POV ni Venus...
---------------------------------------------------------
Walang tao sa loob ng room. Pero bakit ganun, may nakita naman akong pumasok kanina? Pumasok ako sa loob para siguraduhin. Wala talagang tao. Siguro nagtago lang sa agad sa labas nung nakit ako.
Lumabas ako at bumaba sa 3rd floor para pumasok sila ulit sa room. Umakyat ulit ako at sumilip sa bintana. Mas nagulat ako ngayon sa aking nakita. Si Akacchi ang nagdidikit tapos nasa likod si Mark.
Oh my gosh! Si Akacchi pala ang may pasimuno nung note na yun. At kasabwat pa si Mark!
Bigla ko naman nasipa yung trashcan sa pagmamadaling bumaba. Lalo tuloy ako nagmadali. Ayoko munang magpakita sa kanila, hindi ngayon.
Sa totoo lang, naapreciate ko ng sobra yung ginagawa nya. Sa simple nya ginagawa na yan, napapaisip ako kung sino sya. Naaapreciate ko yung effort nya na magpaiwan dito ng gabi para lang maidikit ito ng hindi ko nalalaman.
Naisip ko naman na pansinin na si Akacchi bukas. Naghirap sya ng ganun kaya napatunayan nya na deserve nya ito.
Una naming pagkikita kinabukasan, nginitian ko sya. Matagal ko na din tong hindi ginagawa kaya namiss ko. Ako yung may mali pero sya yung nag-eefort. Maswerte pala talaga ako sa bestfriend ko tulad ng sinabi sakin ni bebe Den.
Sunod naman ay tinabihan ko sya nung nakit ko sa canteen. Bakit ganun? Parang ang awkward ng pakiramdam at napatingin ako sa relo ko. Malapit na pala yung klase ko, kaya ako ay nagpaalam na.
Magdikit kaya mamayang gabi sina Akacchi ng note? Siguro, titingnan ko mamaya.
Nakita kong pumasok sila sa room kaya pumasok na din ako.
Naabutan kong nagdidikit si Akacchi at nagulat nung makita ako. Ngumiti lang ako tapos tuloy-tuloy ako palapit sa kanya.
Nakangiti lang din sya sakin sabay sabi ng, "hi Venus. Pupunta kami sa Mcdo, sama ka?"
Ngumiti din ako sabay sabi ng, "Sure, kaninong libre?"
Sabi nya sya daw. Tapos naglakad na kami papunta sa Mcdo.
Habang naglalakad, nagtataka ako sa sarili ko kung bakit hindi ko nasabi na salamat sa effort nya para maidikit yung mga note. Kaya naman binanggit ko na sa kanya.
"Thank you nga pala."
"Para saan?" tanong nya sakin.
"Sa mga dinidikit mong notes,"
"Ah ganun ba, akala ko nga magagalit ka sa akin eh," sagot nya.
"Bakit naman ako magagalit?"
"Naisip ko kasing baka naiinis ka."
"Hindi noh, natutuwa nga ako eh," totoo naman na natuwa ako dun sa ginawa nya.
Natapos yung usapan namin nung nasa may main door na kami. Tinanong nya kung anong gusto ko.
"Ill have burger ang mcfloat," sagot ko sa kanya.
Tapos pumunta na sila ni Mark sa counter para umorder at ako naman ay pumunta na sa table.
Dumating sina Mark at Akacchi na dala yung 3 order nung order ko. Pareho lang pala kaming lahat ng gusto.
"Thanks ulit," sabi ko.
"Oh, bakit nanaman?"
"Kasi sinama mo ako sa Mcdo," sagot ko.
"Sure! Anything for my bestfriend," tapos kumain na kami.
Inihatid nya ako nung nag-uwian na kami. Habang nasa daan, nakahawak ako sa kamay nya. Pero wala naman malisya, parang friendly holding hands lang. Tapos nagkekwentuhan kami ng kung anong maisip na topic. For instance, studies, highschool life at saka other friends.
Nakarating kami sa dorm pero hindi nya binibitawan yung kamay ko. Hindi rin sya nagsasalita o kumikibo. Para samin, sobrang awkward moment yun. Parang anytime, pwedeng sumabog yung isa samin sa sobrang awkward ng paligid.
"Hey Akacchi, thanks ha," ang naisip kong sabihin para mabasag ang katahimikan.
"Para saan nanaman?" tanong nya.
"Sa paglibre sakin sa Mcdo," sagot ko.
"Sure, anything for my bestfriend," sabi nya.
"Sige, gabi na. Madilim sa dadaanan mo," pagpapaalam ko.
"Ok bye," tapos umalis na sya.
Ngayon ko lang ulit narealize na masaya nga palang kasama si Akacchi. Bakit kasi hindi ko sya pinansin noon, di sana lagi akong masayang kasama sya.
Nagpatugtog ako ng pampa-antok at ang nag-play ay 'Dont Stop by 5SoS. Pakiramdam ko bumabagay yung kanta sa nangyari kanina. Napasaya talaga ako dun sa ginawa nya kanina, I never wanted him to stop what he's doing. Because he knows that I like it.
Naisip kong itext sya, "Gudeve, tnx ulet!"
"Seriously, pailang pagpapasalamat mo na yan?" reply nya.
"Ewan, hindi ko nabilang eh. Nabilang mo ba?" tanong ko.
"Hindi nga din," sagot nya.
"Hayaan mo, bukas salamat na ang sasabihin ko," tapos napatawa sya.
Magdamag kaming magkatext at sari-sari ang mga pinag-uusapan namin. Kung ano lang ang maisip namin na topic ay yun na. Para nga kaming mga baliw. Pero ok lang, masaya naman.
--------------------------------------------------------
Guys, VOTE VOTE VOTE for this chapter.
BINABASA MO ANG
Bakit Bawal ang Alien sa VENUS
Подростковая литератураDito malalaman kung bakit walang alien na tumitira sa venus.