"Itry natin magpunta sa beach minsan," ang sabi ni Kat. "Lagi nalang kasing resort ang pinupuntahan natin kapag lumalabas tayo kapag ganitong bakasyon."
"Or magrent tayo ng fishing boat at mangisda tayo sa dagat! It'll be fun!" ang sabi naman ni Aldrin.
"Ikaw lang naman ang nag-eenjoy kapag nagfifishing tayo," ang sabi ni Zach. "The last time na nagfishing tayo doon sa lake nakatulog lang naman ako."
"May fountain kami diyan na may koi fish, baka gusto mong diyan ka nalang mangisda," pabirong sinabi ni Nick at nagtawanan kami.
"I'm surprised you're not making plans for this vacation kasama nina Henry at Kiko," ang sabi ni Kat.
"I'm not surprised at all kasi never naman kaming gumawa ng plano tungkol sa ganitong mga bagay, at isa pa nasa Italy ngayon si Henry at nasa probinsya naman si Kiko," ang paliwanag ni Nick. "Kung may dapat akong ikasurprise ngayon ay nandito ka't hindi mo ako inaaway."
"I'm just here because Zach lives here, and I'm trying to be civil with you dahil dito ka rin nakatira," medyo naiinis na si Kat kay Nick. Masama parin ang loob niya kay Nick dahil sa nangyari noong high school sila at kinukulit parin siya ni Nick sa panliligaw.
"Ah ganun ba?" Tumayo si Nick mula sa pagkakaupo at umupo sa tabi ni Kat. Umurong naman si Kat na tila nakakadiri si Nick. "So hindi ka aangal kung bibigyan kita nito?" Inabot ni Nick ang isang long stem red rose. Kinuha ito ni Kat at tinitigan lang ng masama si Nick.
Nagtinginan sina Nick, Zach, Aldrin at Nadine nang hindi sinira ni Kat ang bulaklak. Napangiti si Nick. "Sayang, akala ko sisirain mo yung bulaklak."
"Bakit, gusto mong sirain ko?"
"Hindi, hindi!" Naglabas na naman si Nick ng isa pang bulaklak. "May extra kasi ako kung sakaling sirain mo iyan." Naghiyawan ang mga kasama nila sa garden sa kilig. "At mayroon pang isa kung sakaling hindi mo sinira yung dalawa para mabuo silang tatlo. I. LOVE. YOU." Ang sabi ni Nick, itinuturo ang bawat isang rosas sa bawat isang kataga.
Napangiti si Kat at muling naghiyawan ang mga kasama nila. "Hoy mas kinikilig pa kayo sa akin ah!"
"So kinikilig ka?" ang biglang tanong ni Aldrin.
"H-hindi ah!" ang mabilis na dipensa ni Kat. "Natuwa lang ako."
"So kinikilig ka nga!" ang biglang sabi naman ni Zach.
"Hay naku tumigil na nga kayo," ang sabi ni Kat at inipit ang buhok na humaharang sa mukha niya sa kanyang kaliwang tenga.
"Hoy tumigil ka diyan Katrina ah, alam kong kinikilig ka," ang sabi naman ni Zach. "Kilala kita."
"O sige na, tumigil na kayo. Hindi ako kinikilig. Natuwa lang ako." Tumingin si Kat kay Nick. "Thank you ah."
"Kinikilig ka na nga talaga," ang sabi naman ni Nadine.
"Isa ka pa Nadine ah," ang sabi ni Kat. "Ang sasama niyong lahat pinagkakaisahan niyo ako. Teka nasaan ba yung iba?"
"Si Karla at Dana hayun at sumama sa bakasyon ng mga staff nurses. Pero babalik din sila after three days," ang sabi ni Zac. "Si Beth naman ay tumutulong sa paglilinis ng bahay nila."
"Pero mamayang hapon marumi na naman ang kusina nila," ang sabi ni Kat.
"Kakabake ng kung anu-ano," ang sabi ni Zach. "Naalala niyo ba noong minsang biglaan natin siyang binisita at halos puro harina ang buong kusina nila at nagsisi tayong bumisita nang walang abiso dahil nauwi tayo sa pagtulong sa paglilinis ng kusina nila?"
BINABASA MO ANG
Bloodlines and Heartstrings 2: Broken Strings
Fiksi RemajaSa pagpapatuloy ng kwento ni Zach... Nayanig ang buong mundo niya nang makilala niya ang tunay niyang pamilya. Magkahalong galit, takot at pagkalito ang bumalot sa kaniyang puso. Sa mga pagbabagong dumarating sa kaniyang buhay, paano kung bumalik an...