok sa loob. Lumabas na yung klase sa katabing classroom at nakababa na lahat nang may nakita akong dalawang lalaki na pumasok. Hindi ko makita kung sino yun kasi madilim sa labas kaya lumapit na ako para tingnan ng mabuti. Tumingin ako sa bintana at nagulat sa aking nakita. "Sya pala yun!"

---------------------------------------------------------

Guys don't foget to VOTE...:-)

Bakit Bawal ang Alien sa VENUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon