The Nearness Of You

44.7K 1.1K 186
                                    

Chapter Two

"SACHI." Tuwang lalapitan na sana ni Julianna ang binata nang makita ito. Pero naudlot siya nang makita ang madilim nitong ekspresyon.

May isang linggo na ang nakalipas mula nang magising siya sa loob ng kanyang apartment. Hubo't hubad at disoriented kung ano ang nangyari sa kanya sa magdamag. Her private areas felt sore and violated. Ngunit kahit anong isip niya ay wala siyang maalala sa nangyari sa kanya. 

Nang komprontahin niya si Maxine kung ano ang nangyari sa club bago siya umuwi sa apartment ay nalaman niya ang ginawa nina Blair at Nathalie. Nakipagsabwatan daw ang mga ito kina Hendrix at Drigs para lagyan ng droga ang kanyang inumin. They spiked her drink with Rufilin. Sinubukan daw nitong pigilan ang barkada pero wala itong nagawa, four against one. Nang subukan siyang lapitan nito para balaan ay pinigilan daw ito nina Blair. Hanggang sa mamalayan na lang daw nito, nakalabas na silang dalawa ni Drigs sa club.

Gusto niyang pagsisihan ang nangyari. Gusto niyang magsumbong sa ina para papanagutin si Drigs sa ginawa nitong panghahalay sa kanya. Pero alam niyang isang malaking kahihiyan iyon. Mabibilad sa eskandalo ang kanyang pamilya. At parang nakikita na niya ang magiging galit ng kanyang ama. Hindi pa man nabubura ang disappointment nito sa bigla-bigla niyang paglipat ng school, heto at panibagong gulo na naman ang pinasok niya.

Napayuko siya nang lampasan ni Sachi. Kunsabagay ay hindi niya ito masisisi kung galit man ito sa kanya. Wala naman siyang ipinakitang mabuti rito kaya paano niya maaasahan ang pagdamay nito? 

Tumulo ang luha niya sa awa sa sarili. Ngayon niya higit na naramdaman na nag-iisa siya.

"Bakit ka umiiyak?" 

Natigilan siya. Wala sa loob na napalingon para tiyaking hindi siya dinadaya ng kanyang pandinig. And yes, there he was. Nakatayo ng ilang hakbang mula sa kinatatayuan niya.

"Kinausap ka ba ni Walter? Pinagsalitaan ka ba niya?"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Kinausap ka ba ni Walter? Pinagsalitaan ka ba niya?"

"N-no," umiling si Julianna sabay pahid ng luha sa magkabilang pisngi.

"Bakit ka umiiyak? Sino ang umaway sa'yo? May sakit ka ba?"

Hindi niya inaasahan nang mabilis nitong tawirin ang pagitan nila at damahin ang kanyang noo. Parang biglang sinilihan ang buo niyang mukha!

"I-I'm okay," gusto niyang umurong na parang gusto niyang magpakulong sa dibdib nito. 

Hindi niya maintindihan ang sarili. Nakikita niya lamang ba si Sachi bilang makakaramay o dahil may feelings siya rito?

"Parang may sinat ka. Kanina ka pa ba rito?"

Tumango siya nang wala sa loob. Nasa makapasok sila ng campus kung saan may mga nakahanay na mga benches na nalililiman ng concrete roof tile. Sa harapan ay ang malawak na daan para sa mga pumapasok na private vehicle at sa likuran ay ang tinatawag na Teletubbies garden ng mga estudyante. Para raw kasi iyong setting doon sa lumang children show noong araw.

The Heiress and the ManwhoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon