Chapter 12

36 3 0
                                    

Guys balik tayo sa POV ni akacchi...

---------------------------------------------------------

Dahil nga nakita kong magkasama sina Mark at Venus, may naisip ako bigla. Magpapatulong ako kay Mark para iparating kay Venus ang gusto kong sabihin sa kanya since wala na naman kaming communication.

Balak kong maglagay ng sticky note sa classroom ni Venus para mabasa nya ito sa umaga. Syempre sa gabi ko yun gagawin. Nakakatamad kayang gumising ng maaga para lang ipost yung note nang walang makakakita.

At mamayang gabi ko yun gagawin kaya naman kinausap ko na si Mark. Pumayag naman sya sa plano ko.

Inintay ko nung gabi na matapos yung klase ni Mark at saka ko ito idinikit. Hindi ko iyon pinuntahan kinabukasan kasi baka makahalata si Venus. Parang masaya namang gawin kaya inulit ko na iba naman ang nakasulat. Kapag nasa loob kami ng room, nakikiramdam ako sa labas kasi baka may makakita.

Pagkatapos ko naman ilagay yung note, napapaisip agad ako. Ano kayang reaction ni Venus kapag nakikita nya yung note ko? Kaya naman inagahan ko agad ang pasok ko para makita ang reaction sa mukha ni Venus. Maaga din syang pumasok siguro para mahuli nya ako, pero kagabi pa yung note kaya hindi nya malalaman. Sumilip ako sa loob pagkatapos ni Venus pumasok. Wala syang reaction tapos kinuha nya yung note para siguro pag-aralan yung sulat. Buti na lang nagpasulat ako kay Joven just in case pero naisip nya din naman pala yun.

Mukhang kailangan ko nang mag-ingat. Baka bukas o makalawa nahuli na ako ni Venus.

Pero hindi naman ata masama kung malaman nya di ba? Maganda pa nga sana yun, para naman malaman nya na nag-eefort ako para sa kanya. Pero malay natin, maapreciate pala nya yung ginagawa ko at magpasalamat, sana. Sana sa ginagawa kong ito ay mawala na yung galit nya sakin, kung totoong meron nga.

Tsaka masama sa loob ko na hindi ko manlang yung tao na gusto kong kasama. Siguro may mali din ako, dahil hinayaan ko lang sya na lumayo.

Kaya ngayon gagawin ko na, ang bagay na dati ko pa sana ginawa. Ang mapalapit ulit sa kanya at mabalik ang friendship namin. Kahit yun lang wala na akong iba pang gugustuhin kundi yun lang.

Kinabukasan, hinintay ko nanaman lumabas si Mark. Habang naghihintay, ginawa ko na yung note. Ano kaya ang magandang ilagay? Alam ko na! Tapos ako na lang ang nagsulat kasi hindi ko makita si Joven kahit saan.

Natapos ko na yung lettering at yung design nung kasabay ding natapos yung klase nina Mark kaya pumasok na kami.

Nag-iisip pa kami kung saan ididikit yung note nang may narinig akong naglalakad sa labas. Nagtago kami ni Mark sa likod ng table ng prof. Sinilip ko kung sino. Patay! Si Venus pala, at nakasilp ngayon sa bintana. Agad kaming lumabas sa isa pang pinto bago pa sya pumasok. Buti na lang at hindi kami nakita. Nasa akin pa yung note.

Nagtago kami sa kabilang room at hinintay na lumabas si Venus. Saka na lang namin ididikt ulit yung note kapag nawala na sya.

Mga 5 minutes din ata sya sa loob bago umalis. Sinigurado muna namin na wala na talaga sya bago kami pumasok ulit sa loob.

Pagkatapos kong idikit yung note, biglang may kumalampag sa labas. Nagtago ulit kami ni Mark tapos tiningnan ko kung sino. Wala tao sa labas, lumabas ako. Wala talaga, nakakapagtaka naman.

"Tol anong oras na?" tanong sa akin ni Mark.

"Malapit nang mag 10:00," sagot ko sa kanya.

"Kapag 10:00 na ng gabi daw ay may lumalabas dito," sabi ni Mark na nakakapit sa polo ko.

"Tol, hindi yan totoo," sabay tanggal ko sa kamay nya.

Biglang may sumutsot sa baba kaya sumigaw ako, "sutsot pa tol!"

Tapos hindi na tumigil yung pagsutsot.

"Tol tara na, kabado na ako sa sutsot na yan eh," sabi ni Mark tapos bumaba na kami.

"Utoy, bakit nandito pa kayo?" sabi nung guard na nagsasara ng pinto.

"Sir, may ginawa lang po," tapos lumabas na kami kasabay yung guard.

Yung guard lang pala yung nasutsot. Si Mark naman, masyadong matatakutin. Hindi talaga totoo yung sabi-sabi na may multo dito sa school. Baka naman totoo nga, hindi lang sa amin nagpakita.

Maaga akong pumasok ngayon. Habang naglalakad ako papunta sa building, nakasalubong ko si Venus. Nagkatinginan kami tapos ngumiti sya. Ngumiti din ako pero deep inside, kinabahan ako bigla. Ano kayang nakain ni Venus at ngumiti pa sa akin?

Tapos nung kumakain kami ni Mark sa canteen, bigla sya tumabi sakin. Tumingin ako sa kanya, bigla ulit akong kinabahan.

"Hi Venus," shete, yun lang nasabi ko sa kanya!

"Hey," sagot nya.

"Ang tagal mong hindi nagparamdam ah," buti naman at naisip ko agad magsimula ng conversation.

"Oo nga eh," tipid nyang sagot.

"Bakit?" tanong ko.

"SECRET,"sabay killer smile.

Oh my gosh! Kinkig ako dun sa killer smile nya! Lumingon ako kay Mark tapos natawa lang sya sakin. Binalik ko yung tingin ko kay Venus sabay ngiti.

"Sige guys, mamaya ulit. May klase pa ako eh," paalam nya samin tapos umalis na.

"Tol," sabi ko kay Mark.

"Bajit?"

"Wala, anong gagawin ko ngayon?" tanong ko kay Mark.

"Ehdi magpaparty sa bahay nyo," sagot nya na parang nawiwiduhan sa tanong.

"Sige, libre na lang kita sa Mcdo," tapos tumawa ng malakas si Mark.

"Oo nga pala yung note, itutuloy pa ba natin?" tanong nya sakin.

"Sige tol, last na lang mamayang gabi," sagot ko.

Kaya yun nanaman ang ginawa namin nung gabi. Pagkatapos idikit yung note, biglang bumukas yung pinto at nagulat ako nung nakit kung sino.

---------------------------------------------------------

Guys, if you like my story, please recommend it. Haha, thanks!

And dont forget to VOTE!!!

Bakit Bawal ang Alien sa VENUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon