Bakit nila tayo sinasaktan?

106 2 0
                                    

Bakit nila tayo sinasaktan?

Bakit may mga taong minamahal naman natin ng totoo pero nakukuha pa tayong lokohin? Bakit may mga taong imbes na magpasalamat na lang sa kabutihang binibigay o ginagawa natin sa kanila, nakukuha pa nila tayong saktan? Bakit yung nag-e-effort naman tayo sa taong importante sa atin pero hindi man lang tayo kayang pahalagahan?

Lagi naman ganito eh… sa simula. Na-realize ko na kaya tayo hinahayaan ni God na saktan ng ibang tao dahil gusto Niya tayong matuto at gusto Niyang ibukas yung mga mata natin sa mga taong tunay naman na nagmamahal at nagpapahalaga sa atin.

Pain is power. Sa sakit tayo nakakakuha ng panibagong lakas. Sa heartbreak tayo nagkakaroon ng time para sa sarili natin. Sa disappointments tayo nakakakuha ng faith para ipagpatuloy pa.

Life is not difficult, it’s just not that easy. Sa ngayon nasasaktan tayo pero after ng ilang araw o linggo o buwan o taon, titignan mo na lang yung sarili mo sa salamin at sasabihing “Galing! Nakasurvive ka!”

Kaya salamat sa mga taong nanakit, nanloko, nagpaasa at nambalewala sa akin, dahil sa inyo, natuto ako. :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 30, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bakit nila tayo sinasaktan?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon