Kabanata 13

360 14 1
                                    

-Editted-

Kabanata 13

I love you

Lahat kami'y nasa labas habang hinihintay ang papalapit na sasakyan na tumigil sa aming harap. My attention was fixed at the wheel. I can't even looked at the windows na kung saan man siya naroroon.

I don't know why... Pero hindi talaga mawala sa akin ang kaba. He said, he doesn't want to keep our relationship secretly. Kung may magtatanong daw ay agad siyang sasagot na talaga namang nag-papakaba sa akin ng husto.

I hope they will not ask David. Dahil kung hindi. Lintek lang.

Bahagya akong napaatras nang tuluyan itong huminto sa'ming harap. Agad na dumiretso si Joe sa likod ng sasakyan upang kunin ang mga gamit. Sumunod naman si Queen. Hindi ko alam kung ganun din ba ang gagawin ko pero sa huli'y sumunod na din ako.

Bahagya pa akong napa-atras nang sa pagdaan ko sa likuran ay siya ding pag-baba ni David. His eyes look so serious while he's looking at me intently. Bahagya akong ngumiti at agad na nilampasan siya para tumungo sa likod.

Sa isang pasadang iyon ay agad kong na-memorya ang kaniyang mukha. Pakiramdam ko'y ito ang kauna-unahang beses na nakita ko siya.

Ilang buwan lamang ang lumipas pero pakiramdam ko'y taon iyon ayon sa nakita kong itsura niya ngayon.

Medyo mahaba-haba ang buhok niya nung huli naming tawagan, at iyon ay kagabi lamang kung saan umaga sa kanila. And I didn't even think na ganun kabilis din siyang magpapagupit.

Nakipag-batian siya sa mga tao doon including my family. Napapangiti naman ako habang pinag-mamasdan siyang makipag-kamay sa kay Nanay at Kevin.

He even smiled widely na para bang may matagumpay siyang nagawa. Napapailing na lang ako doon.

Kasunod na bumaba sa sasakyan ay si Kenjik. Nagagalak naman akong makita siyang muli. I remember when I asked David. P'wede namang simpleng yes na reply o ano just to confirmed na kasama nga niya si Kenjik ay kung anu-ano pang pinagsasasabi.

"Kristine!" bati nito sa'kin na ikinagulat ko.

Nasa bandang likod kasi ako ni Queen. At kung titingin man siya sa gawi nami'y paniguradong si Queen ang una niyang mapapansin ngunit kataka-takang ako ang una niyang binati!

He walks toward me. Ramdam ko ang mga mata ni David na masamang nakatingin sa kay Kenjik. Ngunit mukhang walang nararamdaman si Kenjik dahil dire-diretso ito sa'kin. Nagawa pang lampasan ang nananabik sa kaniyang si Queen.

Gulat kong sinalubong ang matalim na tingin ni David nang yakapin ako ni Kenjik. Isang tapik lang sa likod ang iginawad ko pabalik dahil sa gulat.

Halos mapa-atras ako nang mag-lakad siya paunta sa gawi ko. Una niya munang binati sina Joe. Mabuti na lang at nakikipag-batian si Kenjik sa iba.

May tumikhim sa gilid ko. Wala sa sarili akong napalingon kay David ngayon ay seryoso at matalim ang tingin.

I tried to stop my feeling na sumisibol sa aking dibdib. Pilit kong tinipid ang ngiti sa'king labi kahit na sa loob-loob ko'y gusto ko siyang talunin at yakap-yakapin. I want to smell his neck. I want to kiss him on his lips. Napailing ako sa naiisip.

Naalala ko tuloy iyong una naming halik. Uminit ang pisnge ko sa naisip.

"Are you okay?" aniya habang pinagmamasdan ang kabuoan ko.

Tumango ako nang tumango "W-welcome back!" hindi ko na napigilan ang pagtaas ng boses ko. Sobra akong natutuwa, higit pa ito sa tuwang naramdaman ko nang dumating sina Nanay.

Unknown Mistake (Raquel Boys Series #1)COMPLETED✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon