Chapter 16
"Ok,na besh.Dito ka na lang daw matulog.Don't worry,papahiramin kita ng damit."
Nakangiting sabi ni Lauren na syang ikinatango ko na lamang."Masakit pa ba iyang paa mo?"
Alalang tanong sa akin ni Ate Thea habang hinihilot ang paa ko.Nung binitawan kasi ako ni Lucas ay bigla na lamang akong natumba at natamaan ang paa ko kaya sumasakit ngayon.
"Ayos lang ako,Ate.Hindi naman ako masyadong napuruhan."
Nakangiting sabi ko.Si Ate Thea na lang ang kasama ko dito sa kwarto ni Lauren.Bumaba na kasi sya para makisali sa kung ano man ang ginagawa nila doon sa baba.
"Hindi ko na alam ang gagawin ko sa dalawang iyon..."
Naiiling-iling na sabi ni Ate Thea na syang ikinabuntong-hininga ako.Walang kaalam-alam na may gusto si Kuya Val kay Ate Thea.Pinagseselosan ni Kuya Val si Ivan.Sigurado din akong may gusto si Ivan kay Ate Thea.
Bumangon ako at nakangiting tumingin sa kanya.
"Punta lang ako sa baba,Ate Thea.Iinom lang."
Nakangiting sabi ko na syang ikinailing nya."Baka lumala pa yang paa mo.Ako na lang."
Sabi nya na syang ikinailing ko."Hindi na,Ate.Kaya ko na po,promise."
Sabi ko at dali-daling lumabas ng bahay kahit na medyo kumikirot pa yung paa ko.Kumunot ang noo ko dahil sa ingay na naririnig ko mula sa rooftop nila Lauren.Sumilip ako doon.Doon siguro sila naginuman.Sabi ni Lauren dito na daw silang lahat matutulog sa bahay nya.Papahiramin na lang daw ni Terrence silang mga lalaki at si Lauren naman sa mga babae.
Wala namang mataba at mapayat sa amin.Sakto lang ang mga pangangatawan namin kaya siguradong kasya sa amin ang mga damit nila.
Maingat akong bumaba para hindi masyadong kimirot ang paa ko.Agad akong dumeretso sa kusina nila Lauren at kumuha ng tubig.Inilapag ko na ang baso.Pumunta ako sa garden at laking gulat ko nang makita si Lucas na natutulog?
Nakasandal ang ulo nya sa may puno at komportableng nakahiga doon.Napangiti ako.Sa panahon ngayon,ang mayayamang katulad nya ay kahit maupo lang sa lapag nandidiri na agad.
Maingat akong lumapit sa kanya.Tumabi ako sa kanya at akmang hahawakan ang buhok nya nang pigilan nya ang kamay ko at hinila yon kaya ngayon ay nakakubabaw ako sa kanya na agad nya rin namang pinalitan.
Hawak hawak nya ang dalawang palapulsuhan ko at nakatitig sya sa mga mata ko.Sh*t,yung puso ko na naman!
"Stacey,anong ginagawa mo dito?Hindi ba't may pilay ka?"
Alalang bulong nito sa akin.Hindi ko tuloy napigilang ngumiti.Itinulak ko sya ng marahan at umupo ako ng maayos tsaka ko sya hinila pahiga sa mga hita ko.Nanlalaki ang mga mata nyang nakatingin sa akin.
"S-Stacey..."
Tawag nya sa pangalan ko.Hinaplos ko ang malambot nyang buhok at ngumiti.
"Alam mo ba,Lucas...Ikaw pa lang ang lalaking nakita kong umiyak ng ganon.Sabi nila bakla daw ang tawag don pero para sa akin hindi.Ang totoong lalaki,inilalabas ang emosyon."
Sabi ko habang nakatingin sa kanya.Umawang ang labi nya sa sinabi ko.
"Lucas,kung gusto mong maglabas ng emosyon,wag mong pigilan.Wag kang magalala,handa akong makinig sayo."
BINABASA MO ANG
Arranged Marriage To My Boyfriend's Bestfriend
Teen Fiction(Alferez Series 1) Lucas Dwayne Alferez & Stacey Leila Flores Story Started Writting: Dec.20,2018 Finish Writting: Feb.6,2019 Written By:Shireroseee