Chapter 16

1K 32 7
                                    


"HI." nakangiting bati nito sa kaniya. Nakasandal ito sa sasakyan nito at nakapamulsa ang magkabilang kamay.

Bahagya siyang nakaramdam ng pagkailang ng hagudin siya nito ng tingin. Deja vu... Parang mayroon ng ganitong eksena sila dati sa isla..

"Kakauwi mo lang ba?" marahil ay napuna nito ang basa-basa pa niyang buhok.

Umiling siya dito bilang tugon.
"Nakatulog lang ako sa bathtub. By the way, what are you doing here at this hour at night?"

Napangiti ito at napakamot sa may batok. "Sorry na kung nagising kita. Gutom na gutom na kasi ako. Imagine, wala pa akong kain simula kaninang umaga. So...pwede bang....makikain diyan sa loob?"

That was the lousiest excuse she had ever heard.

Umarko ang isa niyang kilay. "Marami namang bukas na fast foods diyan. Doon ka kumain."

Sumimangot ito. "I hate fast food. It's not healthy."

Tama naman ito. "Eh, di doon ka sa restaurant."

"Well, wala ng bukas na restau ngayon." nagkibit balikat pa ito.

May point naman nga. "Go home then."

Sinapo nito ang sariling tiyan at umarte na parang hinang-hina. "Nanghihina na ako sa gutom at inaantok narin. Hindi ko na kayang mag-drive pa."

Napatawa siya sa ka-OA-yan nito. "Mabuti at may lakas ka pa mag-drive papunta dito."

Nakagat nito ang ibabang labi para pigilan ang pagtawa, ngunit napaumis parin naman ito. Napakamot na lamang ulit ito sa batok. "Mas malapit kasi itong bahay mo."

Sumandal siya sa poste ng kaniyang gate saka niya pinagmasdan ang mukha nito. Damn that beautiful face of yours...

Kapansin-pansin ang panglalalim ng magkabilang mata nito at sa tingin niya ay namayat rin ito.

Biglang bumundol ang kaba sa kaniyang dibdib. Damn it..mukhang tumatalab na ata sa katawan nito ang gamot... Masyadong mabilis ang reaction ng katawan nito kung ganoon. Dahil sinigurado naman niya na maliit lamang na porsiyento ang inilalagay niya sa inumin nito... Cause she had planned to kill him softly before... But everything has changed now...

Parang sinundot ang kaniyang kunsensiya sa nakikita niya ngayon. Ang nanlalalim nitong mga mata. Ang pagbagsak ng katawan nito... May kahabaan narin ang balbas nito dala ng ilang araw na hindi pag-aahit, pero nakadagdag parin iyon sa kagawapuhan nitong taglay. In short haggard itong tingnan pero ang gwapo parin naman. Nasaan ang hustisya?

"Okay, fine. Get inside." tinalikuran na niya ito. "Please close the gate."

Am I being cold hearted at him?

Why do you even care, Danny? Sabi ng munting tinig sa isip niya.

Mabuti na lamang at nauna siyang pumasok sa loob at nakita niya ang kaniyang pinaghubaran kanina na basta na lamang niyang itinapon sa kung saan. Pasimple niya iyong dinampot at isinuksok sa nadaanan niyang kabinet.

Pinapasok na niya ito sa loob ng bahay at pinasunod niya ito sa kusina. Binuksan niya ang ref para tingnan kung ano ang pwede niyang maluto para dito.

Hindi naman kasi siya nagluluto sa gabi pagkadating niya dahil tinatamad na siyang kumain. Sa kasamaang palad ay hindi pa pala siya nakakapag-grocery. Tanging tatlong itlog lamang ang laman ng ref niya. Nang buksan niya ang freezer ay wala narin iyong laman. Napangiwi siya. Wala narin pala siyang karne. Mukhang kailangan na niyang mamili para sa stock niya.

Stranger in Disguise (Stranger Series 3) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon